PROLOGUE

3.9K 52 12
                                    

POSTED: MARCH 2023

REPOSTED: OCTOBER 2024

Personal work of Red Auza, exclusively free to read on Wattpad. No one can distribute this story in any group for a fee. If you paid to read this, thieves are profiting from my story. Let's not support such practices. It's unfair to authors who stay up late creating for free, only to have their stories exploited by others. I repeat, this is FREE TO READ.

Please limit your expectations.
Expect errors, such as grammar mistakes and typos. I appreciate your understanding.

This story contains language that is not suitable for young readers.
It includes profanity, sexual content, explicit language, substances, alcohol, and other mature themes.

Content Warnings:

Sexual Content: Graphic depictions of sexual situations may be present.Violence: Scenes of violence or physical abuse may be included.Substance Use: References to drug and alcohol use may be depicted.Mental Health Issues: Themes related to mental health struggles may be addressed.Triggering Content: Reader discretion is advised, as some themes may be sensitive or triggering to some readers.

This story is purely fictional.
Any names, places, events, or similarities to actual people or situations are purely coincidental and not intended by the author.

By reading this story, you acknowledge that you are doing so at your own discretion and that the author is not responsible for any emotional or psychological reactions that may occur.

ENJOY READING!

-RED AUZA

AUTHOR

***

Iyak nang iyak ang sampung taong si Dandelion dahil hindi niya alam kung saan na siya napunta. Dahil sa kapilyahan niya ay naligaw siya ngayon at hindi niya alam kung saan ang daan pabalik sa Luxury Hotel na pinagdausan ng kaarawan.

Naimbitahan ang pamilya nila sa kaarawan ng kasalukuyang mayor ng kanilang lugar. Kasama siya at ang mga kapatid niya. Ngunit nang makita niya ang mag-asawang nagtanghal ng cello at piano bilang pagbati sa mayor ay doon na natuon ang atensyon niya. At dahil sa labis na pagkamangha ay sumunod siya sa paglabas ng mga ito.

Nang mapansin niyang wala na ang mga ito sa labas ay lumabas siya ng gate at nakita ang isang sasakyan. Hinabol niya ang sasakyan hanggang sa hindi niya namalayang napalayo na pala siya. Hinahanap niya ang sasakyan hanggang sa hindi na ito matanaw ng mga mata niya. At sa kakalakad niya ay nawala siya at hindi na alam ang daan pabalik.

Hindi siya pamilyar sa lugar na nilalakaran niya. Hindi nga siya sigurado kung nasa Bulacan pa ba siya. Wala siyang idea sa bawat lugar dahil sanay siyang laging naka-kotse.

"Mommy, Daddy."

Nag-umpisa na siyang kabahan. Medyo lumalalim na ang gabi at mukhang nagbabadya pang umulan dahil lumalakas na ang ihip ng hangin.

"Kuya Dylan." Humagulgol na siyang naglalakad at tumingin-tingin sa paligid.

Lingid sa kanyang kaalaman ay may nakapansin sa kanya. Isang dise otso na binata at sakay ng kanyang bagong biling kotse.

Kakabili lamang niya nito kaninang umaga at dumating ng late. At dahil naging busy ay ngayon lang siya nagkaroon ng oras na gamitin ito patungo sa kanyang matalik na kaibigan upang ipakita, at para ito rin sana ang unang makasakay dito. Ngunit nakaagaw pansin sa kanya ang batang tila naliligaw dahil kanina pa ito patingin-tingin sa paligid.

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon