Chapter 12

1K 19 0
                                        

"Mahirap, lalo na kapag yung taong importante sayo ay nawala"

Natameme siya sa sinabi ko, ewan bigla nalang tumahimik at huminto sa pag-iyak

"Pero.... nagising nalang ako na okay na. Yung kaya mo nang magpatawad kahit masakit,pero hindi naman ibig sabihin non okay ka na, wala na yung sakit at kirot ng puso mo. Matuto kang magpatawad dahil lahat naman tayo may pagkakamali"

Alam kong sobra yung pagkakamali nila, yung mga taong pumatay kay nanay. Pero bigla lang talaga, karma nalang bahala sa kanila

"Should i?" tanong nito. Tinaas nya ang ulo niya at pinagmasdan ako. Alam ko ang ibig nyang sabihin, kaya nya ba?

I mean, kaya nya bang patawarin ang nanay nya. Hindi ko naman alam ang istorya nila pero alam kong may maling nagawa si Ma'am kay Hades

"Hindi ko alam, kaya mo ba?"

Ang kaninang tahimik ay binalot ng hikbi, umiyak ito. Pinatahan ko ito, aba't hindi ko na kaya ang bigat nya

"I don't know, paano mo ba napatawad ang taong nakagawa sayo ng kasalanan noon-"

"Dahil sa nanay ko..... Dahil sa kanya, naalala ko yung sinabi nya na kahit gaano pa kalaki ang kasalanan karma na ang bahala. Mahirap magpatawad lalo na't buhay ng tao ang kinuha nila. Brutal at saksi sa dalawang mata ko. Pero nakaya ko dahil sa mama ko"

"Kung hindi mo pa kaya .... Bigyan mo muna ng oras, baka sakaling kaya mo na"

"Where are those bastards who killed your mother?"

"Hindi ko alam"

"Yaan mo na yung mga yun, karma na at Diyos na ang bahala sa kanina. Makukunat na din naman betlog nila"

***

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa pisnge ko. Minulat ko ang mga mata ko, bigla kong naalala

Nakatulog pala ako habang nakadagan si Hades saakin. Ang tagal kasing matapos ng drama nya, ako pa yung nahiya. Baka naman amoy asim ako diba? Pero hindi naman siya nagreklamo

Ako na rin mag-isa sa kwarto, dito rin pala siya nakatulog kagabi. Ang gwapo pa rin nya kahit umiyak, kahit may sipon pa

Pero, naglasing ba si Hades dahil sa mama nya? Nag-open topic pa siya about sa paano magpatawad, nasali tuloy ako sa drama nya

Mukhang hindi pa rin nya napapatawad si Ma'am Claudia. Kailangan ko na talagang gumawa ng matinong plano, tama nama siguro yung plano ko diba?

Napadako ang tingin ko sa alarm clock na nasa bedside table. Literal na nanlaki ang mga mata ko ng makitang 9 na sa umaga

Hindi ko pa siya napakain, baka malipasan

Kaagad akong tumayo at tumakbo patungo sa banyo. Naghilamos lang ako at toothbrush bago nagmamadaling pumunta sa kusina

May ilang maid pa akong nabungo, hindi ko na sila inabalang tignan. Naabutan ko si Sunny na nakaupo sa upuan habang nakapatong ang isang paa. Tumatawa rin habang may pinapanood, may subo-subo rin siyang popcorn

Wow, chill lang ha!

"Oh, Corie. Anjan ka pala, hindi ko napansin" nakangiteng ani nito. Malamang nasa selpon lang ang atensyon mo gaga.

Hindi ko siya pinansin at mabilis na kinuha ang tray. Napakunot-noo siya sa ginagawa ko.

"Anong ginagawa mo?" kunot-noong tanong nya.

"Kumain na si Hades?" tanong ko habang pinagpatuloy ang paghahanda

"Oo" tinaasan nya ako ng kilay, "Kaninang umaga" dagdag nito

"Tapos sabi nya wag ka na daw abalahin dahil pagod ka daw" ani nito, "May ginawa ka ba kagabi?" dagdag na tanong nito

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Ginawa ni Hades yun?

Wala naman akong ginawa kagabi pero puyat ako dahil hating gabi siya natapos mag-drama

Binalik ko ang tray sa lagayan, sumunod naman ang tingin ni Sunny saakin habang subo-subo ang popcorn

Hindi ko siya pinansin at tumalikod, akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng maalala ko si Hades

"Sunny, nasan pala si Hades?" tanong ko. Umiling siya at pinagpatuloy ang panonood sa selpon

Tuluyan na akong lumabas at bumalik sa silid. Wala rin siya sa kwarto nya, masakit rin ang balikat at likod ko

Binagsak ko ang sarili ko sa kama at tumingin sa kisame. Dirty white ang kulay ng kisame, may ilaw din at halatang mamahalin

Bigla kong naisip si Celia, nasan na kaya siya ngayon? Di bale tatawagan ko nalang siya pag may oras ako

Marami pang gumulo sa isipan ko bago ako nakatulog. Puyat kasi at halata saakin

Kinabukasan hapon na akong nagising. Kumukulo na rin tiyan ko, hindi pala ako kumain ng almusal at lunch. Napasarap ata tulog ko

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon