ONE

1.7K 38 7
                                    

=DANDELION DAZE DY=

Nakakatitig ako sa batang babae na hawak ng babaeng kasama ni kuya Dave. Ang cute ng batang ito, pero hindi kamukha ng nanay kundi kamukha ni kuya. Hindi ko rin alam kung nami-miss ko ba si ate Lelith o ano, dahil habang tinititigan ko ng husto ang bata ay mas nagiging kamukha siya ni ate Lelith. No wonder na mahal na mahal din ni kuya Dylan ang bata dahil kamukha ng babaeng mahal niya.

The baby's name is Dustle Live, named after kuya and ate Lileth, and the worst was anak siya ni Kuya at ng stepsister ni ate Lileth na si Erika. Sa madaling salita ay anak siya sa labas ni kuya. Ang kapal ng mukha ng kapatid ko, nagawa pa talagang lokohin ang asawa niya.

Pero siguro, goods na rin ang nangyari dahil kung wala ang anak niya ay baka baliw na siya dahil sa pagkawala ni ate Lileth. Arte-arte mag-emote, may kasalanan naman siya. Chos!

I don't hate the baby; after all, she's my niece. Let's just say na nabigla lang ng slight ang utak ko dahil hindi ako na-inform na may anakan sa labas na palang nangyayari. Nagulat na lang aketch now na may kasama kaming unknown woman with a baby sa family dinner. Parang 'surprised, motherfucker, may pamangkin ka sa labas pero nandito na sa loob' ganern.

Surprised was not new to me. Kagaya nang nasurpresa na lang ako na buntis si ate Dane. Nasurpresa na lang ako na may problema pala sina ate Lileth at kuya Dave, at na-deds pa si ate Lileth. Tapos ngayon, may surpresa ulit dahil may anak pala siya sa labas pero naging loob na kasi legal na.

Everyone already knew what was happening while I was clueless. But that's life. Ganyan talaga kapag maganda, hindi dapat binibigyan ng stress. Kaya kung lagi kang stress...alam mo na?

Kaya tanggap ko, na lagi akong hindi kasali sa family problem, dahil ayaw lang siguro nilang masira ang beauty ko, kaya ayaw nilang ipaalam sa akin ang mga problemang nangyayari sa pamilya namin. Sabagay, ano rin naman ang maitutulong ko? Waley rin naman akong magagawa para sa kanila, kaya pitiks-pitiks na lang.

Back to Kuya Dave's daughter. Mas kamukha talaga 'to nila ate Lileth, eh. Parang pinagsama ang mukha nila tapos pinaliit. Mukhang hindi anak ng nanay niya. Hays! Na-miss ko talaga si ate Lileth lalo na kapag ako naghahatid sa kanya.

Ang sabi ng dalawang taksil—este, nina Kuya Dave at Erika—ops, ate Erika ay wala pa raw silang formal na relasyon. Nagko-co-parenting palang sila para sa pamangkin ko. Aba'y dapat lang...dahil sayang ang kataksilan nila na nagbunga pa kung pababayaan nila ang pamangkin ko. Mahiya naman sila sa patay na namatay sa konsomisyon dahil sa kanila, tapos iyong anak nila ay hindi nila iintindihin. Ayan nga, oh, kamukha niya iyong bata para ipaalala sa kanilang mga taksil sila. Haha. Buti nga sa kanila. Dyok!

We're gathering here in Mom's aviary. Jusmiyo! Panget pala kapag dumadami ang angkan, sumisikip ang sakop. Kung bakit ba kasi dito pa naisipan ng mga 'to tumambay, eh, ang laki naman ng sakop sa labas. Gusto lang yata ng mga ito maranasan maging ibon na nakakulong.

Kaming mga babae lang ang nandito to entertain Erika—ate Erika, Deym! Dapat talaga sanayin ko na sarili kong ate ang itawag sa kanya. Tulog si Dustle habang nasa hita ng nanay niya. Si Ace ay na kay ate Dane, while si King is with ate Lauren.

"Can I call you ate Erika?" basag ko sa katahimikan.

"Yeah, sure."

Infairness, ang lambing ng boses niya. Bagay sa mukha niyang maamo. Sayang, hindi pa bumagay sa ugali. Chariz!

Napansin kong kanina pa nakatitig si ate Dane sa kanya. Hindi ko alam kung kinikilatis o hinuhusgahan. At dahil curious ako kung ano ang nasa isip niya ay tinanong ko na, "Ate Dane, bakit parang kanina ka pa nakakatitig kay ate Erika. May problema ka ba sa kanya?"

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon