Corielyn POV
Naunang pumasok si Hades. Papasok pa ba ako? Nakakahiya naman, isa lang ang kama. Bakit kasi doon matutulog si Sunny? Hindi ba pwedeng si Hade-- hindi pala pwede.
Lord, bakit ko ba ako pinapahirapan? Ako na ata ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Una yung tsinelas ko tapos pangalawa itong kubo. May bago bang malas na dadating sa buhay ko?
Nandito kami para magrelax, mukhang sila lang ang nagrelax. Stress na stress ako!
"Kaya mo yan!" rinig kong sigaw ni Sunny at tuluyan nang pumasok sa kubo. Kanina pa to! Maghahanda na ang lahat para maligo tapos sa lunch na din.
"Sa labas ka ba matutulog?" tanong saakin ni Hades. Napabuntong-hininga ako at napilitang pumasok.
Ang ganda ng laman. Aircon pa! Lumaki akong hanggang electric fan o kaya ceiling fan lang. Sana all talaga sa buhay mayaman!
Maganda ang loob, maliit nga lang pero may isang malaking kama. Sana nagdala ako ng duyan o tent para sa labas ako matutulog.
Nilapag ko ang dala kong bag sa gilid. Presko at malamig ang hangin. Pumasok sa cr si Hades kaya kinuha ko ang pagkakataong lumabas.
Demonyong ngisi ni Sunny ang bumungad saakin, patago akong umirap. Pag-ako makabawi, patay saakin to.
"Suotin mo na yung binigay ni Señorita. Pinasabi niya rin na suotin mo daw." ani ni Sunny at tumakbo patungo sa dagat.
Sabi ni Ma'am? Asa!
"Corielyn, you should wear the two piece. I'm sure na bagay sa iyo iyun." Nakangiting wika ni Ma'am. Naku, saksakan talaga ako ng malas ngayon.
"Ma'am, ayaw ko po."
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para sabihin iyun. Hindi ko kayang ayawan si Ma'am, pero ngayon nagawa ko.
"Hoy, mahal yun." sabat ni Sunny na basa dahil galing sa dagat. Napatawa naman ng mahina si Maam.
"Isasauli ko nalang."
"No, sayo talaga yun. Have confidence, Corie. Huwag kang mahiya, tayo tayo lang naman."
Pano na? Mahiyaan talaga akong tao at wala rin akong balak suotin iyun.
Umiling ako, lalo namang napatawa ang dalawa. May nakakatawa ba?
Nagpaalam muna si Ma'am saamin. Tutulungan niya daw muna sina Manang at Sunshine na nag-iihaw ng barbeque.
Bumalik din sa pagligo si Sunny. Napadako ang tingin ko sa pintuan ng kubo nang lumabas doon si Hades na topless at nakabeach short. Lalo atang gumanda ang view!
"Kainan na!" sigaw ni Manang.
Isa isa kaming lumapit. Nasa ilalim kami ng puno, may malaking mesa at ilang ulam. Nandoon din yung inihaw nilang barbeque at baboy.
Lumapit din si Sunny saamin na may tuwalyang nakasabit sa balikat. Bale ito ang sitting arrangement namin.
Charles-Vacant-Sunshine
Si Maam Manang
Hades - Ako - Sunny
Tapos foods yung gitna, umusog ako palapit kay Hades dahil basa si Sunny. Nahalata ata ni Hades kaya umusog rin siya.
"So, kainan na!"
Ang saya dahil budol budol ito. Ang problema alam ba nila paano ito? Mayaman eh!
Napatingin ako kay Ma'am at Charles na kumain, marunong sila pero nang dumako ang tingin ko sa tabi ko. Ayun, naghihirap.
"Jusko, ganito oh." ani ko at tinaruan siya pano kumain gamit ang kamay. Halatang nahihirapan siya, napatawa naman sina Manang.
