Chapter 5

1.5K 35 0
                                        

"What did you say?" Pang-uulit niyang tanong saakin. Umiwas ako dahil nilapit niya ang mukha nya saakin. Umigting ang panga nya

"Wala" sagot ko at umiwas ng tingin. Nanatili niyang magkalapit ang mukha namin at tinaasan ako ng kilay

"Me? A gay? How did you say that?"

Mahina ko siyang tinulak at nagmamadaling umalis sa harap niya. Tumayo siya ng maayos ng may biglang kumatok sa pintuan

Naglakad ito patungo sa pintuan at bumungad saamin ang isa sa mga maid sa mansion

"Ito na po ang pinahatid nyong pagkain, Señorito. Pinasabi daw ni Señorita na may family dinner po kayo sa-" hindi pinatapos ni Hades ang maid

"Yes, now leave" sagot ni Hades. Napataas ang kilay ko sakanya at ng pagmasdan niya ako ay umiwas ako ng tingin

"Eat with me. I know you haven't eaten yet, here take this" wika niya at binigay saakin kubyertos

"H-Hindi na po, busog ako" sagot ko at umiwas ng tingin. Seryoso niya akong pinagmasdan

"Take this and eat" mariing wika niya. Lumunok ako ng sarili kong laway, ewan ko ba at sa tuwing ganito si Hades ay kinakabahan ako

Malakas rin ang kabog ng puso ko. Labag man sa loob ay kinuha ko ang binigay niya saakin kubyertos at umupo sa tabi niya

Kumuha ako ng kanin at kaunting ulam. Mukhang mamahalin ang ulam, nahihiya akong ipasok ito sa bibig ko

Nilagyan niya ng malamig na tubig ang dalawang baso. Mas lalo tulo akong nahiya

Sumubo na siya at tinignan ako, tinaasan ako ng kilay ng makitang hindi ko pa ginagalaw ang pagkain ko

"Eat"

Palihim akong umirap at sumubo ng kanin. Labag ito sa loob ko pero baka mawalan ako ng trabaho. Ikaw na nga tong pinapakain, ikaw pa tong mag-iinarte diba?

Tahimik lang kaming dalawa kumakain ng binasag nya ito

"Eat more, I know you're hungry" basag nya sa katahimikan. Bumuntong hininga ako, sa totoo lang busog na ako pero wala akong choice. Siya ang boss eh

"Busog na po ako" tutol ko ng kukuha sana siya ng kanin. Mariin nya akong tinignan at bumuntong hininga

"Alright"

***

"You have to come with us. It's just a family dinner"

"Hindi na Hades tapos nakakahiya naman sa pamilya mo. Family dinner pero isasama mo ako, hindi nyo nama ako parte ng pamilya"

Umiwas ako ng tingin at naglakad patungo sa pintuan. Nagpaalam muna ako bago lumabas. Gabi na at maaga dapat ako bukas. Narinig ko pang tinawag niya ako bago ko maisarado ang pinto

Wala lang, trip ko lang. Kailangan ko paring labahan ang mga damit na nagamit ko. Ayokong ipalaba sa maid, babysitter lang ako

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng tawagin ako ng isa sa mga maid

"Bakit?" sagot ko

"Kailangan mo daw na sumama sa family dinner mamaya. Samahan mo daw si Señorito" maid

"Huh? Sinong nagpasabi-"

"Me" putol saakin ni Señorita at naglakad patungo sa direksyon ko. Nanlaki ang mga mata ko at binati ito. Pinaalis niya na ang maid, nagpaalam ang maid at umalis

"Come with us, I will also tell you a lot later" nakangiteng wika ni Señorita. Yumuko ako at sumagot, "Opo"

Tumawa siya, "Don't bow down, you are my child's babysitter"

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon