"Hello Miss?"
"Corielyn Almirah po," magalang na sagot ko. Nakita kong umiling ito. "Too long. Miss Corie will do" wika ni Mr. Riskey. Mabuti nalang at hindi talaga yun ang susuotin ko.
"Ok po Mr. Riskey." wika ko at napangite. "No, drop the Mr, Riskey will do" wika saakin ni Riskey.
"Your luggage is in your room since dito ka titira. Uunahin kitang i-totour sa labas." lumabas kami at dumiretso sa likod ng mansion.
"This is the garden," turo nya sa buong garden. Magaganda ito at marami ang mga bulaklak na roses. "Mahilig sa red rose si Señorita kaya pinuno ito. And this way is the pool. May pool rin sa taas."
Tango-tango lang ang sagot ko. Matapos nya akong pinagala sa labas ay sa loob naman kami. Maraming kuwarto. Malalaki ito na pwede nang gawing isang bahay ang kwarto. Malalaking pintuan at may mga gintong ulo rin ng tigre at nakanganga na may lumalabas na tubig.
Napakamahal siguro nun. Napabalik ako sa sarili ng huminto si Riskey.
"Corie, wag na wag kang papasok sa kwartong iyun" wika ni Riskey at tinuro ang pinakadulong kwarto. Hindi ko alam ang dahilan ng biglang pagtibok ng mabilis ng puso ko.
"Bakit po?"
"Iyan ang kwarto ng dating kasintahan ni Señorito. Kung sino mang papasok jaan ay sigurado akong hindi na makakalabas pa. Napaka-importante ng kwartong iyan." wika ni Riskey sa seryosong tono. Agad naman akong kinabahan, ganoon ba kaimportante yun?
Matapos nya akong i tour ay hinatid na niya ako sa aking magiging kwarto. Maganda ito at malaki, may kama na sakto ang dalawang tao, couch, malaking cabinet at magarbong cr. Sa cr ay may toilet, shower, at malaking salamin. Kompleto rin ang mga gamit at inayos ko na ang mga gamit ko.
Sobrang lambot ng kama. Napakasarap siguro ng buhay ng magiging amo ko no?
Napatingin ako sa pinto ng may tumawag saakin, "Ma'am Corie, pinapatawag na po kayo sa baba maghahapunan na daw." magalang na wika saakin ng isang katulong.
"Teka lang!" Pahabol ko kaya tumigil sa pag-lakad kaagad nya naman akong tinapunan ng tingin.
"Ahh ano kasi. H-Hindi ko alam saan ang dining, nakalimutan ko." wika ko. Ngumiti ako at napakamot ng batok.
"Ahh sundan nyo nalang po ako." Tahimik ko siyang sinundan. Ilang minuto kaming tahimik ng bigla itong nagsalita.
"Alam nyo. Hindi rin ako sure kung magtatagal ka po kayo." pangbasag nito sa katahimikan. Bigla akong kinabahan, aguy.
"B-Bakit naman?" Tanong ko. Sandali itong huminto at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Lahat ng maid ni Señorito ay kaagad ding umatras o di kaya ay pinaalis. Natatakot sila kay Señorito lalo na paggalit ito. Tatlong taon na ring tahimik at suplado si Señorito, hindi na ito ngumiti ng namatay ang kanyang dating kasintahan kaya simula noon tinatrato na ng pamilyang Oheo na parang isa sa kanila ang mga bagong maid ni Señorito para pangbawi man lang." paliwanag nito. Bigla naman akong napaisip.
Kakayanin ko kaya?
"Andito na po tayo. Pasensiya na po at napahaba ang paliwanag ko Ma'am." magalang na wika nya. Nasa harap kami ng malaking pintuan sa loob ata niyo ay hapagkainan na. Dinig na dinig ko na ang pag-uusapan nila sa loob.
"Tanggalin mo na ang Ma'am, Corie nalang " wika ko.
"Okay po Corie," nakayukong wika nito at akmang hahakbang na ng "Teka lang. A-Anong pangalan mo?" Pigil ko sakanya.
"Sunshine, Sunshine Aragon." wika nito at humakbang paalis. Napabuntong hinga nalang ako at binuksan ang pintuan.
Bigla silang natahimik at napatingin saakin. Yumuko agad ako. Tumayo si Ma'am Claudia.
"Oww, Mira ikaw pala. Come and join us." aya saakin ni Ma'am at pinaupo ako sa bakanteng upuan. Harap nito ang walang emosyong lalaki habang nakatitig saakin.
