NINETEEN

895 30 5
                                    

Palakad-lakad ako habang hinihintay ang resulta ng digital pregnancy test na binili ko. Para akong tanga na hindi mapakali dahil kinakabahan ako na ewan. Hindi ako makapaghintay sa resulta.

Recently, napapadalas ang pagsusuka ko. Nag-searched ako ng mga possible reason bakit nasusuka ang tao lalo na ang babae, at isa sa mga nabasa ko ay baka buntis, and I realized na hindi pa nga pala ako nireregla.

Kaya pala nag-iiba ang panlasa ko sa pagkain. Tapos para akong laging pagod. Isa na pala iyon sa mga dahilan at hindi lang ako aware. Isa rin kasi iyon sa mga nabasa kong symptoms ng buntis.

Noong nagpunta dito si Ervic at hindi ko nagustuhan ang lasa ng kape ay baka isa na rin iyon sa mga signs. At dahil wala ring alam ang bakla ay pareho kaming hindi aware.

"OWEMGEE!"

Napahawak ako sa sariling bibig nang makita ang lumabas sa resulta ng sampung clear blue pregnancy test. Oo, sampu na agad para sigurado, at lahat ay pare-pareho ang nakasulat.

POSITIVE.

Napahawak ako sa tiyan ko at saka napa-upo sa inidoro. Ibig sabihin lang nito ay may laman na ang tiyan ko at isa lang ang ibig sabihin noon—I'm pregnant and I'm going to be a mother.

Pero kung magiging mommy ako, dapat may daddy ito. Dahil kung wala ay baka ako ang mapatay ng daddy ko. Hindi ako pwedeng mag-announce na buntis ako tapos walang daddy. Baka masakal lang ako ni kuya Dylan. Pagkatapos niya akong i-spoiled at ibigay ang lahat sa akin, magkakaanak lang ako ng bastardo dahil walang tatay.

"Shit!"

Ayan, Daze, katangahan. Nasaan na 'yong sinasabi mong OK lang walang daddy basta may baby sa lalaking mahal. Problemado ka ngayon. Patay ka talaga sa kuya Dylan mo.

"DAZE!"

"Yawa!"

Nagulat ako nang hampasin ni Ervic ang pintuan ng banyo. Sorry naman, nakalimutan kong nasa labas pala siya naghihintay din ng resulta na akala mo siya ang tatay.

"Pumasok ka, tangina mo."

"Anong resulta?" tanong niya sa akin nang makapasok. Hindi maipinta ang mukha dahil mukhang excited din.

"Kung hindi ka bulag at marunong ka tumingin, ayan oh, nakalatag na, tingnan mo." Turo ko sa nakahilerang pregnancy test.

"Fuck!" Nakatitig siya PT at saka tumingin sa akin. "Buntis ka?"

"Obviously, unless may isa riyan na hindi ko napansin at nakalagay negative kaya pwede akong magduda."

"Akala ko kabag lang 'yan."

"Kabag mo mukha mo."

Walang nagsalita sa amin. Siya nakatingin sa mga PT, ako naman nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya habang ako naman ay kinakabahan na hindi ko alam kung bakit. Pwedeng excited kasi magkaka-baby na. Pwede rin kinakabahan dahil sa magiging reaksyon ng pamilya ko lalo na si mommy.

I know my family can accept me no matter what happens. May ituro man akong ama o wala. But for sure they will get disappointed in me, especially my mom and Kuya Dylan. Paniguradong masasaktan sila kapag wala akong maturong ama.

Yes, wala akong maituturo dahil hindi ko sasabihin na si Enrique ang ama ng anak ko. Wala rin akong balak sabihin sa kanya na anak niya 'to. Bahala siya sa buhay niya at ako na rin ang bahala sa anak ko. Hindi magiging kawawa ang anak ko kahit wala siyang kikilaning tatay dahil sisiguraduhin kong hindi ako magkukulang sa kanya.

Tangina, pero iba pa rin kapag buo ang pamilya. Pero paano mabubuo ang pamilya ng anak ko, eh, kulang nalang duraan ako sa mukha ng tatay niya maipamukha lang sa akin na ayaw niya sa akin. Ayoko namang bumait siya sa akin dahil lang sa dala ko anak niya. Ano 'yon gagamitin ko anak ko tapos mas lalo siyang magagalit sa akin? Hindi na oy, akin na 'tong anak ko at bahala siya sa buhay niya.

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon