"How can I forget you? You have a lots of pictures in my Tito's room."
"Huh? A-Anong klaseng pictures?" tanong ko. Baka may picture akong nakahubad ako ha.
"When you graduated and many more. All of them are stolen photos. You look gorgeous on every photos."
Lumingon ako sa gawi nina Hades. Pareho silang nakatayo at nakatingin sa gawi namin. Tumayo ako at nagpaalam kay Bruce. Kailangan kong kausapin si Hades, kung totoo itong mga sinasabi ni Bruce o gawa gawa lang.
"Mag-usap tayo." sambit ko nang makalapit ako sa kanya. Nauna akong maglakad papalayo sa lugar na iyun, naramdaman kong sumunod siya sa likod ko.
"Totoo ba?" tanong ko noong nakalayo na kami, "Totoo bang may mga stolen photos ako sa kwarto mo?" taas-noong dagdag ko.
"Who said that?"
"Si Bruce. Alam mo, stalker talaga kita eh! May gusto ka ba saakin?" walang prenong tanong ko. Syempre, wala. Natahimik siya at umiwas ng tingin.
"Sagot!"
"Yes, I have."
Magsasalita na sana ako kaso tinawag ako ng mga kasama ko. Matalim ko siyang tinignan bago ako tumalikod.
"Wait, can we talk for a sec?"
Lumingon muna ako sa mga kasama ko at sinenyasan sila. Nakita ko ang mga ngisi bago umalis.
"Ano?"
"I don't like you.." napahinto ako, nahihiya na may kaunting kirot. Ang feeling ko naman, baka kumukuha lang ng stolen photos para ikulam ako.
"I still love you. Can you be mine again?"
Napako ako sa kinatatayuan ko. Ano daw? Tama ba narinig ko?
Yes... joke, baka mamaya pagkami na ay may bago na namang bata ang eeksena.
"But it's fine if you don't wan--"
"Bigyan mo muna ako ng panahon. Prove to me that you still love me."
++
Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyun. Sabi ng utak ko ay huwag pero sabi naman ng puso ko ay oo. Kaya pinaghalo ko nalang, prove nalang muna. Ayokong i reject o umu-o kaagad, hindi ko pa matukoy kung pag-ibig ba o nahuhumaling lang ako.
Malaki trauma ko sa pag-ibig. Sensya na.
"Hoy! Kanina ka pa tulala. Kakain ka ba? Ako nalang kakain nitong ulam mo--"
"Akin to! Ang mahal na nga ng karne tapos aagawan mo ako. Layas ka nga!" inis na wika ko kay Riyu.
"Itong saakin nalang, Love." sabat ni Dianne. Napahinto ako ng marinig ang salitang love...
"Hindi na, love. Busog na ako tuwing nakikita kita."
Ano daw? Korni naman.
"Eh, akin nalang ito ha tutal busog ka na naman--" hahamlutin ko na sana ang ulam niya kaso nilayo niya iyun saakin. Ang damot talaga nito.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at natulog buong magdamag hanggang sa ginising nalang nila akong uuwi na.
"Nandito ka ba para matulog?" taas-kilay na tanong ni Riyu. Ang sarap kasi ng hangin.
Gabi na kami nakauwi. Wala si Sunshine, paniguradong nandoon iyun sa bahay ng boyfriend.
From: Hades
Are you home?
From: Hades
Ingat sa byahe.
From: Hades
Are you tired? You slept the whole time.
Kanina pa tong text niya. Hind ko nabasa dahil tulog ako buong byahe. Bakit puro ako tulog? Hindi naman ako ganito?
To: Hades
Nakauwi na. Bukas na tayo magkita, bibisitahin ko lang puntod ni Garlea at yung ama niya.
Wala pang isang minuto ay nagreply na siya,
From: Hades
Are you sure? You don't have to.
To: Hades
Oo nga, pakialamero ka talaga.
Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon sumigaw. Biglang nag-vibrate ang cellphone. Kaagad kong kinuha iyun at binasa ang text.
From: Hades
I miss you.
Hindi ako nagreply. Pulang-pula ang mukha ko. I can't believe this is happening. Pero mali to, mag-ex kami tapos magbabalikan after years. Okay lang ba yun?
Miss na din kita.
'Can you be mine again?'
Sure, why not. Sa huli ay nakatulog akong good mood. Maaga akong bumangon at naghanda. Ginawa kong maaga ang pagkikita namin para matapos kaagad. Dami kong planong gagawin ngayon, maglalaba pa pala ako.
Kukunin niya daw ako dito. Nagjeans lang ako at off-shoulder na puti. Tinali ko ang buhok ko, saktong bumusina si Hades kaya lumabas na ako. Magkahalong excitement at kaba, makakaharap ko na ang lalaking pumatay sa nanay ko.
"You look gorgeous." bungad ko. Syempre, espesyal saakin ang araw na ito. Pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Thank you." pagpapasalamat ko at sumakay. Pinaharurot niya ang kotse. Kinse minutos ang byahe patungo doon.
"Bakit saakin ka nagkagusto? Madami namang babae diyan na mas worth it mahalin kaysa saakin."
"Why not you?"
"Bakit mo saakin tinatanong? Ikaw nga tinatanong ko. T*rantado ka rin pala." tumawa siya.
"I don't know. Millions of women but my heart chose you. Is it because you're special? You're kind, loving and wonderful lady. How about you? Why do you loved me?"
Nakatameme ako at walang maisagot. Kind, loving and wonderful lady. Am I?
"I don't know." bigong sagot ko. Hindi ko masabi kung gaano kita kamahal at paano ko masasabi kung bakit kita minahal.
"I have a millions of reason why I love you. Be mine again, Love." imbis na kiligin ay ngumiwi ako. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
Love? Ayokong marinig iyan galing sayo, Hades.
"Huwag mo akong tawaging love. Ayoko sa love."
"What do you want to call you then?"
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