Bigla akong nailang at umiwas ng tingin.
"Mira? Is she the new babysitter of Hades?" Tanong ng nasa gitnang nakaupo. Malalim ang boses nito at nakakatakot rin.
"Yes honey." Wika ni Ma'am. Tumango-tango lang ang lalaki.
"Mom, hindi rin magtatagal yan." wika ng isang batang lalaki. Mga nasa 15.
Nasa gitna ang asawa ni Ma'am at nasa kanan si Maam. Nasa kaliwa naman yung 15 years old. Ako naman ay katabi ni Ma'am at sa harap ko naman yung lalaking tahimik lang. Nag-uusap lang sila about sa schools and business.
Tahimik lang ako at sinimulang kumain. Sumubo ako ng naramdaman kong may nakatitig saakin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang kaharap ko na nakatitig saaking mga mata.
Napaiwas ako ng tingin at yumuko. Sumubo ako kahit nakakailang. Ganito pala ang babysitter no? Pinapakain ng sabay sabay at tinatratong espesyal.
Tahimik lang akong kumakain habang nag-uusap sila minsan tinatanong nila ako kaya sinasagot ko lang.
Ilang oras ang nakalipas ng ihatid ako Sunshine pabalik sa silid. Natapos na rin dinner namin at hindi ko pa rin mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Sunshine.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakaisip. Nagising nalang ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Ito ang unang araw ko sa mansion na ito at unang araw din ng trabaho.
Kaagad akong pumunta sa banyo at naligo. Maraming mga bagay na halatang mamahalin sa banyo. May toothbrush, sabon, at shampoo.
Ginamit ko ang iba doon at nagbihis. Hindi ko alam ang susunod kong gagawin pero bigla nalang akong nakaramdam ng gutom.
Kaya nagpasyahan kong lumabas at kumain ng breakfast, napaisip naman ako na hindi ko alam ang pasikot sikot sa mansyong ito.
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang maid. May uniform kasi ang mga maid dito kaya mabilis kong malalaman kung ano sila dito sa mansion.
"Magandang Umaga po, ako po pala si Sunny Aragon at isa ako sa mga maid sa mansion. Heto po pala ang agahan nyo. Ugali po namin na ihatid ang agahan ng bagong babysitter ni Señorito sa unang araw." saad ng maid na si Sunny. Kaano ano nya kaya si Sunshine? Magkapatid ata, pareho kasi ang mukha.
"B-bakit daw?" Tanong ko. Sosyal naman.
"Pambawi lang po kasi baka ito na ang last day nyo at pasensiya na po ha sa sinabi ko. Ugali na po kasi namin iyan at utos ito ng señorita. Wag nyong sabihin na sinabi ko po ito ha." sagot ni Sunny
Tumango naman ako at sinimulang kumain. Nakatayo lang siya sa bandang pintuan at naghihintay. Last day ko na ba to?
"Kumain ka na ba? Halika at samaham mo ako, hindi ko naman ito mauubos" pag-aaya ko.
"Salamat po pero ugali napo namin na maagang gumasing at pagkatapos maghanda ng agahan ay kami naman po ang kumain." sagot nito.
Tumango-tango lang ako at pinagpatuloy sa pagkain.
"At sabi po ni Señorita na puntahan mo daw yung silid ng Señorito." pahabol na wika nito bago niligpit ang mga gamit.
"Okay"
Patungo kami sa silid ng Señorito. Hindi ko kasi alam saan ang silid nito maliban sa pinagbabawal na silid. Sinamahan ako ni Sunshine, wala si Sunny dahil may gagawin pa itong importante.
"Sunshine tungkol sana sa sinab-" hindi na nya ako pinatapos "Corie wag na natin yang pag-usapan" seryosong asik nito kaya natahimik naman ako.
Feeling ko mas matanda si Sunshine saakin. Sa pagkilos at pagsalita nito ay mature talaga. Para tuloy akong mas bata kahit hindi naman. Magkamukha sila ni Sunny, magkapatid ba sila?
"Dito na po. Kumatok nalang kayo" ani nya at nagmarsya palayo. Bumuntong hininga muna ako bago hinay hinay na idinikit ang kamay ko sa pinto.
Ilang segundo ring walang sumagot at lock rin ang pintuan. Ilang minuto lang ng biglang bumukas ito at nakita ko ang matipunong lalaki na nakatayo.
"Are you the new babysitter?"
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
