Huminto na ang ulan bandang 2 pm, naglakad lakad ako para maghanap ng mapagbilhan ng pagkain
Napahinto ako ng makita ang isang sari-sari store, may nakikita narin akong mga bahay. May tricycle kaya sure na akong makakauwi ako
Dahil beste pesos lang ang pera ko the rest ay pamasahe nalang. Bumili lang ako ng skyflakes at tubig
Sumakay ako ng tricycle at mabilis lang kaming nakarating. Hindi kasi traffic at kadalasan ay traffic sa lugar nato, maswerta lang ako at maulan kaya walang masyadong dumadaan
Nagbayad muna ako sa driver at bumaba. Lumapit ako sa guard, mukhang nakilala niya ako kaya pinapasok niya ako
Nakita ko si Sunny na nagdidilig, ng makita niya ako ay winagaygay niya lang ang kamay nya. Ngumiti lang ako sakanya at kaagad na pumasok sa loob
Dumiretsyo ako sa kwarto at naligo. Baka lagnatin pa ako nito, may trabaho pa naman ako.
Dumaan ang gabi at ngayon ay busy ako sa paghahanda ng dinner ni Señorito. Kasalukuyan siyang nakahiga sa higaan
"Andito na ang dinner, Hades" panimula ko. Kaagad siyang tumayo at tinignan ako. Mabulo ang buhok nito pati ang kama na hinigaan nya kanina
"I'm tired, paliguan mo ako pagkatapos kong kumain" wika niya at lumapit sa coffee table. Nanlaki ang mata ko at sinulyapan siya
"Seryoso?" hindi makapaniwalang sabi ko. Tinapunan niya ako ng tingin at tinaasan ng kilay. "Kumain ka na?" Tanong niya, tumango lang ako
"Hades, Seryoso ba?" pang-uulit ko
"Yes. Your my babysitter dapat bantayan, pakainin, at paliguan moko"
"Hindi ka na bata" sagot ko. Huminto siya sa pagkain at uminom ng orange juice
May binulong siya na hindi ko marinig. Pwet niya lang ata nakarinig nun, ang tambok pa naman. Halata naman
"Ha?"
"Nothing. I'm done, paliguan mo na ako" wika niya at mabilis na tumayo at naghibad ng pang-itaas na damit. Dahil doon bigla akong namula at umiwas
Tinignan ko ulit siya na ngayon ay nakaboxer nalang. Pumasok siya sa banyo, hindi ako makapaniwalang magpapaligo ako ng damulag ngayon. Seryoso ba?
"Hey!"
Mabilis akong napatayo at pumasok. Galit kasi siyang sumigaw, nakita kong nasa bathtub siya. Nagrerelax habang ako kinakabahan
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Napatingin ako kay Hades na ngayon ay nakatitig saakin. Tinaasan niya ako ng kilay
Halatang bored siya. Mahina ang mga hakbang ko patungo sakanya, kinuha ko ang shampoo at pinahid sa buhok nito
Nanginginig ako habang menamasahe ang buhok niya. Nakapikit siya habang ako ay naiilang
Mabuti nalang at siya na ang naglinis ng sarili niya. Inikot ko ang tingin ko sa buong banyo ni Hades. Malaki ito halos kumpleto na
Nahiya yung bahay namin sa cr palang nila.
Walang nagsalita saamin hanggang sa matapos itong maligo. Ako na pinapakiramdam ang paligid habang siya na sobrang boring, halata naman
"You can now leave" mahinang wika nya. Tumango lang ako at akmang lalabas na ng pigilan niya ako. Napahawak siya sa braso ko dahilan na natigilan ako
Bumuntong hininga siya at sinambit ang hindi ko inaasahan. Bumilis ang tibok ng puso ko
"Goodnight" wika niya at mabilis na tumalikod at humakbang patungo sa walk in closet niya
Lumunok ako ng sarili kong laway at naiilang na lumabas. Huminto ako sa tapat ng pintuan, "Goodnight rin"
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
