Chapter 39

706 18 0
                                        

"Oh, everyone is ready. Let's go?"

Nauna silang lumabas, sumunod si Charles at Hades. Nanatili akong nakatayo dito, nag-aalinlangan kung sasama pa ba. Family bonding to, out of place ako. Hindi ako parte ng pamilya.

Napahinto si Hades sa paglalakad at binalingan ako. Umiling ako at mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin. Lumapit siya saakin at hinawakan ang braso ko.

Mahina niya akong kinaladkad sa sasakyan na sasakyan namin. Pinagbuksan kami ng driver. Pinasakay ako ni Hades kaya wala akong magawa. Sumunod din kaagad siya.

Nakapwesto na ang lahat. Nagsimula na ang byahe. Mahina kong siniko si Hades para kunin ang atensyon niya. Hindi ako nabigo dahil napunta saakin ang atensyon niya.

"Bakit mo ako kinaladkad? Lakas ng trip mo ah!" bulong ko. Ayaw ko na sanang sumama. Hindi niya ako sinagot.

Nag-uusap-usap lang sila except saamin ni Hades na tahimik lang. Pagtinatanong lang kami sasagot. Awkward kaya, out of place ako.

Ilang minuto lang kami bago nakarating sa isang zoo. Kapatid daw ni Ma'am Claudia ang may-ari kaya libre kami. Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. May mga hayop, isa na dito si Hades.

May kinakausap lang sila Ma'am at Sir Marcus. Yung may-ari. Maganda ang may-ari, medyo kapareho ang mukha except sa kulay ng mata. Dark brown kay Ma'am habang itim naman ang kapatid niya.

Ang gaganda ng lahi nila.

"Let's take a picture first." Ani ni Ma'am at pinatayo kami sa entrance ng lugar. Pumpwesto sina Ma'am, Sir, kapatid ni Ma'am, Charles, at Hades.

"A-Ako na po ang kukuha ng litrato." pilit akong ngumiti.

"And who's this beautiful young lady?"

Napasinghap ako at pinigilan ang ngiti ko. Feeling ko lahat ng init ay umakyat sa mukha ko. Pinuri ako ng isang maladyosang ganda. Nakakaproud.

"My son's girlfriend. Your son told me that they were dating." sagot naman ni Ma'am na ikinagulat ko. Anong girlfriend?

"Oh, which one? Levi? Lorenzo? Logan?" tanong ulit ng kapatid ni Ma'am. Lalong nag-init ang mukha ko.

"Levi." Fake news po si Levi.

"Owh, Hades is good at choosing a girlfriend. They looked good to each other. Perfect couple." nakangiting wika ng kapatid ni Ma'am. Nagpilit ako ng ngiti nang ngitian ako ng babae.

"Hi, I'm Coreen. Claudia's older sister." pagpapakilala niya.

"I'm Corielyn po at hindi ko po boyfriend si--"

"Tita, aren't we going to take a photo?" putol ni Hades sa sasabihin ko. Sinama ko ng tingin ai Hades. Nakita kong siniko siya ni Charles at binulungan.

"Oo nga pala. Halika hija, join us. You are part of the family now."

"Huh? H-Hindi p--"

"Don't be shy hija. Welcome to the family." wika naman ni Ma'am Coreen. Hala, anong nangyayari.

"M-Mali po ang--" hindi natuloy ang sasabihin ko ng hinawakan ni Hades ang braso ko at pinatayo sa gilid niya. Nagpumiglas pa ako pero kinulong niya ako sa braso niya.

May lumalapit na staff at pinicturan kami. Nagpilit akong ngumiti kahit mukha akong tanga doon. Hindi mapakali.

Pagkatapos ay naglibot-libot kami, may mga wild animals pero imbis na mag-enjoy ay hindi ako mapakali. Shit anong gulo ba tong pinasukan ko?

"Hades, ano na? Sabihin mo ang totoo sa magulang mo." inis na bulong ko sa kanya. Nasa gilid kami dahilan kumukuha pa ng litrato ang mag-asawa.

Hindi ako pinansin ni Hades. Aba'y loko itong gagong to ha. Deadma lang, may regla na naman ba to?

"Kayo naman hija." wika ni Sir saamin. Shit na talaga.

Tumayo kami malapit sa malaking cage ng Leon. Ngumiti ako sa camera. Nanatiling poker face si Hades.

"Smile, Kuya." si Charles. Hindi siya pinansin ni Hades.

"Hades, ngiti daw sabi noong Tita mo." Wika ko. Napabuntong-hininga siya at ngumiti. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa camera.

May parte saaking hindi mapakali pero may parte rin na gusto ko. Kung pwede. Patuloy kami sa paglibot ng buong lugar. Puro picture rin kami.

Dumating ang oras ng tanghalian. Kumain kami sa isang korean restaurant. Hindi ako huminto sa pagtanong kay Hades kung bakit niya hinayaang sina Ma'am na paniwalaan iyon. Si Levi kasi, scam.

Hapon na kami nakauwi, napasarap kasi ang kwentuhan kanina. Sinundan ko si Hades hanggang sa makapasok kami sa kwarto niya.

"Paano na tayo ngayon? Bakit kasi hindi mo di-deny." inis na asik ko.

"It's too late."

"Kaya nga, sana sinabi mo. Patay talaga tayo ngayon." Napakamot ako ng batok ko at napaupo sa higaan niya. Ang laki ng problema.

"Kung sasabihin natin kay Mom ay hindi na yon maniniwala. Hayaan nalang natin sila." wika niya. Napatuwid ako ng upo. Hahayaan? Gago talaga tong lalaking to, madudungisan ang pangalan nila kung ganun.

"Sabihin nalang natin na nagbreak na tayo o kaya misunderstanding lang, diba?" tanong ko sa kanya.

"You really hate it, huh?"

Tinaasan ko siya ng kilay,

"Bakit? Ayaw mo rin ba?" taas-kilay kong tanong.  Seryoso niya akong tinitigan na tila isa akong mamahaling bagay na iniingat ng karamihan.

"Gusto, just let them think that we're in relationship or let's make it official?"


The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon