Corie POV
Napayuko ako ng marinig ang kwento nya. Nagulat ako kasi nagkwento siya saakin. Ngayon ko lang narealize na malaki talaga ang kasalanan ni Ma'am. Deserve nya pala kaunti yung sakit, i mean kaunti lang.
Ngayon na alam ko na, mag-e-expect ako na mahirap suyuin si Hades. Kung ako rin si Hades at gagawin iyun sa mahal ko, hindi rin ako magmamadaling magpatawad.
"I'm sorry. Hindi ko dapat tinanong" wika ko. Tama nga sila, curiousity kills a cat pero hindi ako pusa, tao ako. Tao.
"No, It's okay. It feels great that someone listened to me"
Nagulat ako, it feels great? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako napangiti.
"Wag kang mag-alala Hades, willing akong makinig sayo kahit kailan" wika ko at nagpaalam na. Gabi na at sigurado akong pagod siya. Kailangan na nyang magpahinga.
Kinabukasan, bumalik ako sa dati. Yung hinahanda ko ang almusal ni Hades at hinahatid iyun sa kanya.
Nag-toothbrush at naghilamos muna ako gaya ng ginagawa ko tuwng umaga. Back to work na, back to normal.
Bumaba ako at mabuti dahil wala akong naabutang paepal ng umaga ko sa kusina. Hinanda ko ang almusal, importante ang gatas. Hinding hindi ko na makakalimutan iyun.
Alas-siyete pa naman sa umaga. Maghahanda lang ako ng almusal ni Hades at ihahatid iyun sa kanya. Babantayan ko lang at pakainin ulit ng lunch at dinner.
Kumatok ako at walang sumagot. Kumatok ulit ako at wala pa ring sumagot. Baka tulog pa, pinuyat ko pa naman kagabi.
Pinihit ko ang doorknob, hindi iyun lock. Nilibot ko ang tingin ko at nakitang topless na natutulog si Hades. Ganda ng view!
Nilapag ko sa coffee table ang tray at umupo sa sofa. Mukhang kulang sa tulog kaya uupo muna ako. Chilax to da max!
Nakakahiyang gisingin, kulang kasi sa tulog. Mahigit isang oras siya bago natapos sa kwento. Yung 40 mins ay sa iyak moments nya tuwing may nababanggit na masakit na memories.
Hinayaan ko nalang, ang cute niyang umiyak. Narinig kong gumalaw siya sa hinihigaan. Tinaas ko ang ulo ko at nakitang gising na. Mabuti naman.
"Gising ka na pala." panimula ko. Gulat siyang napatingin saakin. "kain na."
Tumayo siya at pumasok sa banyo niyang sosyalin. Snob naman, may regla ba siya?
Lumabas muna ako sa balcony nya. Mainit na sinag ng araw ang tumama sa balat ko. Napapikit ako, hindi mahapdi dahil maaga pa. Sabi nila good for the body ito.
"Where the hell is that woman?" rinig kong sabi ni Hades. Dahil may kurtinang nakaharang sa bintana ni Hades ay hindi nya agad ako nakita.
Hindi ako sumagoy bagkus ay pinagpatuloy ko ang pagpikit at dinama ang init. Unti-unting humapdi.
Narinig ko ang malutong na mura ni Hades. Ilang segundo bago bumukas ang pintuan ng balcony.
"You're just here all the time and you didn't even answer. You're not deaf, are you?" Inis na wika nya. Mahina akong napatawa at hindi siya pinansin.
Ilang segundo kaming tahimik. Bigla akong nakaramdam ng tao sa gilid ko. Pinagmasdan ko kung sino iyun. Si Hades pala na nakapikit rin.
Trip nito? Nakigaya pala, gaya gaya!
"Tapos ka ng kumain?" tanong ko.
"Not yet"
"Kumain ka muna"
Mahina siyang napamura at pumasok. Galit? Siya na nga tong pinapakain.
Umupo siya at nagsimulang kumain. Niyaya nya pa ako pero tumanggi ako. Kapal ng mukhang tumanggi.
Nagpaalam siya na maliligo siya kaya kinuha ko na ang pagkakataon na kunin ang tray at sinauli sa kitchen. Hinugasan ko rin ang mga ginamitang pinggan.
Pagkatapos ay umakyat ako. Naabutan ko siyang kakatapos lang naligo. Nakasuot ng puting t-shirt na may sulat na Mama's boy. Napangisi ako, talaga ba Mr. Mama's boy?
Mukhang napansin niya kung bakit ako nakangisi. Namula ito at umiwas ng tingin.
"Ang ganda naman ng damit mo, Mr. Mama's boy." asar ko.
"Yeah my mom gave me this when i was young" mahina niyang bulong na sapat na para marinig ko. Teka, Mama's boy ba siya dati?
"Mama's boy ka dati?" hindi ko na mapigilan magtanong. Lalo siyang namula na parang hinog na kamatis.
"Let's not talk about it."
Tumawa ako ng malakas, ang sarap asarin ng Mama's boy. May natural na blush on agad.
"Stop it. I need to ask you something."
Napatahimik ako sa sinabi nya. May itatanong siya saakin?
"Do you know a place where I can relax even for a moment? I need to relax from my life problems." ani niya. Napaisip ako, may tama siya since marami siyang problema sa buhay kailangan niyang magrelax. Nice!
Pwedeng sa lugar na may preskong hangin para makarelax siya. Dapat may magandang view.
Pwedeng sa beach? Or kaya sa zoo since doon naman siya nababagay.
"Saan mo gusto? Sa beach? Sa mall? Sa zoo? Sa ibang bansa? Sa pool nyo sa taas? Bar? Sa puso ko? O sa sementeryo?"
Napahinto siya. Mabuti magrelax siya sa puntod ng mahal niya. Doon niya sasabihin lahat ng hinakit siya sa buhay.
Sa puntod ng mga magulang ko rin gustong magrelax. Kwinekwentuhan tungkol sa buhay ko, doon gumagaan ang damdamin ko.
"You're right. Isa-isahin natin iyan lahat."
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
