Corie POV
"LUMAYAS KA DITONG BATA KA!" sigaw ni Tita habang tinatapon ang mga gamit at damit ko. May tinapon rin siyang malaking bag.
"Tita maawa po kayo, wala po akong matitirhan." pagmamakaawa ko sakanya at tila hindi ito tumalab. Tinapunan ko ng tingin si Jhonalyn na ngayon ay nakangite na tila natutuwang nakita na magdudurusa ako.
"Yan! Kasalanan mo yan, pabigat ka na ngalang dito gumawa kapa ng eskandalo." sigaw ni tita Jhena at patuloy sa pagtapon ng aking mga gamit.
"Boyfriend ko po ang inaagaw nya." sagot ko.
Biglang nagflashback yung nangyari, nakapatong si Eric (boyfriend ko) kay Jhona habang sarap na sarap silang dalawa.
"Lumayas ka na nga dito!" nandidiring wika ni Jhona. Inirapan ko ito ng patago, nakapalandi.
Wala akong nagawa ng itulak ako palabas. Hinang Hina kong pinulot ang aking mga gamit at ipinasok sa bag.
"Shoo!" Pagtataboy saakin ni Jhona.
Anong gagawin ko? Saan ako titira?
Napatingin ako sa laman ng lumang wallet ko. 500 pesos, 500 pesos lang. Hinang Hina akong naglakad sa gilid ng kalsada. Paano na ang pag-aaral ko?
Wala na akong ina, pinatay ito. Napasakit dahil nakita mismo ng dalawa kong mga mata kung paano nila ito pinatay ng walang awa.
May kasalanan din ako, pinanood ko lang ang aking ina na si Corazon Aljia Sorrento na pinatay.
— [ F l a s h b a c k ] —
"Anak, magtago ka. Please kahit anong mangyari wag na wag kang lalabas." Wika saakin ni ina na kakadating lang at hinihingal pa.
"Inay bakit po? Anong nangyayari?" Walang malisyang tanong ko.
"Wala, basta magtago ka nalang." at pinahiran nito ang kanyang luha.
"Ehh? Ba't ka po umiiyak? Inaway ka po nila?" Tanong ko.
"H-Hindi, basta lagi mong tatandaan na mahal ka ni ina ha." huling wika nya bago ako hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit. "Sige magtago kana, magbibilang ako at hahanapin kita."
Kaagad akong tumawa at mabilis na tumago sa luma at walang laman na kabinet. Minuto lang ng bigla may kumalabog, bigla naman akong kinabahan.
"MAAWA PO KAYO!"
Walang atubling hinampas si ina ng kahoy sa ulo kaya ito nahiga. Lalabas sana ako kaso nakatakot ako na baka gagawin rin nila saakin iyon. Hindi ko na naisip ang nanay ko sa takot.
Patuloy sila sa paghampas kay ina ng kahoy hanggang sa napagod sila. Walang atubling nagmarsya na sila palabas. Ngumisi pa ang isa sa kanila.
Nakita kong may tatto ito sa braso. Isang leon na may espada sa nakacrus sa likod. Iyak lang ako ng iyak palihim.
Sinigurado kong wala na sila bago ako lumabas at umiiyak na tumakbo kay inay na ngayon ay duguan at walang malay.
"Inay!" hikbing sigaw ko at pilit na ginigising ito bago may pumasok sa bahy.
Si Itay,
"ANONG NANGYARI?"
Kaagad naming isinugod si inay sa malapit na ospital pero dead on arrival na siya. Sa panahong iyon iyak lang ako ng iyak sa burol ni inay.
Wala si itay noon dahil busy sa pag-iinom. Uuwing lasing, sa umaga naman ay nagtatrabaho pero ang sahod nito ay pinag-iinom lang. Binibigyan naman ako lagi ng pagkain ng kapitbahay namin.
Naabot narin sa pagkakataon na pinagbubuhatan at inaabuso na ako ni tatay kaya nagpasyahan kong umalis sa bahay.
Nanlimos ako para may makain hanggang sa makita ako ni tita jhena, wala siyang nagawa dahil narin sa naawa siya. May awa pa si tita nun dahil bata pa ako. Binalitaan nya rin ako na pumanaw na si itay dahil sa aksidente.
Lasing daw. Sa edad na pitong anyos nung namatay si inay at walo naman nang namatay rin si itay.
Sa murand edad, natuto akong magtrabaho at maglinis ng bahay nina tita Jhena dahil narin sa ayaw kong maging pabigat. Kaya saakin pinagawa ang lahat ng mabibigat na gawain.
Kumakalam narin ang tyan ko. Napatingin ako sa gilid ng makita ang karenderya at barbequehan. Maraming pagkain. Dahil sa gutom ay wala akong nagawa.
Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako at pinagpatuloy ang paglalakbay. Napatingin na lang ako sa gilid. May mga nakadikit na poster at kung ano-ano pa.
Napahinto ako,
"Hiring Babysitter, 50k monthly salary. Please call 09**********" basa ko sa nakadikit na papel, ang laki ng sahod makakatulong ito saakin. Ano bang klasing babysitter to, ba't ang laki ng sweldo?
Bigla akong natuwa sa nabasa walang atubling kinuha ang papel na nakadikit at kinuha ang cellphone kong keypad.
"Hello? This is Mr. Calyx Marcus Oheo's secretary. What do you want Ma'am/Sir?" Saad sa kabilang linya.
"M-Mag-aaply po sana ak-"
"May i know your name Miss? And also your location. Para mahatid ka po namin" tanong saakin. Kaagad kong sinabi ang aking pangalan at address kung saan ako ngayon. Ang bilis naman yata.
"Okay Miss, please wait. 5 minutes." wika nito at pinatay ang linya.
***
Napaupo ako sa waiting shed habang nag-iintay. Mabilis akong napalingon ng may bumusina. Isang maganda at mamahaling sasakyan. Biglang bumukas ang pintuan at lumabas ang napakagandang babae na nakasuot ng mamahaling damit.
"Hi miss? Are you Corielyn Almirah Sonerro?" Tanong nito saakin.
"Ahh opo." magalang na sagot ko. She smiled
"I'm Claudia Marie Ohio, wife of Calyx Marcus Ohio. Please come with me, You're hired" pormal na wika nito. Naamoy ko rin ang mabangong pabango nito. Ganito ba ang mag-aaply?
Mahina akong tumango ay sumunod. Pinasakay nya ako and smiled. Nahiya akong dumikit sa mamahaling dress nito habang ako ay isang mumirahing jeans at black T-shirt.
Tahimik lang ako at hindi nagsalita sa buong byahe. Kailangan ko ng pera kaya wala akong choice.
Bakasyon ngayon at kailangan ko talaga ng pera para sa pag-aaral ko. Gusto kong magbake at makapagpatayo ng isang Cake o bakery shop man lang. Bata pa lang ako ay may hilig na ako sa pagbabake.
Palagi akong sinusuportahan ng ina ko. Kaya sobrang nasaktan ako ng mawala ito at sa mismong mga mata ko pa.
Napahinto kami sa isang magarbong bahay. Hindi mansion na ata to, napalaki ng gate.
Pumasok kami sa loob at pinark naman ng driver ang sasakyan sa harap ng napakalaking pintuan. May malaking fountain at mga taong naglilinis.
Bumaba na kami ni Maam at kaagad namang naglinya ang mga maid at nagsiyuko. Grabe!
Feeling ko isa akong maharlika. Kahit sa mga trabahador ay hindi lumagpas ang magandang damit. Nakasuot ng maid custume ang mga maid na halos lumuwal na ang dibdib.
"Mira this is Mr. Riskey Borough. The one who will tour you around. And tomorrow morning will your job start. Please have fun" wika nya at binigyan ako ng ngite.
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