Nang nakuha na niya ang tinuro ko ay nagsimula na kaming dalawa kumain. Sa una naghihirap pa siya, wewss halatang mayaman talaga.
Ang pinagtataka ko ay sina Ma'am at Charles ay marunong habang itong isang to, hindi. Si Ma'am din ang nagrequest na magbudol budol kami. Siguro paa ang ginagamit ni Hades tuwing kumakain?
Ilang minuto kaming nagkwekwentuhan habang kumakain. Tanging ako, Hades, at Sunshine lang ang nakikinig. Minsan dumadaldal lang pagkailangan.
Pagkatapos ay nagpaalam si Ma'am na magbibibis para maligo. Kasama na rin si Charles at Manang.
Umupo lang ako sa buhangin at hinayaan ang hangin na sirain ang buhok ko. Nakasuot ako ng beach dress na bigay saakin ni Ma'am. Ang dami niya palang ganoon, mahilig kasi siyang magparty at magbeach noong teenager pa at yung mga dresses, party dresses at beach dresses ay hindi na niya nagagamit dahil hindi ja kasya.
Willing niyang binigay saamin ni Sunny at ako. Ang bait ni Ma'am, sobra. Maswerte kami dahil sila ang amo namin.
Napadako ang tingin ko kay Manang na ngayon ay nakasuot ng bikini. Huh?
Rumpa pa talaga sa gitna ng dagat. May Confident rin itong matandang to ha. Sana ako rin.
"Ayaw mo bang sumali sa kanila?"
Napatingin ako kay Hades sa tinanong niya. Naku, napakainit pa kaya. Tirik na tirik yung araw.
Napadako ang tingin ko kina Sunny. Mestisa siya at bagay sa kanyang balat. May malanwebe namang balat si Ma'am, alagang gluta.
Si Ma'am, Sunny, at Manang nakabikini, ako nalang ata ang kulang. Mahiyain naman si Sunshine at hindi masyadong nakipaghalubilo.
"Are you bored? Walang beach activities dito dahil private property ito." sabat niya ulit. Bakit ba ang daldal ng lalaking ito? Nag-eenjoy ako sa view eh!
"Shh! Itikom mo iyang bibig mo, maliligo ako mamaya."
Mahina siyang napatawa, cute naman ng boses pagtumawa.
"Bakit hindi ngayon? Sabay na tayo sa kanila oh!" natatawang ani nito. Napabuntong-hininga ako at tumayo.
Sige na nga!
Mukhang nakuha niya ang punto ko kaya tumayo rin siya at pinagpagan ang sarili. Nauna akong pumasok sa kubo.
Hinalukat ko muna ang bag, nasa labas ata siya nag-aantay.
Napatingin ako sa two piece, susuotin ko ba? Hindi naman ako magpapatalo, sayang rin. Branded na damit.
Bahala na nga!
Pumasok ako sa cr at nagpalit. Inayos ko muna ang buhok ko bago lumabas. Naabutan ko si Hades na nakasandal sa malapit na puno.
Napatingin siya saakin at tinaasan ako ng kilay. Hindi ko siya pinansin at lumakad patungo kina Sunny. Mukhang napansin nila ako kaya humiyaw sina Manang. Parang nawala yung confident ko!
"Tch! Don't wear that, it's disgusting." sabat ni Hades na nakisabay saakin sa paglakad. Disgusting? Hindi naman ah! Hindi ko siya pinansin, disgusting pala ha!
"Mayroon akong rushgard doon. Yun nalang suotin mo." dagdag niya na lalong nagpainit ng ulo ko.
"Porket ba ganito ang katawan ko, iniinsulto mo na ako?" Hindi ko na mapigilan ang sinabi ko.
"No, It's not what i meant-- oh fuck. Listen, okay? Nakikita masyado ang balat mo, i-i dont want you to wear that thing. Wait, sino ba ang nagsabing magsuot ka ng ganito?"
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
