Napatingin ako kay Sunny sa balikat ko. Nagbabyahe na kami patungo sa mansion.
Natagalan kami dahil traffic, may salpukan kanina. Motor at sasakyan, kawawa yung driver ng motor.
"Bakit tulala si Ate? Milagrong hindi siya nag-ingay."
Awtomatiko akong napatingin kay Sunshine ng tanungin niya ako. Nasa likod kami ng van kaya hindi kami pasyadong kita.
"Natutulog," maikling sagot ko.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Sunny. May sakit siya sa puso. Ayaw niyang sabihin kina Sunshine dahil dagdag lang ito sa gastos. Napapikit ako, ang laking problema.
Kung mayaman lang sana ako o kaya sina Sunny baka magawan iyun ng paraan. Napatingin ako kay Sunshine.
Naaawa ako sa kanya, may sakit ang ama, nawala na ang nanay, at mawawala rin ang ate? Kung may magagawa lang sana ako.
Ilang oras kami nakarating, gumising na rin si Sunny bago kami nakarating. Tulala at mugto ang mata.
"Ate..."
"O-Okay lang ako, pagod lang sa byahe." wika nito at nagpilit ngiti. Tumango lang si Sunshine kahit kitang kita na hindi siya naniniwala. Nagtagpo ang mga mata, ngumiti siya ng mapait.
Nagpaalam siya at pumasok sa loob. Naiwan ako at si Sunshine kasama sina Charles, Hades, at iba pang tumulong na buhatin ang mga bagahe na utos ng ina nila.
"Corielyn."
Nalingon ko siya ng tawagin niya ako. Seryoso ang ekpresyon ng mukha niya. Minsan, natanong ko sa sarili ko kung sino ang mas matanda sa kanilang dalawa ni Sunny dahil mas matured mag-isip si Sunshine.
"Alam kong may mali kay ate, may sinabi ba siya sayong problema?" seryosong tanong niya saakin. Biglang nagflashback ang eksena noong umamin saakin si Sunny.
Huwag ko daw sabihin sa kanila.
Pero paano? Kailangan ni Sunshine na malaman upang maka-enjoy silang kapatid kung dadating man ang araw na mawawala na si Sunny.
May sakit siya sa puso pero masigla pa din siyang tignan. Na para bang walang sakit.
Hindi nalang siguro ako makikialam. Buhay nila ito, ang gagawin ko na lang ay tutuparin ang mga pangako ko kay Sunny.
"Hindi ako ang dapat tanungin mo niyan, Sunshine. Tanungin mo ang ate mo....." malumay na sagot ko. Napabuntong-hininga siya at pumasok. Mukhang susundan ang ate.
Bakit ba nangyayari ito?
Bakit siya pa? Sa dinami daming tao mas deserve pang mamatay, bakit siya pa? Pwede namang yung mga taong pumatay sa nanay ko.
"Are you okay? I think you need some rest."
Bumalik ako sa sarili ng marinig ang boses ni Hades. Tumango lang ako at nag-iwas ng tingin. Patago kong pinahid ang taksil kong luha.
Pumasok ako at dumiretsyo sa kwarto. Nang makarating ako ay pabagsak akong humiga. Napatitig sa puting kisame. Kailan ba matatapos lahat ng kalungkutan ko sa buhay? Hindi pa pwedeng masaya naman? Pagod na ako.
Lunes na bukas, natatakot akong ipikit ang ang mga mata dahil baka kapag imulat ko ay bagong problema na naman.
Hindi rin nagtagal ay nakatulog ako. Gabi na ng magising ako. 10 PM sa gabi.
Hindi pa pala ako kumain, bumaba lang ako at dumiretsyo sa kusina. Ang mga maid ay may sariling maliit na dining kung saan sila sabay kumain bago magising o gisingin ang amo.
Ininit ko lang ang natirang ulam at tahimik na kumain. Madilim na ang mansion kaya nagdala ako ng flashlight sa phone ko.
Tinutok ko ang flashlight malapit sa pinto dahil may napansin akong anino ng tao'ng nakatayo. Noong tinutuk ko ay sabay noon ang biglang pagkawala.
Bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Wala namang multo eh.
Lalo akong kinabahan ng bumalik sa pwesto ang anino. Napabuntong-hininga ako at tinutuk ulit iyun. This time nawala na naman.
Pinaglalaruan ba ako?
No, baka guni-guni ko lang iyun. Gutom lang to!
Sa pangatlong pagkakataon ay bumalik ulit ang anino. Malalim akong huminga bago ko inabot ang sandok at mabilis na hinagis iyun sa anino. Ayun, mukhang sapol sa ulo.
"Arggg!" ungol ng kung sino. Tumakbo ako patungo sa light switch at in-on ito. Malutong akong napamura. Si Hades lang pala.
"Argg! It hurts, you woman!" sigaw niya saakin habang hawak hawak ang ulo.
"Mukha ka kasing tanga, akala ko kung sino ikaw lang pala."
Napaupo siya habang namimilipit pa sa sakit. Mukhang napalakas ang pagbato ko dahil sa kaba.
Bumalik ako sa pwesto ko at bumalik sa pagkain. Yan, istorbo kasi. Nanatili siyang nakaupo habang masama ang tingin saakin.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Kasalanan mo na iyan, gago ka! Muntik na akong mamatay sa kaba."
Ang kaninang masama ang tingin ay napalitan ng malakas na halakhak. Lalo akong napikon dahil sa tawa niya. Inaasar ba ako nito?
"Gusto mo bang doblehin ko iyang bukol mo sa ulo?"
Hindi ko namalayang malakas pala talaga. May bukol siya sa kaliwang ulo pero kahit ganun ay deserve niya pa rin.
Tumayo ako at niligpit ang pinagkainan. Bago lumapit sa refrigerator, "Umupo ka muna," Wika ko at tinuro ang umupo na inupuan ko kanina
Kinuha ko ang cold compress at umupo sa tabi niya. Lumapit ako sa kanya at marahas na pinaharap siya. Galit pa rin ako, hindi rin siya nagreklamo.
Ibibigay ko sana sa kanya ang compress buti nalang mabait ako kaya ako na ang gagawa.
Maingat kong dinadampi sa bukol ang cold compress. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa noo ko. Hindi ko nalang sita pinansin para matapos ito.
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomansaCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
