TWENTY-THREE

905 30 5
                                    

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng kwarto ko. Namomroblema ako ngayon dahil malapit na ang kasal at ang hayop na bakla ay nawawala. Ang kapal ng mukha ng baklang mahilig sa dildo na iyon, may pa pili-pili pa ng cake at pasukat-sukat ng damit mawawala lang din pala.

Nasa ibaba ngayon si Enrique at kausap ang mga magulang ko, pati na rin ang mga kuya ko to inform that Ervic was gone and no trace where he was. I tried to contact him also, but his phone was off. Hayop kang bakla ka!

'Matira ka sana ng isandaang lalaki, hanggang sa lumabas iyang tumbong mo.'

Isang linggo na lang at petsa na ng kasal. Imbitasyon na lang ang hinihintay para maipamigay na sana. I followed what Kuya Dylan said na bongga kahit ayaw ko dahil sabi niya best day of my life ito. Besides, na-realized kong minsan lang akong ikasal kaya dapat bonggahan ko na.

Pero yawa, mauudlot pa yata dahil nawawala ang bakla kung kailan malapit na. Siya pa itong excited sa pagpili tapos siya lang din pala ang mawawala. Sarap lunurin sa icing at itali sa leeg niya ang belo ng gown. Dimwit!

"Tangina mo talagang bakla ka."

I throw my phone on the bed. Naiinis na ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Itong putanginang bakla na 'to na akala ko makakatulong sa akin ay nilayasan ako. Putangina niya talaga. Paasa siyang hayop siya.

Hindi ako makapag-isip ng tama. Kaya ang mabuti pa ay bumaba. Ayoko sanang makisali sa kanila, pero hindi ko rin hahayaan na kawawain nila si mylabs dahil sa kalokohan namin ni bakla. Kahit ayaw niya sa akin ay kailangan ko pa rin siyang ipagtanggol dahil wala siyang alam sa katarantaduhang ito. Hindi pwedeng mabugbog siya ng mga kapatid ko.

Kami ni bakla ang may plano nito tapos magigisa siya ng mga kapatid ko? Nah, kailangan nandoon ako. Besides, isyu ko ito kaya dapat ako ang humarap.

"So what now? Ganon na lang 'yon? Your brother left without saying anything?" Dinig kong tanong ni kuya Dylan. "Tinakasan niya ang kapatid ko."

Enrique is silent. Malamang paano siya makakasagot, eh, apat na lalaking Dy ang kaharap niya tapos kasama pa si kuya Wallace. Isa pa, malamang hindi niya alam ang sasabihin o gagawin niya dahil clueless rin naman siya. This is what I mean: ayokong kawawain nila si Enrique dito.

"Excuse me."

Sabay-sabay silang napatingin sa akin.

"Sit here, Daze." Kuya Dave commanded, so I sat beside him and Kuya Dale, opposite namin ay sina Enrique and Kuya Wallace. While dad and Kuya Dylan sit opposite each other too sa magkabilang dulo. Sa left side si kuya Dylan, sa right si Dad.

"My apologized, Dylan. I did not expect this to happen. I don't have any idea where he was, and I can't contact him. Hindi rin siya nagpasabi na aalis siya at hindi ko rin alam ang rason niya," Enrique said.

"Apologize not accepted, Enrique. Masyado yatang minaliit ng kapatid mo ang pamilya namin. Pagkatapos niyang buntisin ang kapatid ko at pangakuan ng kasal ay bigla na lang mawawala na parang bula? Fuck and run ang putang-ina."

"Words, Damon," Dad said.

"We don't want to pressure you, Enrique," Kuya Dave said. "But everything was settled. Naayos na lahat at alam na rin nang mga kakilala namin na si Daze ay ikakasal sa isang Locsin—isa sa mga anak ng dating namayapang si Salvo. This is not about money but the dignity of my sister. OK lang naman sana kung mabuntis siya ng walang ama. Tanggap namin iyon. Pero ang problema ay naikalat ng ikakasal siya, at imbitasyon na lang ang kulang."

"Agree, alam mo kung anong katayuan ng pamilya namin lalo na si Dad," Kuya Dale seconded. "At isa pa, ibang usapan na ito pagdating sa bunso namin. Hindi siya pwedeng maagrabyado rito."

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon