Chapter 74

837 11 0
                                        

Bumaba ako sa kotse. Madilim na ang palagid, sa labas pa kasi kami kumain kaya umabot kami ng gabi.

"Salamat sa paghatid, goodnight."

Bumaba siya at lumapit sa saakin. Nilapit niya ang mukha niya saakin. Hindi ako umiwas at hinayaang magkadikit ang labi namin. Smack lang naman yun at ilang segundo lang.

"I love you."

Hindi mawala ang ngiti ko hanggang sa hindi ko na maaninag ang kotse niya.

"Kumain ka na?" bungad na tanong ko kay Sunshine. Tumango lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa.

Pumasok ako sa kwarto. Maaga akong nakatulog. Siguro dahil ito sa ginawa namin sa classroom. Natapos namin lahat ng isang araw. Ang sakit pa ng katawan ko.

Kinuha ko ang phone ko, igo-goodmorning ko ba siya? Hindi dapat ako magfi-first move, siya dapat.

Habang naghihintay matapos sa banyo si Sunshine ay naghihintay din akong tumunog ang cellphone ko.

Nagsearch ako kagabi, 'How to be a good girlfriend?'

Yung lumabas,

Steps to be a good girlfriend
1. Always greet your partner.
2. Trust him
3. Appreciate his efforts
4. Always remind him that you love him and you're blessed to have him
5. Comfort him
6. Support him
7. Maintain a healthy relationship to prevent break ups.
8. Be honest

Mabilis akong tumayo at kinuha ang cellphone ko noong tumunog ito.

Hades:

Good morning, beautiful.

Kinagat ko ang labi ko at nagreply.

Corie:

Good morning.

"Bakit ka ngumingiti mag-isa, ate?" Napatalon ako sa gulat at mabilis na pinatay ang cellphone.

"T-Tapos ka na pala, hindi kita napansin." tugon ko at pumasok sa loob ng banyo. Mukha ba akong tanga habang ngumingiti ako mag-isa?

Hindi ako nagtagal sa banyo, una kong chi-neck ang cellphone ko kung may text ba siya saakin. Meron nga,

Hades:

Eat your breakfast, I'll fetch you.

Corie:

Saan tayo pupunta?

Hades:

I'll tell you later.

Nagmamadali akong kumain habang naghihintay na tumunog ang phone.

"May lakad kayo?" tanong ni Sunshine sa kalagitnaan ng pagkain. Tumango ako at uminom ng tubig. Saktong pagkatapos kong kumain ay bumusina ang sasakyan ni Hades.

"Una na ako," paalam ko at nagmamadaling kinuha ang shoulder bag ko.

"Mag-ingat ka--" hindi ko na narinig iyun sa pagmamadali ko. Sumigaw nalang ako ng oo at lumapit kay Hades.

"Wala ka bang trabaho ngayon?"

"I cancelled all my schedule today." sagot nito.

"Bakit? Sayang naman, may weekend naman ah."

"Well today is my birthday and I want to celebrate it with you." wika nito sabay bukas ng pintuan ng kotse.

Birthday niya? Oo nga pala, shit wala akong nabiling regalo.

"Ah happy birthday kung ganun." bati ko at pumasok sa loob. Umikot siya at pumasok.

"I guess you don't have a present for me."

"Hindi ko naman alam birthday mo pala."

"A french kiss would be appreciated." nakangising sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa kanya. Tumawa lang ito at pinaharurot ang kotse.

"Saan ba tayo pupunta?" pang-iiba ko sa usapan.

"To our future home." tipid na sagot nito. Future home? Ano daw? Ilang minuto kaming nagbyahe bago nakarating sa isang construction site. Nauna siyang lumabas at umikot. Pinagbuksan niya ako, lumabas ako at taka siyang tinitigan.

"Anong ginagawa natin dito? Tutulong ba tayo sa mga nagtatrabaho?" walang kwentang tanong ko. Hindi ko na maiproseso ang sarili ko.

"This is our future home, with our future child."

Hindi ako makapagsalita at naluluhang tumitig sa bahay na tinatrabaho pa. Malaki ito, "Anong pinagsasabi mo?"

"I know we've been together for a days but I want to marry you. So Corielyn Almirah Sonero, will you marry me?"

"Yes," walang alinlangang tugon ko at hindi mapigilang maluha.

++

Habang papauwi ay biglang bumuhos ang ulan at kung minamalas pa, na-flat-an kami. Madilim na. Wala kaming choice kung hindi magpalipas sa malapit na motel.

Hindi mawala ang ngiti sa mukha ka kahit naabutan kami ng ulan. Hindi pa rin ako makapaniwalang magpapakasal ako.

Ito na ba ang bagong buhay ko? Naramdaman kong tumabi si Hades saakin. Inayos ko ang pagkahiga ko.

"What's bothering you?" tanong ni Hades. Humarap ako sa kanya, "Sure ka na ba? Papakasalan mo ako?"

"I am 100% sure, I love you so much that I am willing to give you the world."

"Lol, aanhin ko ang mundo kung ikaw lang naman ang kailangan ko?"

Nauna akong nakatulog sa kanya. I feel comfortable in his arms. Kinabukasan wala ng ulan.

"Did you sleep well?"

Tumango ako at tinikman ang inorder naming breakfast. Okay lang naman ang lasa. Nagkatuwaan pa kami at nagsubuan.

Incase pagnagloko itong lalaking to, hindi ko na ibabalik ang binigay niyang diamond ring. Yayaman nga siguro ako nito eh.

"Hades, paano pagkasal na tayo? Anong plano mo?"

"We will build a family."

"What if hindi muna tayo bumuo ng pamilya? Sabi nila kapag may pamilya ka na ay lalong kang magiging busy. What if mamaya na muna?"

"I will respect you're decision, if that's what you want."

"Diba? Hindi pa ako nakapunta sa ibang bansa. Travel date tayo tapos mag-iipon para sa future family."

"I have enough money for us."

"Paepal ka talaga no?"

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon