Chapter 44

663 17 0
                                        

"Hoy, nasaan na ang teddy bear ko? Akala ko ba bibilhan moko?"

Tumango siya, kasalukuyang kaming nagbabyahe patungo sa isang cafe. Grand opening ata tapos saktong kaibigan ni Hades. Malayo-layo ang byahe kaya nag-uusap kami ng kung anong topic.

"Pinalayas ako saamin dahil ako ang sinisi ni Auntie Jhona." Panibagong topic ulit.

"Why?"

"Nag-eeskandalo raw kami ako. Alangan naman yung ex boyfriend at yung pinsan ko ay nahuli kong tumataksil saakin. Nagbreak kami tapos ako yung sinisi dahil si Jhona at Eric ang laman ng chismis ng buong lugar."

"Wala ka bang ibang matirhan? How about your parents?"

"Wala na."

"Oh, sorry to hear that. So you're all alone?"

Tumango ako, patuloy lang kami sa pagchi-chikahan. Kadalasang topic namin ay tungkol saakin. Nakwento ko na rin halos lahat. Puro tanong kasi tong si Hades hanggang sa makarating kami.

Trenta-minutos ang byahe, worth it dahil sa kwentuhan. Bumaba kami sa isang cafe. Sakto ang laki at may iilang tao sa loob. Pansin ko rin ang putol na pulang ribbon na nakatali sa magkabilang gilid ng entrance.

Bumaba kami at sabay na pumasok. Hinayaan ko siyang hawakan ang bewang ko. Pinagtitinginan kasi kami kaya nahihiya akong tanggalin iyon.

"Bro, buti nakarating ka." bungad saamin ng isang gwapong lalaki. Magkasing tangkad ni Charles.

"Na-miss kita bro." dagdag nito. Tumango lang si Hades at tinapik ang balikat nito.

"Congrats." bati ni Hades.

"Oh, thanks bro."

"And who's this beautiful lady?" napadako ang tingin saakin ng lalaki at ngumiti. Lalong humigpit ang hawak ni Hades saakin.

"I'm Leo Cruz, leo for short." Pagpapakilala nito. Halatang nagdadalawang isip kung makikipagkamay ba saakin dahil sa titig ni Hades.

"Corielyn Almirah Sonero, Corie nalang." Natatawang tumango si leo.

"Easy, bro. Taken na ako."

Pinapasok niya kami at pinakuha ng pagkain. May lamesang puno ng ulam, cater ata. May lamesa ring puno ng cookies, chocolate fountain, marshmallow at cake.

Dumiretsyo kami sa mga ulam, may lechon din. Kumuha ng pagkain si Hades, mukhang masarap pero mas natatakam ako sa cookies at marshmallow.

"Mamaya na, kain ka muna ng kanin." Ani nito. Mukhang napansin akong nakatitig sa lamesa ng mga sweets. Hinayaan ko siyang kumuha ng ulam sa pinggan ko.

Naghiwa rin siya ng lenchon at nilagay iyun saakin. Hindi naman marami ang nilagay niya, sakto lang.

Umupo kami sa bakanteng upuan. May nag-iinuman, kumain at nag-uusap. Si Leo ay busy sa mga bisita. Kumain na kami, masarap ang pagkain kaso mas gusto ko yung cookies.

"Finish your meal first."

Tumango ako at tinapos ang pagkain. Hinintay ko muna si Hades na matapos. Siya nalang ang uutusan kong kuhaan ako ng cookies. Nasa gitna kasi tapos maraming bisita nakaupo malapit doon.

"Ikaw na kumuha, please. Nahihiya kasi ako." wika ko. Napadako ang tingin niya sa lamesa bago tumango. Hinayaan ko siyang tumayo mag-isa.

Sinudan ko siya ng tingin, mukhang masarap yung cookies tsaka yung marshmallows. Kumuha siya ng maliit na pinggan at kumuha ng cookies. Bumalik siyang may dalang pinggan.

Hindi na ako nagreklamo na walang marshmallow. Puro cookies at dalawang hiwa ng cake ang laman. May iba't ibang klase ng cake kasi doon kaya marami.

Nilapag niya iyun sa harap ko. Kumuha ako ng isa at tinikman iyun. Masarap nga. Naubos ko ang isang cookies at akmang kukuha sana ng mapansin ko ang titig niya saakin.

"Gusto mo?" tanong ko at nilapit sa bibig niya ang hawak kong cookies. Tumango siya at kinagatan iyun.

"Masarap diba?" Tumango ulit siya at mahinang tumawa. Hindi ko siya pinansin at kumain nalang. Nilapit ko ulit sa bibig niya ang cookies. Kumagat ulit ito at uminom ng orange juice na sinerve ng waiter.

Mabilis naming naubos ang cookies at dalawang hiwa ng cake. Malapit na ang hapon at doon lang namin napagpasyahang umuwi.

"Bro, maya na. May malapit na five-star hotel dito. Sali ka muna samin, inom tayo." pangkukumbinsi ni Leo kay Hades. Nagkatinginan kami ni Hades.

Ang tingin niya saakin ay parang nagtatanong kung papayag ba ako. Tumango ako kaya napabuntong-hininga siya at sumunod kay Leo. Hawak niya ang bewang ko habang inaalalayan akong umupu sa tabi niya.

Wala ng natirang bisita at tanging kami lang ni Hades at ang iilang kaibigan nito.

"Are you sure?" tanong niya saakin. Dumako ang tingin ko sa kanya bago tumango at ngumiti. May pulutan silang chichirya at iilang mga cookies. Sino kayang nagbake nito?

Kumuha ako ng cookies at kumain. Nakilala ko rin ang ibang kaibigan ni Hades. Sina Leo, Kael, Yno at Mike. Kaibigan si Hades noong 3rd year siya.

Puro tawa lang ang maririnig mo at mga kalaskas ng naglilinis.

"Bro, una naako. Tumawag na si Misis, congrats ulit." paalam ni Mike. Nagpasalamat si Leo. Tumingin ito kay Hades at saakin.

"Una na ako ha." tumango si Hades kaya tumango na rin ako.

"Ingat ka." tanging sagot ni Hades. Nagkatinginan kami kaya mabilis akong umiwas.  Ilang oras ang dumaan ay unti-unting umuuwi ang mga nag-iinuman. Sa kaunting oras ay nakilala ko ang mga ito. Mababait at maingay.

Dito na rin kami kumain ng hapunan bago nagpaalam. Kumaway ako kina Leo at Kael. Kumaway sila pabalik.

"Lasing ka na, kaya mo pa bang magmaneho?" nag-alalang tanong ko.

"Yes, i can still drive." sagot niya. Tumango ako at sumakay. Hindi naman masyadong hard ang drinks nila. Inaya pa akong uminom pero tumanggi ako, mabuti hindi ako pinilit.

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon