SIX

834 29 3
                                    

I'm driving Kuya Dylan's 2024 Chevrolet Corvette headed to Brother's Code Club para maglasing. Sa Cupid sana ako, ang kaso maraming spiya doon na mga alagad ni kuya Dylan kaya doon na lang ako sa club nina kuya Jace at kuya Zeus. Dahil sa ganitong oras ay si kuya Jace lang ang bantay at alam kong hindi niya ako ilaglag kay ate Dane.

Magwawalwal ako. Magpapakasaya ako ng husto dahil nasasaktan ako. Oo, nasasaktan ako hindi lang halata dahil maganda ako. Nasaktan ka na nga ipapahalata mo pang api ka, eh, di mas lalo kang nagmukhang talunan. Dapat kapag nasaktan lalong nagiging maawra. Hindi nagmumukmok at nag-eemote na parang tanga.

My phone suddenly rang, and I saw Ervic calling. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi, pero dahil mabait ako ay sinagot ko na. "Bakit, anong kailangan mo?"

"Nasaan ka?"

"Bakit, jowa ba kita para tanungin kung nasaan ako?"

"Nasaan ka nga?"

"Nandyan ba kuya mo?" tanong ko pabalik imbes na sumagot.

"Wala, ka-meeting daw 'yong dati niyang schoolmate, si Enrile o Del Valle yata. Basta isa sa kanila. Nasaan ka nga?"

"Papuntang BCC."

BCC is one of the famous bars here in Bulacan. Walang itulak kabigin sa Cupid ni kuya Dylan. Kung sa sosyalan lang, pak na pak. Hindi pang pucho-pucho dahil ang mga pumapasok sa bar nila ay mga hindi basta-bastang mga tao. "Bakit? Pipigilan mo ako?" I added.

"As if... I mean, I want to ask something."

"Spill."

"Itatanong ko lang kung may lakad ka bukas? Nagyaya kasi si Celestine sa bahay nila."

"Depende."

"Depende?"

"Oo, depende kung hindi ako babagsak sa kalasingan ngayon. Balak kong mapakalunod sa alak hanggang sa hindi na makabangon. 'Yong gagapang na ako na parang uod pauwi, ganoon ang balak ko."

"What the hell are you saying?"

"Sinaktan ako niyang ungas mong kapatid, kaya magwawalwal ako ng husto. Byers na at nagmamaneho ako, baka sumaltik itong turnilyo ko at ibangga ko na lang itong kotse ni kuya."

"Hoy! May sasabi..."

But I ended the call. Masaya rin naman magwala paminsan-minsan. Medyo hindi lang ako sanay na walang kasama pero OK na rin dahil walang epal.

When I arrived ay dumiretso ako sa bar section. Ang daming tao sa dance floor na naglalandian. I ordered a margarita at saka uminom. Hindi muna ako magpapakalunod sa alak dahil masyado pang maaga. Mamaya na bago mag-uwian at pupuntahan ko si bakla tapos mag-iinarte ako sa kanila. Hahanapin ko si Enrique at iiyakan. Ganoon lang, kung ano lang maisip ko basta makuha atensyon niya.

May iilang lalaki na rin ang lumapit sa akin, pero hindi ko pinansin. Until someone caught my attention. May isang lalaki sa dance floor na sumasayaw sa likod ng isang babae, pero sa akin nakatingin. He's hot, pero mas hot pa rin si mylabas kahit braso pa lang nakikita ko.

The man keeps staring at me. I ordered another margarita at iniinom saka umakyat sa dance floor. Dumiretso ako sa lalaki na agad iniwan ang kasayaw at ako ang hinarap. Oh, 'di ba, ang ganda ko pero nire-reject lang ako ng hayop na Enrique na 'yon.

We dance together. Ramdam ko na rin ang medyo pasimple niyang himas sa katawan ko.

'Sige lang, baby boy, haplusin mo lang ang katawan kong natatakpan ng Bronx and Banco Issa Gown in metallic gold. At least nakahimas ka ng mas mahal pa sa buhay mo.'

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon