Chapter 24

852 22 0
                                        

Hindi ko siya pinansin at patakbong pumunta kina Sunny. Marunong naman akong lumangoy kaya okay lang kung pumunta ako sa malalim.

"Sexy naman!" bungad saakin ni Sunny. Ilang metro ang layo namin, hanggang bewang lang ang tubig. May mas malalim naman pero dito muna.

Pumunta ako sa direksyon niya. Hindi naman masyadong malalim, hanggang leeg ko lang habang si Sunny ay hanggang sa ilong. Marunong pala siyang lumangoy.

Hindi na masyadong mainit dahil sa ulap na sinasangga ang araw.

Inaya niya ako na pumunta sa hindi malalim. Tunango ako at sumunod sa kanya. Hindi niya talaga mahinto ang bibig sa pagsasabi saakin ng sexy kuno at hindi rin makapaniwalang sinuot ko ito.

Bakit sila lang ba pwede?

Rumarampa lang si Manang habang nakabikini. Nakaupo din si Hades sa ilalim ng puno ng niyog. Nakatitig siya saamin, kahit malayo ang distansiya ay ramdam ko ang mariin niyang titig hindi lang pansin dahil nakashades ito.

"Manang, itigil nyo na po iyan." nakangiwing sabi ni Sunny. Bakit? Porket pa bay bilbil si manang at  lusyang na?

"Manahimik ka!" rinig kong sigaw ni Manang. Nakasuot pala ito ng pink na two piece at naka beach hat.

Umahon na ako at pumunta sa gawi nina Manang at Sunshine. Nakaupo lang si Sunshine at nagpapasilong habang si Manang at nakatayo lang. Hindi rin nagtagal ng umahon si Sunny.

"Sunshine, suotin mo na ang two piece na bigay ni Señorita." sabi ni Sunny habang nagpapatuyo. Umiling si Sunshine at tinuro si Manang.

"Huh? Sinuot ba ng matandang iyan?" asik naman ni Sunny. Humalakhak si Charles sa tanong ni Sunny. Hindi ko na rin mapigilan tumawa.

Marahang tumango si Sunshine, "Yang matandang iyan talaga."

"Ate, okay lang naman. Hindi rin naman ako nagsusuot ng ganun."

"Hoy, kanina ka pang babae ka! Binigay saakin to ni Sunshine dahil hindi siya sumusuot nito!"

Napatampal ako sa sariling noo. Maiwan na nga tong mga babaeng to. Nagpaalam ako at kinuha ang beach hat ni Sunny.

Balak kong maglakad lakad at itour ang sarili ko sa isla. Maliit na isla lang naman, hindi kalakihan.

"Where are you going, Corie?" Tanong saakin ni Ma'am.

"Naglakad lakad lang po." simpleng sagot ko. Mas maganda talaga paghapon at palubog ang araw habang naglalakad ka. Best feeling ever!

Nakisabay siya saakin. Ramdam ko ang bigat na auro ni Ma'am. May problema ba siya?

"Corie," tawag niya saakin, nilingon ko siya at ngayon ay nakatitig siya sa malayo. "Gusto kitang pasalamatan. Nakasama ko ang mga anak ko dahil sa outing na ito, ikaw ang nag-invite saakin kaya nakasama ako dito."

"Ma'am, wala po iyun. Parte na rin po ito sa pagsuyo natin kay Hades."

Ngumiti siya saakin, "Napakaswerte ko talaga sa iyo. Pwede na kitang maging... daughter in law"

Nanalaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ma'am, humalaklak naman ito ng malakas at tinuro ang mukha ko.

"Just kidding.... Epic!"

Umiwas ako ng tingin, epic ba talaga ang mukha ko kanina?

Daughter in law? Malabong mangyari iyun. Matagal ko ng alam, malayo ang agwat namin. Ako ay galing sa mahirap na pamilya at siya ay galing sa mayamang pamilya.

"Bakit ka ba naglalakad? Ang init na oh, yung skin mo." aniya. Napatingin ako sa balat kong kulay pula na dahil sa init na hindi ko namalayan. 

"Doon tayo sa malaking bato, may maliit na cave doon. Magkuwentuhan muna tayo."

Mas binilisan namin ang paglalakad hanggang sa makarating kami. Tama nga si Ma'am, may maliit na cave doon.

Pumasok ako sa loob at kinuha ang isa kong pares ng tsanelas at inupuan iyun.

"Kwentuhan mo naman ako sa buhay mo, Hija."

Napabaling ako kay Ma'am dahil sa sinabi niya. Nakatitig lang ito sa malinaw na dagat.

"Where are you parents? Why are you working? You should study, you're a good and smart lady."

Good? Smart? Bobo naman ako ah!

"Naghoneymoon po sa langit."

"Oh? Really? Pwede din ba kami ni Marcus doon?" mukhang nakisama si Ma'am sa joke ko ah.

"Pwede po."

Pagkatapos noon ay nagkatinginan kami at sabay na tumawa ng malakas.

"Hindi seryoso na to, Hija. Sorry pala kasi i asked ha."

"Hindi, okay lang po. Kaya nga po kwentuhan diba?"

Ilang oras kaming nagkwentuhan bago napagpasyahang bumalik dahil malapit na maghapon. Mag-bo-bonfire pa kami mamaya.

Sa oras na iyun, nararamdam ako ng pagmamahal ng isang ina.

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon