Chapter 19

929 21 0
                                        

Naabutan ko siyang nakahiga sa kama. Nakatitig sa kisame. Lumapit ako sa kanya.

"Hades, okay ka lang ba? Sorry ha nagpromise kasi ako kay na tutulungan ko si Ma'am--"

"No, It's- Its Okay"

"Gusto ko rin naman ang idea mo at kailangan kong magpatawad dahil tao lang din si Mom, nagkakamali"

Lumapit ako sa kanya. Alam kong mahirap sa kanya pero mas tama na patawarin nya ang kanyang ina. Ina nya pa rin ito.

"Hades, alam kong masakit. Hayaan mo muna ang kirot diyan sa dibdib mo at kung ready ka na, doon ka nalang magpatawad. Gaano ba kalaki ang kasalanan ng Mom mo?" hindi ko na mapigilan magtanong.

***

Hades POV

This passed week, malungkot si Garlea simula noon pinakilala ko siya kina Mom and Dad.

My Mom didn't like her. Nagalit ako kay Mom. Dapat hindi nya ginawa iyun. Baka kaya malungkot siya dahil sa Mom ko. Okay lang para kay Dad si Garlea para saakin. Si Mom lang talaga.

Si Mom ay hindi masamang tao kaya na disappointed ako sa kanya. Bakit hindi nya nagustuhan si Garlea? Mabait naman siya?

Pinagsalitaan nya ng masama si Garlea. Tinawag nyang Gold digger, b!tch, desperate b!tch, and many more. Tuluyan na akong nagalit sakanya. Hindi pa nga nanghingi ng tawad si Mom kay Garlea. Walang wala lang si Mom, what's wrong with her?

Dumating ang araw na nasunog ang maliit na tahanan ni Garlea. Her parents are both missing. She's 13 years old when her parents are both missing.

Wala akong nagawa. I have a condo pero hindi nya tinanggap. It's too much daw, hindi ko siya pinilit. Sa tuwing ganito, siya palagi ang nananalo.

I have no choice kundi sa mismong mansion ko siya pinatira. Marami kaming guess room, ginawa ko ang guess room na bagong room nya.  Doon na rin ako natulog.

Yan din ang sinabi ni Dad, bawal kaming matulog sa iisang room. Busy si Mom noon so hindi ako nagpaalam. Umu-oo lang si Dad since we are in relationship. Basta wag lang gumawa ng ikakadisappoint ni Dad.

Nang malaman ni Mom ay kaagad siyang umuwi at sinalubong kami. Mom is really angry, nakikita ko ang takot sa mata ni Garlea.

"What is she doing here?"  tanong ni Mom.

"Dito na siya titira, Mom. Sa ayaw at sa gusto mo" asik ko. I saw how my Mom changed her emotions.

"Are you crazy? Walang basura sa mansion na--"

"Mom!" sigaw ko at mabilis na hinila si Garlea patungo sa loob ng silid. Napabaling ako kay Garlea, she's now crying. I apologize to her, and my Mom should but she did not. Instead pinagpatuloy nya ang ginawa nyang pananakit emotionally kay Galea.

Inaawat ni Dad si Mom tuwing ginagawa nya naman ang ginawa nya kay Garlea. Dumating pa sa puntong maghihiwalay na si Mom and Dad dahil lang sa pag-uugali ni Mom. Pero hindi nagpaawat si Mom, parang hindi na siya ang nakilala ko.

Palagi akong sinasabihin ni Garlea na wag ng patulan si Mom.

That's it. I can't hold it anymore.

Kaarawan ni Leo today. Invited ako and Garlea, Leo ay isa sa mga matalik kong kaibigan kaya hindi ko maayawan.

Kasalukuyang akong nagmamaneho papunta sa mansion nila. Kasama ko si Garlea, pinaalam ko na siya sa magulang niya.

Dumaan kami sa madilim na tulay, Garlea ay takot sa dilim. Nakita kong nanginginig ang mga kamay niya. Kahit may ilaw na nanggagaling sa kotse ko ay takot pa rin siya.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil pisil iyun. Ang mga kamay nya ay malamig.

"Kapit lang Love, malapit na tayong makarating" wika ko. Ngumiti siya saakin. Damn, kahinaan ko ang mga ngiti nya.

Nang makarating kami ay nakahinga siya ng maluwag. Ang daan ay madilim. Private property kasi ang bar nina Leo. Hindi kami nakaabot sa mismong party dahil hinintay ko pa si Garlea na matapos sa homeworks at projects nya.

Bumawi nalang kami sa bar. Si Leo ay todo tawag at tanong saamin kung nasaan na kami.

Nauna akong pumasok. Nakita ko ang buong kaklase ko at ilang kasama sa varsity team. I used to play pero ngayon sina Leo nalang.

Huminto ako noong sinagot ako ni Garlea. Hindi sa dinadahilan ko siya, ayoko na talaga dahil madalas akong naaaksidente. I'm clumsy, too clumsy.

"Bro, ang tagal nyo ha!" sigaw nya saamin. The music here si too loud. Nag-uusap usap muna kami at uminom. Muntik ko ng makalimutan na uuwi pa pala kami. Medyo nalasing ako, hindi ko pinainom si Garlea ayaw nya rin naman.

Nauna kaming umuwi at dumating ang oras na pinakaayaw ko. Ang oras na nawala ang mahal ko dahil sa katangahan ko.

Oras na bangungot para saakin, gusto kong gumising at hilingin na panaginip lang ang lahat.

"I love you"

That's her last word. Hindi pa rin nahahanap ang kanyang katawan. Tanging ang kwintas na binigay ko lang ang nahanap.

Hindi lang yun ang nangyari. Nalaman kong si Mom ang nagpasunog ng bahay ni Garlea. Kaya hindi ko siya mapatawad. Naghiwalay sila Mom and Dad dahil sa ginawa ni Mom. Dad can't beat it.

2 years silang naghiwalay bago nagpakasal ulit. My Mom apologize to my Dad, Garlea and I. Pero hindi ko na siya pinatawad hanggang ngayon.

Deserve niyang masaktan ngayon at dapat masaya ako dahil nasasaktan si Mom pero hindi. Imbis na matuwa ay nasasaktan ako tuwing nakikita ko ang sakit sa mata ni Mom.

Ngayong bumabawi siya, baka lang na mapatawad ko siya.

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon