Huminto kami sa pamilyar na restaurant. Siguro nakapunta o nakabisita na ako rito. Pagkatapos ma-i-park ang sasakyan ay lumabas siya. Bubuksan ko sana ang pinto upang lumabas pero naunahan niya ako.
Pinagbuksan niya ako, lumabas ako at napatitig sa pamilyar na lugar.
"We've been here before you left."
Napatingin ako sa kanya at bigla kong naalala. Nakapunta na nga kami rito pero hindi ko alam kailan yun.
Nauna siyang pumasok, sumunod ako sa kanya. Napatingin ako sa buong paligid. Puno ng mga high class na tao. Ako lang siguro ang naiiba, bukod sa nakasuot sila ng mga magagarbong damit ay halata rin sa kilos.
Suot ko pa rin ang uniporme. Naka-office attire naman si Hades.
Pinaupo kami nung receptionist sa lamesang may dalawang upuan. May menu na roon. Umupo ako at napatitig sa scented candle sa gitna. Ang ganda, lalo na hugis bulaklak.
May kung anong sinabi si Hades sa waiter bago ito umalis. Naiwan kaming dalawa, nakatitig siya saakin habang ako ay manghang-mangha sa kandila.
Mabango na, maganda pa. Narinig ko ang pagtikhim ni Hades kaya bigla akong natauhan.
"May kailangan ka ba saakin? O may sasabihin?" tanong ko, pumasok pa kami sa magarbong restaurant kung pwede namang sabihin ang kailangan.
Hindi siya sumagot, mariin ang titig niya saakin. " Nakalimutan mo ba?" tanong niya. Huh? Chineck ko ang bag ko kung sakanilang may nakalimutan ako.
"Nakalimutang ano?" tanong ko pabalik. "Nevermind, I think the right time is not now." malamig na asik niya. Bigla akong na-curious sa sasabihin niyang hindi niya itutuloy dahil hindi pa daw dumating ang tamang oras.
Sabay kaming napatingin sa cellphone ko nang nag-vibrate iyun. Isang text galing kay Sunshine.
Sunshine:
Nasaan ka na, ate? Dito ka ba kakain?
Ako:
Hindi, may lakad lang saglit. Uuwi ako kaagad pagkatapos.
Hindi na siya nagreply. In-off ko ang cellphone, kita ko ang mapanutyang titig niya saakin.
"Your boyfriend?" tanong niya saakin. Umiwas ako ng tingin at umiling. Magsasalita na sana ako pero dumating ang pagkain. Tahimik kaming kumain hanggang sa matapos. Nauna akong natapos, nagpaalam akong pupunta sa powder room.
Sa pag-uwi, hinatid niya ako. Lalabas na sana ako pero nakita ko ang titig ni Sunshine sa gawi namin. Hindi kami kita dahil black tinted ang sasakyan, baka pagdudahan ako ng babaeng yun.
"Ahm, salamat sa dinner. M-Mauna na ako." sambit ko at bumaba. Lakad-takbo ako papasok ng apartment.
Nakita ko ang titig ni Sunshine saakin, "Boyfriend mo?" nagulat ako sa tanong niya. Hindi niya nakita si Hades kay napahinga ako ng maluwag.
"Hindi, kumain ka na?"
Tumango siya at pumasok. Sumunod ako sa loob, nagkalat ang mga papel, notebook at bondpapers sa salas.
"Projects?"
Pagod siyang tumango, lumapit ako sa kanya at napatingin sa kanyang mga ginagawa. Huminga ako ng malalim bago nilapag ang bag sa sofa.
Naka-squat siya sa maliit naming center table. Umupo ako sa gilid habang nakatitig sa mga bondpapers.
"Natapos mo na lahat?" umiling siya habang may ginugupit sa construction paper.
"Anong gagawin dito?"
Tumulong ako sa kanya kaya mabilis kaming natapos. Tumayo siya at nag-unat, "Natapos din.."
"Malapit na pasahan nito?" tanong ko habang nililigpit ang nagkalat na papel. "Oo," sagot niya at pumasok sa kanyang kwarto na dala-dala ang sandamakmak na proyekto.
Trabaho na naman!
Late akong nagising kaya late akong nakapasok sa klase. Naabutan ko nalang ang mga estudyante kong nagsisiksikan habang natataranta.
Nagpanic pa sila noong nakita ako, napabuntong-hininga ako. Nakabasag ng jelosy, niligpit ko iyon habang sila ay tahimik na nakaupo sa sariling upuan. Sampo lang ang mga bata dahil yung iba ay achievers at nagpapractice.
"Sinong nakabasag nito?" mahinahong tanong ko. Sabay silang nagtinginan bago tinuro ang lalaking nakayuko, si Kevon.
Sobra ang pagod ko ngayon araw, nagpaalam ako sa mga kasama kong kapwa guro. Huminto sa harap ko ang pamilyar na sasakyan.
"Ma'am Corie, sakay ka na po saamin." maligayang wika ni Bruce na nakaupo sa likod. Ngumiti ako at umiling, "Hindi na--"
"Ma'am, I also want to talk to you." dagdag niya.
"Huh?"
Sa huli ay sumakay ako, si Hades pa rin ang driver. Nasa passenger seat ako.
"Ma'am Corie, wala po ako sa bahay ngayong weekend. I will visit my Mom in the grave and also Dad."
Huh? Patay na ba si G-Garlea? A-At si Hades?
"W-What?" takang tanong ko at napatingin kay Hades na ngayon ay seryosong nagmamaneho na parang walang narinig. Oh my gosh, multo na ba si Hades ngayon?
"Daddy Hades will be alone in the mansion. You can still visit, naroon naman si Daddy Hades."
Ano daw?
"Uuwi na si Dad from work abroad!" maligayang sambit niya. "Daddy Hades will be sad because I am leaving his house."
Huh? Wala akong maintindihan.
"I won't. It would be better if you are not in my house, Yuri."
Para akong mahihimatay sa lito, Yuri? Bruce? Dad? Daddy Hades? A-Ano pa..
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
