Corielyn POV
"Hindi talaga ako makapaniwalang nagawa iyun ni Señorito. Ang sweet nya naman, halatang pinapakain kang marami dahil he cared for you" asar saakin ni Sunny ng malaman ang kwento kung bakit masakit ang tiyan ko.
Saan ang sweet doon? Halos magmakaawa ako sa kanya pero matalim niya lang akong tinignan. He cared for you? Kung ganoon, bakit nya ako hinayaang kumain ng marami?
"Sobrang payat mo kasi sa paningin ni Sir. Malay mo ayaw ka nyang magkasakit. Ayiee"
Sa ngayon ay pauwi kami, hindi pa rin gumigising si Celia. Isang araw siyang tulog kung gigising siya bukas. Sana gumising na siya.
Hindi ko alam ang buong pangyayari pero ang alam ko lang ay nakidnap siya. Yun lang. Basta bukas ay back to work. Nakalabas na ang dalawang magkapatid.
That means balik trabaho na naman.
Di bale para matahimik ako ay si Charles na mismo tatanungin ko o kaya si Celia paggising niya.
"Oy, tulala ka. Iniisip mo si Señorito no?" tukso saakin ni Sunny sabay kumindat saakin. Sinindot pa ang tagiliran ko. Matalim ko siyang tinignan. Napahinto naman ang gaga.
Pero hindi ko naman siya iniisip diba? I mean kanina ko kasi iniisip kung bakit siya nandoon, i mean kung bakit sila nandoon.
Bigla kong naalala ang sinabi saakin ni Sunny. May gusto daw si Charles kay Celia (Chap 7). Then bakit nya hinayaang umalis si Celia. Ang saklap pa ay siya daw ang nagpaalis dahil ayaw nya sa mga taong inaapi.
Pero kung may gusto si Charles kay Celia. Naka nandoon siya dahil iniligtas niya si Celia?Tapos tumulong lang si Hades?
Napailing ako sa sarili ko, ano ba tong iniisip ko?
Sa labas ako nakatingin habang nakatingin sa puno at palubog na araw. Mabuti nalang at natahimik si Sunny.
Napabuntong-hininga ako ng huminto kami. Pinagbuksan kami ng guard. Nakatitig lang ako sa mga gardenero. Halatang pagod sa maghapong pagtatrabaho.
Ganiyan naman talaga. Kailangan mong maging masipag para sa kabutihan mo at ng pamilya mo. Minsan kong hiniling na magkaroon ng kapatid.
Nung elementary pa ako, yung mga kaklase ko ay may kapatid. Nag-iisa lang ako, walang kapatid, walang makalaro, walang makatabi sa pagtulog. Maliit lang kasi ang higaan ko noon, siguro kasya kami ng kapatid ko doon.
Hindi kasi kami kasya ni mama, gustong gusto kong may katabi dahil takot ako sa dilim noon. Pero nasanay na ako dahil madilim ang buhay ko ng mawala ang mga mahal ko.
"Ayaw mo bang lumabas diyan, Corielyn?"
Bigla akong nabalik sa sarili. Nakita ko si Sunny na nasa harapan ng pintuan at inis akong tinignan. Hindi ko siya pinansin at lumabas.
"Problema mo? Taray mo ha!" inis na asik saakin ni Sunny. Patago ko siyang inirapan at pumasok.
Wala dito sina Sir at Ma'am dahil binibisita ang dalawang anak nila. Simula kasi nung nalaman nila ang nangyari, nawalan sila ng oras sa trabaho at binisita ang anak.
Inaya ako ni Sunny na kumain pero tumanggi ako. Sa sobrang busog ko ay parang gusto ko ng tanggalin ang tiyan ko at ibalik nalang paggutom na siya.
Pabagsak akong humiga sa maliit kong kama. Ang rami ko palang problema. Una, ay ang pagtulong kay Hades na mapatawad si Ma'am. Ikalawa, ay malapit na ang pasukan. Ikatlo itong tiyan ko.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod. Hindi nga ako nakaligo kahit yun ang unang naisip ko noong pauwi kami. Hindi rin ako nakabihis.
Pumasok ako sa banyo at nag-toothbrush at naghilamos. Back to work na.
Naabutam ko si Ma'am Claudia na nangangape sa kitchen. May ilang maid na naglilinis na.
Nang makita ako ni Ma'am ay pagod siyang ngumiti. Halata naman. Mugto ang mga mata pero maganda pa rin. Ano kaya ang ginagamit ni Ma'am?
"How's Hades?" tanong nito. Diba dapat alam nya dahil binisita nila ang kanilang anak kahapon?
"Okay lang po siya" sagot ko. Okay lang naman siya kahapon kaya yan ang sinagot ko.
"Kailan nya kaya ako mapapatawad?..... Kailan ko kaya maririnig na tatawagin nya akong ina?" wala sa sariling tanong nya. Napayuko ako. Mahirap pala maging ina.
Mayaman sa pera pero naghihirap sa pagmamahal ng anak.
Nakikita ko. Nakikita kong mahal siya ng kanyang anak pero parang pinipigilan ito ni Hades. Hindi ko man alam ang katotoohan pero tutuparin ko ang pangako ko kay Ma'am. Kaunting tiis lang.
"Ma'am, wag po kayong mag-alala. Kaunting tiis lang, hintayin nyo po muna na si Hades hanggang kaya na niyang patawarin ka"
"Sana nga" malungkot nilang sagot.
"Ma'am, ipakita po nating bumabawi ka. Magsipag nalang po tayong suyuin ang anak nyo hanggang sa makaramdam siya ng pagmamahal mo at ng mapatawad ka nya"
Ngumiti siya ng matamis saakin. Oo, kami dahil hindi ko rin siya susukuang tulungan para sa anak nya. Napakabait nya para makaramdam ng ganito.
Lumapit siya saakin at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa nya. Pero niyakap ko rin siya pabalik.
Pinapangako kong gagawin ko ang lahat bago pa mahuli ang lahat. Pangako
***
Dahil hindi pa nakauwi si Hades ay chill muna ako. Bukas pa pala siya makakauwi, sabi ng doktor. Ikinatuwa ko ito. Parang pansamantalang bakasyon ko muna.
Chill lang akong nakaupo sa ugat ng kahoy. Ito ang lugar na favorite place ko. Nasa garden rin ako.
Dumaan pa si Sunny kasama si Sunshine. Ngumiwi siya ng makitang chill lang akong nakaupo.
Ako na naman ang chill saamin. Kaso may kulang. Wala kasi akong cellphone at popcorn.
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
