"Lumayas ka na, ayoko ngang sumama." pilit ko kay Hades. Hindi niya ako pinansin. Kasalukuyang siyang komportabling nakahiga sa maliit kong kama na para bang siya ang may-ari. Nakatayo ako sa harapan niya.
"If you won't go, then i won't too." wika nito at umangat ng tingin sa kisame. Napabuntong-hininga ako sa inis.
"Anong idadahilan ng pamilya mo kung ayaw mong pumunta?" inis na tanong ko at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay para hilahin hanggang sa tumayo. Hindi nagpatinag ang lalaki.
"Ano munang dahilan mo kung ayaw mo ring pumunta?" tanong niya saakin. Hinayaan lang ako sa ginagawa ko.
"Ayaw ko lang pumunta." inis na sagot ko. Kulit!
"Idadahilan ko rin yung dahilan mo." kalmang sagot nito. Mahina akong napamura.
"Bahala ka sa buhay mong lalaki ka!" mahinang sigaw ko. Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok.
"Kuya? Nandiyan ba si Hades?" boses ito ni Charles. Hindi sumagot si Hades at parang walang narinig. Bingi ba tong lalaking to?
Anong sasagutin ko? Baka isipan kami ng masama.
"Bubuksan ko na ha?"
Napalunok ako at tarantang sumagot.
"O-Oo, t-teka gigisingin ko."
Nilakihan ko ng mata si Hades at binulongan.
"Sumama ka na kasi! Sabihin mo masama pakiramdam ko."
"And? Pag may kapalit, sasama ako." kalmang wika nito.
"Anong kapalit?" Aba'y nanghingi pa ng kapalit.
"Be my girlfriend, then I'll-"
"Ayaw sumama, masama ang pakiramdam. Hindi na rin ako sasama, ako magbabantay sa kanya!" sigaw ko at lumapit sa pintuan.
Binuksan ko ito at dumungaw. Sinadya kong liitan ang pagbukas para hindi niya makita. Kabado akong ngumiti. Nakita ko ang mapaglarong ngisi nito.
Tumango ito habang hindi mawala ang ngisi.
"Okay." wika nito at tumalikod. Sinarado ko ulit ang pintuan at bumalik sa kama. Nakapikit na ito.
"Hoy, wag mo akong bli-na-blackmail ha! Hindi na nakakatawa. Lumabas ka na, matutulog na ako." wika ko. Kakatapos lang namin kumain sabay kami. Gabi na rin naman kaya kahit maaga pa sa gabi ay pipilitin kong matulog para lang umalis itong lalaking to.
"Sabi mo babantayan mo ako, bakit mo ako pinapaalis?"
"Joke lang yun! Tabi, matutulog na ako." wika ko.
"Tabi tayo matutulog?" walang kwentang tanong niya saakin.
Hindi ko siya pinansin at pumasok sa banyo. Kaagad ding akong lumabas sa pag-aakalang wala na si Hades. Hindi ito tumayo at nakahiga pa rin sa kama. Napabuntong-hininga ako at kinalma ang sarili.
"Dito ka ba matutulog?" Tanong ko. Dumako ang tingin niya saakin at tumango. Napabuga ako ng hangin.
Lumapit ako sa pintuan at lumabas. Kung diyan siya matutulog edi sa ibang kwarto na lang ako. Tutal sa kanila naman tong mansyong to. Narinig ko pa ang pagtawag niya saakin.
"Hey!" tawag niya saakin. Nakakapikon ang lalaking to ha!
PINILIT ko ang sarili kong matulog pero hindi ako makatulog. Dumagdag pa tong g*gong pilit na kinakasya ang sarili sa sofa. Hinayaan ko na siya dahil pagod na akong marinig ang mga pilit niya saakin.
Kung gusto niyang matulog sa kwarto edi sa sofa siya. Nilingon ko siya dahil tinawag niya ako.
"Tabi tayo, please?"
Pinikit ko ang mata ko at hindi na siya pinansin. Doon ako nakatulog, ingay lang pala ni Hades ang makakatulog saakin. Naalimpungutan ako dahil may kung anong mabigat na nakadagan sa tiyan ko.
Tumayo ako at padabog na tinulak ang braso ni Hades sa tiyan ko. Nag-teleport pa talaga, scam na talaga tong lalaking to. Pumasok ako sa banyo at nag-ayos.
Nang matapos ay lumabas ako sa banyo. Hinayaan ko si Hades na ngayon ay sarap na sarap sa pagtulog. Lumabas ako at dumiretsyo sa kusina.
"Okay na ba si Kuya?"
Gulat akong napatingin kay Charles na ngayon ay nakahilig sa countertop habang nakaharap saakin. Lumunok ako.
"Oo, maayos na yung Kuya mo." sagot ko kahit wala naman talagang sakit yung tao. Lakas kasi ng trip, wala pa naman ako sa mood sabayan.
"Ang alam ko hindi sakitin si Kuya. Bakit kaya?" nakangising tanong saakin nito. Umiwas ako ng tingin.
"Gusto ka lang masolo nun." bulong nito pero sapat na para marinig ko. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa.
"Gusto mo ng gatas, bata?" pag-iiba ko sa topic.
"I'm not bata anymore, malaki na ako." wika niya at umalis. Napatawa ako at inakyat ang hinanda ko. Pumasok ako sa kwarto ko at nilapag iyon sa maliit na coffee table.
"Gising na pala ang mahal na prinsepe."
Hindi niya ako sumagot bagkus ay tumayo ito at lumapit sa pagkain. Tumabi ako sa kanya at kinuha ang isang plato. Hinanda ko rin ito para saakin.
"Wala kang gagawin?" tanong niya saakin. Tinaasan ko siya ng kilay at tumango. Ano na naman kayang plano ng lalaking to?
"Wanna ko somewhere?" dagdag na tanong nito habang sumisimsim ng gatas.
"Huh? Bakit ako tinatanong mo?"
"Bawal ba mag-tanong sayo?"
Inirapan ko siya at tumango. Baka nakakalimutan ng lalaking to na may kasalanan ito saakin. Kaya pala may mainit akong nararamdaman, braso pala yun.
"Simula ngayon, banned kana sa kama ko. Kung gusto mong matulog dito sa sofa ka."
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
