"Ma'am ito na po ang wedding gown niyo."
"Just put it in the bed and you can leave." The maid put the box in the bed. Pero hindi siya umaalis at nanatili lang siyang nakatayo sa gilid. "Anong hinihintay mo? Katapusan ng mundo? Kasi kung oo ikaw na unahin kong matapos."
"Bilin po kasi ni Ma'am Dane na wag iwanan ang gown dito."
"Oh ee bakit mo pa dinala dito yan?"
"Para daw po makita niyo." I roll my eyes and walk towards the bed. Hindi ko alam kung matalino si ate o madali lang talaga hulaan ang gagawin ko.
I am planning to wear the gown. Sabi kasi nila kapag daw sinukat ang damit pangkasal o kahit anong isusuot ng bride o kaya ng groom ay hindi matutuloy ang kasal. At iyon ang plano ko. Ang hindi matuloy ang kasal three days from now.
Sinubukan ko sanang maglayas pero hindi ako makalayas dahil may bantay sa labas ng kwarto ko. Hindi rin ako pwedeng dumaan sa bintana dahil hindi ko kaya yong ginagawa ng mga tumatakas na sasabit sa kumot. Mamaya malaglag pa ako madamay pa anak ko. Kung bakit ba kasi ako lumaki akong maarte hindi tuloy ako makakilos basta-basta.
I open the box but did not remove the gown. Tiningnan ko lang ang hitsura at mga nakalagay na kung anu-ano. The details na nakikita ko lang ang tiningan ko.
"Ma'am, gusto niyo ilabas ko para makita niyo ng buo?"
I design it on my own. An elegant mermaid trumpet with a real diamond around the neck. A diamond that cost millions. Sleeveless with a long veil na takip na takip ang buong mukha. The color is clean white.
"No need." Saka ko binalik ang cover ng box. "Sige na, kunin mo na yan at dalhin sa dating kwarto ni ate. Kung may time kang sunugin gawin mo at babayaran kita."
But she left with the box without saying anything.
Walang kahit anong gamit ng kasal dito sa kwarto ko. Everything is in ate Dane's room. As per kuya Dylan and ate Dane's order.
Humiga ako sa kama nang makaalis ang maid. Three days from now, Enrique and I tie the knot. Magiging asawa na ako ng lalaking matagal kong sinundan at pinangarap. Magiging legal na akong asawa ng lalaking matagal kong pinangarap at inasam na maging akin.
Pero hindi ako masaya. I don't know. Basta pakiramdam ko lang hindi ako masaya. Parang hindi worth it. Parang hindi dapat mangyari. Maybe because of the fact na alam kong napilitan lang siya. Wala siyang choice dahil kahit hindi niya sabihin ay natatakot siya sa pamilya namin.
This is not what I want. I want to marry him dahil gusto niya hindi dahil napilitan siya. Hindi dahil may sinaalang-alang siya. Hindi dahil may kinakatakutan siya. Kundi dahil gusto niya.
Nakakainis.
Kung hindi lang sana umalis ang baklang iyon hindi sana ako maiinis ng ganito. Yawa talagang bakla, paasa amputangina. Sana hindi siya masaya ngayon, sana nakidnap na siya at tinanggalan ng kidney at lahat ng laman-loob. Wag talaga siyang magpapakita sa akin dahil sasamain siya sa akin. Ako talaga magtatanggal ng laman-loob niya. Pareho silang magkapatid. Mga yawa sila.
My phone suddenly rang. Wala akong balak sagutin ito pero ayaw tumigil sa pagtunog kaya tiningnan ko kung sino ang tumawag. And speaking of demonyong bakla-----siya ang tumawag kaya mabilis ko itong dinampot.
"Hayop kang bakla ka! Bakit ka tumawag ha? Ang lakas ng loob mong tumawag pagkatapos ng ginawa mo sa akin!" bungad ko agad. Wala ng hello-hello dahil kung nasa harap ko lang ang gagong ito ay baka nasampal ko ng hells ko. Yong heels mismo ang tutusok sa mukha niya.
Pero ang gaga hindi sumagot. As in literal na tahimik ang kabilang linya.
"Hoy! Sumagot ka! Papatayin kitang hayop ka!"
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...