"Problema mo, woi." tanong ko. Hindi niya ako pinansin bagkus ay pinaandar na niya ang sasakyan nang makapasok na ako.
Dire-diretsyo lang siya sa pagda-drive. Tahimik at hindi ako pinansin magdamag hanggang sa makarating kami sa isang cafe.
"May kikitain lang ako. You can come with me, if you want." maikling wika niya saakin at naunang lumabas. Lumabas din ako at sumunod sa kanya, iniwan ko sa loob ang stuff toy.
Anong nangayari doon?
Pumasok siya sa loob at lumapit sa table na kung saan ay may nakaupong babae. Elegante ito kung pagmasdan sa malayo pero kung lalapitan mo talagang lilitaw ang kanyang angking ganda.
Umupo sa harap si Hades habang seryoso silang nag-uusap. Nakatayo lang ako malapit sa glass door habang pinagmamasdan sila.
Mukhang importante ang pinag-uusap kaya lulugar muna ako. Wala rin namang akong maiintindihan kung lalapit ako. Mukhang seryoso sila kaya mas pinili kong umiwas.
Lumabas ako at bumalik sa sasakyan. Kinuha ko si Patrick at pinagmasdan ito. Pinangalan ko pala ang stuff toy ko na Patrick dahil pink ang kulau nito at nakasuot din siya ng beach short.
Ang kaibahan lang ay meron sapatos at maliit na backpack na lalong nagpaganda sa stuff toy.
Simula ngayon, Si Patrick na ang baby ko. Namiss ko tuloy si Ingrid, isang maliit na stuff toy na binili ni Papa noong buhay pa siya. Naiwan ko sa bahay nina Tita Jhena.
Ilang minuto akong nakatitig sa harapan, hinihintay kung kailan matatapos si Hades. Pinikit ko ang mga mata ko at nilamon na ng antok habang nakayakap kay Patrick.
Sana tao nalang si Patrick, siya nalang mamahalin ko para hindi na ako malungkot.
___
Minulat ko ang aking mga mata at nilibot ang tingin sa buong silid. Hindi pamilyar na lugar at nandito ako sa isang... silid?
Tumayo ako at lumabas sa pintuan, kunot-noo kong pinagmasdan ang maliit na living room at ang nasa unahan nito ay maliit na dining room.
May narinig din akong ingay malapit sa dining. Lumapit ako doon, ang naalala ko ay nasa kotse ako ngayon ay nasa isang apartment? Hotel? Bahay? Ewan.
Na-kidnap ba ako?
Napatingin ako sa suot ko, ito pa rin kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Maliit ang mga hakbang ko at nanatiling alerto.
Nakapasok ako sa dining katabi nito ay maliit na kitchen. May lalaking nakatayo sa stove at may niluluto. Pamilyar ang taong nakatalikod, patuloy lang ito sa ginagawa.
Unti-unti akong lumalapit sa lalaki,
Bago pa ako makalapit ay bigla na itong humarap kaya napaatras ako sa gulat. Napahinga ako ng maluwag, akala ko kung sino, si Hades lang pala.
"Ikaw lang pala, akala ko kung sino."
Tinaasan nya ako ng kilay, umirap ako.
"Nasaan tayo?"
Hindi siya sumagot at bumalik sa ginagawa. Lalo akong nainis.
"Hoy, tinatanong kita. Nasaan ba tayo? Wala naman ata tayo sa mansyon." inis kong wika sakanya. Narinig ko na huminga siya ng malalim bago humarap saakin.
"Stop asking."
Pinagpatuloy niya ang ginagawa. Hindi man lang ako sinagot, dahil sa inis ko ay lumapit ako at tumabi sa gilid niya. Nagluluto siya ng hotdog.
"Hala, marunong ka palang magluto? Ano pa kaya mong lutuin? Marunong ka din ba sa gawang bahay? Maghugas o maglinis? Alam mo, hindi ko ini-expect na marunong kang magluto ng hotdog. Anak mayaman ka kaya akala ko hindi ka marunong magluto kahit kanin. Diba? Saan mo natutunan iyan? Hotdog lang ba kaya mong lutuin--" hindi na natapos ang tanong ko sa kanya ng tinalikuran niya ako. Palagi nalang akong tinatalikuran.
____
"Ang sarap ng hotdog mo ah!" wika ko nang matikman ang luto niyang hotdog. Bigla rin siyang naubo at mabilis na uminom ng tubig.
"Oh napano ka? Okay ka lang?" tanong ko sabay kagat ng hotdog na kakatuhog ko pang sa tinidor.
"Just be quiet and eat quietly." sagot niya at pinagpatuloy ang pagkain. Tumango ako at pinagpatuloy din ang pagkain.
"Pero gusto ko lang itanong. Saan mo ba natutunan ang pagluluto ng hotdog? Kailan ka natutong magluto? Ako kasi noong--"
"Quite."
Tumahimik ulit ako, gusto ko lang naman magtanong. May regla ba itong si Hades?
Nang matapos ay ako ang nagligpit, nasa living room si Hades. May pinapanood na palabas sa netflix.
Hindi naman marami ang ginamit namin kaya mabilis akong natapos. Pumasok ako sa silid kung saan ako gumising. Seryoso sa panonood si Hades kaya hindi ko na inabala.
Gusto ko sanang tanungin kung nasaan kami pero ang sungit niya ngayon, daig pa babaeng may period.
Pumasok ako sa banyo at naghilamos, nag-toothbrush na rin. Pagkatapos ay lumabas ako at lumapit sa gawi ni Hades.
"Hades, last na to. Nasaan tayo?" tanong ko. Napunta ang atensyon niya saakin.
"Apartment." maikling sagot niya. Bakit kami andito?
"Bakit tayo andit--"
"Malakas ang ulan kagabi habang papauwi na tayo sa mansion."
Napatango ako at lumapit sa bintana. Umuulan pa rin pero hindi masyadong malakas gaya ng sabi ni Hades saakin.
Mukhang mamaya pa kami uuwi. Wala pa naman akong dalang ibang gamit.
"Kailan tayo uuwi?" sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig niya dahil malakas dina ng volume ng tv, baka hindi ako marinig.
"If the rain stops."
"Hindi na masyadong malakas, pwede na bang umuwi?"
"No, we'll just go home when the rain stops."
"Hoy, mag-aano ka dito? Seryoso ka ba?" Lumapit ako sa kanya at humarap. Sana nagbibiro lang siya.
"Daldal." mahinang bulong niya pero rinig na rinig ko.
"Ano?!"
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
