TWENTY

1K 34 5
                                    

Hindi ko alam kung paano sinabi ni Ervic sa kuya niya na nabuntis niya ako. Basta dumating sila kanina para makausap ang pamilya ko na putok ang labi ni bakla. I asked kung ano ang nangyari, pero sabi niya lang ay huwag kong intindihin. Masama ko ngang tiningnan si Enrique dahil sinaktan niya si bakla na walang kalaban-laban. Dimwit!

Wala akong idea sa nangyari sa kanilang magkapatid. Kung ano ang napag-usapan nila. Kung ano ang nagyari sa kanila. Basta sinabi na lang niya sa akin na pupunta sila rito at makikipag-usap sila sa pamilya ko dahil nasabi na niya sa kuya niyang buntis ako. Gusto raw ni Enrique na panagutan ako ni Ervic. Kaya kahit hindi ko pa nasabi sa pamilya ko ang totoong kalagayan ko ay napilitan na akong aminin para hindi sila magulat sa pagdating ng magkapatid. Kalurkey!

Naging OK naman ang pag-uusap kanina maliban sa pagtataka nila paano ako nabuntis ni Ervic, dahil ang alam nila ay si Enrique ang hinahabol ko. Kung alam lang nilang si Enrique ang ama nito at niloko ko silang lahat—ewan ko na lang. Baka mapatay nila ako dahil nagawa ko silang lokohin at pagsinungalingan. Kaya nga siguro umalis si kuya Dylan, kahit hindi pa tapos ang pag-uusap dahil naaasar siya.

Tinanggap ng maayos ng pamilya ko ang magkapatid. Si Enrique ang tumayong guardian ni Ervic. Tinanggap din nila si bakla at ang sitwasyon namin. Napag-usapan na rin na sa susunod na buwan na ang kasal at ang plano ko ay simple lang.

Napabuntong hininga na lang ako. Ang pangarap ko ay mala-prinsesang kasal para sa lalaking mahal ko, pero hindi matutupad. Dala ko nga ang anak niya ibang lalaki naman ang pakakasalan ko. Gustuhin ko man matupad ang pangarap kong bongga, pero wala rin naman silbi, hindi rin ako magiging masaya kaya simple na lang.

Juskwa, gusto kong maiyak sa sama ng loob dahil minsan lang ako ikasal at baka hindi na maulit, pero sayang ang luha kung iiyak lang ako sa walang kwenta. Dite ne etech, kaya gora na lang si oks.

My phone rang and I saw Ervic called, kaya sinagot ko agad. "Bakit?"

"Don't forget to drink your vitamins."

Aba may pa concern si bakla. Kasama niya, kaya ang kuya niya? Nagseselos kaya si my labs kahit konti dahil napunta na sa iba ang atensyon ko after ko siyang habulin?

"Yes, babe."

"Less, coffee."

"Sure, babe."

"Avoid stress and don't stay late at night."

"I will, babe."

"Tss, makinig ka nga."

"Nakikinig ako, babe." I teased him.

"May gusto ka bang kainin para mapadala namin?"

"Ikaw babe, ikaw ang gusto kong kainin."

"Umayos ka nga."

"Huwag mo akong artehan Ervic, alam ko nandiyan ang kuya mo kaya tuwid ka. Pwede rin siya ipakain mo sa akin para happy ako."

"Tss. So wala ka ng kailangan?"

"'Yang kuya mo ang kailangan ko, kaso yawa 'yan at maarte, so nothing, wala na akong kailangan. Dimwit 'yang kuya mo."

Alam kong minumura na ako ni bakla sa isip niya.

"Sige na, gotta go. Kung may kailangan ka or anything, just call me."

"Okies, byers, babe."

He ended the call without saying goodbye. Natatawa na lang ako dahil hindi siya makaporma kapag nandyan ang kuya niya.

Umupo ako sa kama at sinampa ang likod sa headboard. Soon I will be a Locsin, not to be the wife of the man I love but to be his sister-in-law. Hindi ko tuloy alam kung magiging masaya ako dahil madadala ko ang apelyedo ng mahal ko at dala ko pa ang anak niya o maiinis ako dahil hindi siya ang pakakasalan ko at hindi niya alam na may anak kami.

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon