Chapter 67

664 13 0
                                        

Hindi ako makatulog. Ang dami ng iniisip ko. Sobrang dami. May duty pa bukas. Gusto ko ng peace of mind!

Sa huli, napagdesisyonang lumabas at uminom ng gatas. Napadako ang tingin ko sa wall clock, alas-onse na pero heto ako, hindi makatulog. Umupo ako sa sofa habang inuubos ang gatas.

Mabuti nalang at dinalaw na rin nang antok. Mabilis akong nakatulog, kinabukasan ay late ako. Nagpasalamat ako sa Diyos nang walang aksidenteng nangyari sa classroom. Baka may mabasag, masira o mag-away na naman.

Natapos ang klase ko, tumambay muna ako sa waiting shed at binuksan ang cellphone. O-order ako online ng charger dahil nasira ang charger ni Sunshine dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siyang manghingi saakin ng pera. Nag-iipon kasi ang batang yun.

Tumayo ako at dumiretsyo sa nagtitinda ng fishball. Bumili ako at kumain saglit. Bumalik ako sa waiting shed at naghintay ng masasakyan.

Nakatayo ako ng maayos nang makita ang paparating na jeep. Papara na sana ako nang may humintong puting kotse sa harap ko.

"Pstt, hatid na kita Miss."

Nagulat ako at mabilis na sumakay. Si Lance, ang baklang tumulong saakin noon.

"Kailan ka nakauwi?" gulat na tanong ko.

"Kahapon."

"Na-miss kita ha. Musta kayo noong boyfriend mo?" tanong ko.

"Kami pa rin, libre kita dinner. Bilhan nalang natin ulam si Sunshine. Miss rin kita, Sis." tugon niya at nagsimulang magdrive. Nagkwe-kwentuhan lang kami buong byahe.

"Sis, parang may sumusunod saatin." sambit niya habang nagmamaneho. Kunot-noo akong lumingon sa likod at napabuntong-hininga. Alam ko na sino to.

"Hayaan mo na, kilala ko yan."

Huminto kami sa isang Italian Restaurant. Pagkatapos magpark ay sabay kaming lumabas. "Busy baby mo?" tanong ko.

"Yeah, andaming appointment. Anyway, kailan ka balak magkaboyfriend?"

Napatawa ako sa sinabi nito, "May pinapaaral pa ako." tugon ko. Tumawa naman siya, "Pinapaaral ba o may hinihintay?" nakangising sambit nito. Inirapan ko siya at pumasok sa loob.

Umupo kami at nag-order. Inubos namin ang oras sa paghihintay sa pamamagitan ng pagkwe-kwento ng mga nangyari saamin.

"Thank you, Corie for this day. Babalik na naman ako sa US. Mami-miss ulit kita." nakangusong wika nito matapos akong yakapin.

"Sus, salamat sa libre."

Nagpaalam kami sa isa't isa bago ako pumasok sa apartment. Bumungad saakin si Sunshine.

"Kumain kana? Ito ulam oh."

Maaga akong natulog sa gabing iyun. Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Naghanda at pumasok sa school. Bago pa ako makasakay ng jeep ay huminto sa harap ko ang itim na sasakyan. Hindi ito si Hades dahil iba naman ang sasakyan ngayon. Doon ko lang nakilala nang binaba niya ang salamin.

"A-Anong kailangan mo?" tanong ko kay Hades. Iba na naman sasakyan, mayaman talaga! Nagwawaldas lang ng pera.

Sumenyas siyang pumasok ako kaya sumunod ako. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta. Mabigat kasi ang awra niya at halatang pinipigilan ang galit o kung ano man yang nararamdaman niya ngayon.

Huminto kami sa harap ng school.

"S-Salamat sa paghatid." sambit ko. Bubuksan ko sana ang kotse pero naka-lock. Napalingon ako kay Hades na nanatiling nakatitig sa harap.

Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako, "Why are you with him?".

"Sino?"

"That man yesterday."

Si Lance? Hindi siya man, woman siya.

"Tapos?"

Narinig ko ang malalim niyang paghinga bago lumingon saakin. Kunot-noo ko siyang tinaasan ng kilay dahil kung makatingin siya saakin ay parang may nagawa akong malaking kasalanan.

Magsasalita na sana siya kaso, "Ay hala, time na." wika ko nang marinig ang tunog ng bell. Binuksan ko ang kotse at nagmamadaling lumabas. Lumingon muna ako sa kotse at kumaway.

Nai-imagine kong lalo siyang nainis saakin, Haha.

May iilang bumati saakin at tinulungan ako sa mga dala ko. Nagpasalamat ako at pumasok sa loob. Huwebes na at bukas biyernes. Wala ng pasok.

Natapos ang klase, sumabay ako kina Riyu. Pupunta na sana kasi ako sa waiting shed kaso naroon nakaparking ang itim na lambo. Ewan ko at bigla kong naramdamang gusto kong umiwas.

"Pasensya na sa abala, sa may kanto niyo nalang ako ihatid." nakangiting sambit ko sa kanilang dalawa na nakaupo sa harap.

"Ay sus, nakita kong naghihintay saiyo ang boyfriend mo kaso saamin ka sumabay. Nag-away kayo? Mayaman yun ah, nakalambo." wika ni Riyu. Nanlaki ang mga mata ko, anong boyfriend? Si Hades? Boyfriend?

"Hindi ko boyfriend iyun ha!" deny ko. Ngumisi si Riyu, "Sus, kalat na sa buong faculty na may mayaman at hot kang boyfriend. Si Hades Ohio raw ang pangalan. Aba, ang galing mo ring mamili." si Dianne naman.

Umiling ako at napahilamos ng mukha. Jusko, anong pinagsasabi ng dalawang ito? Kaya pala iba ang tingin saakin ng mga kapwa guro ko, pinagtitinginan ako na para ba akong nanalo sa lotto.

"Salamat sa paghatid, lovers. Ingat!"

Naglakad ako at huminto sa isang sari-sari store. Bumili ako ng meryerda. Napahinto ako ng makita ang itim na lambo sa harap ng apartment. Dahil nga iniiwasan ko siya ay umiwas ako ng tingin at nagmamadaling pumasok sa apartment.

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon