THIRTY-EIGHT

1K 37 9
                                    

I thought Enrique would hurt me. Aminado akong kinabahan din ako dahil baka pagbuhatan niya talaga ako ng kamay. Anong laban ko sa kanya kung gagamitan niya ako ng lakas. But he left me like nothing happened at naiwanan akong mag-isa rito sa opisina niya. Though I saw in his face how angry he was, pero hindi niya pa rin nagawang ilapat ang kamay niya sa akin.

Galit siya sa akin? Bakit? Dahil wala na siyang kawala sa akin ngayon na may anak pala kami? Na kahit anong gawin niya ay connected na kaming dalawa. As if naman ipagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya at gagamitin ko ang anak ko para panindigan niya ako.

Tinago ko nga sa kanya para mawalan siya ng responsibilibad tapos ngayon magagalit siya dahil hindi ko sinabi? Gago siya. Kahit mag-file pa siya ng annulment at palayasin ako rito ay hindi ako natatakot. Unahan ko pa siya, eh, pero hindi ko iiwan ang anak ko.

I took my phone and called Celestine. Kailangan ko ng kausap na makikinig sa akin. I need someone right now, and she's the only one I know. Hindi kagaya ng bakla na 'yon na tinurbo na yata ng sampung milyong lalaki at hindi na nakauwi at sana nga hindi na makauwi.

Hindi ko alam kung hanggang kailan siya itatago ni kuya. Wala na rin naman ng rason para itago pa siya lalo na ngayon na alam na ni Enrique ang totoo. Sasabihin ko na kay kuya ang totoo para pauwiin na ang baklang 'yon. Para hindi na siya magbuhay reyna sa feeling ni kuya.

Ilang ring lang ay sinagot ni Celestine ang tawag ko. I told her everything that happened at pati na rin ang pagkakatuklas ni Enrique na anak niya si Ixora. She listened to all my rants, kahit kung anu-ano na ang sinabi ko.

"So, what's your decision now?" She asked me nang matapos akong tumalak.

"I don't know. I want to leave. Pero hindi ko pwedeng baliwalain ang sinabi niyang hindi pwedeng isama ang anak ko. Ayokong madamay ang pamilya ko rito."

"Damay na sila, Daze. They are your family, remember?"

"I don't know what to do then."

"See, Daze. I am your best friend through thick and thin. I always had your back. But it doesn't mean na kukunsintihin kita. What you did is something—unacceptable. Lalo na at nandito lang naman ang ama. Hiding your daughter from her father? Kahit kay Cluster ko gawin 'yon, kahit kanino mo gawin 'yon ay magagalit talaga sila."

Biglang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay kinakalaban ako ni Celestine.

"Are you saying that I am immature?"

"What I am saying is..."

"I thought we were best friends."

"Of course we are. Listen, Daze. What I am saying is you're out of the line. Sana, kahit galit ka kay Enrique ay sinabi mo pa rin sa kanya na may anak siya sa'yo. Tama naman siya girl. He has the right to know, dahil anak niya 'yon. Ngayon kung ayaw niyang tanggapin, eh, 'di huwag, at least nalaman niya at sinabi mo kaya puntos mo 'yon. Unlike now, na ikaw pa tuloy ang nahanapan niya ng butas."

"Sasabihin ko sa kanya na pinagsamantalahan ko siya ng lasing siya? Sasabihin ko sa kanya na baliw na baliw ako sa kanya? 'Yon ba ang gusto mo? Ang ibaba ko lalo ang sarili ko sa kanya at magmakaawa akong pakasalan niya ako at panagutan dahil nabuntis niya ako."

"Hind yan ang ibig kong sabihin. Hindi mo kailangan magmakaawa sa kanya. Sasabihin mo lang na may anak kayo. Ganoon lang."

"Liar, pare-pareho lang kayong lahat. Masyado niyo akong minamaliit at hinuhusgahan. For the record, Celestine. Huwag mo akong itulad sa'yo na lumuhod at nagmakaawa sa asawa para balikan dahil hindi ako takot mawalan ng lalaki, hindi kagaya mo."

"Daze, are you OK?"

"Ano?"

"I think you are not OK. May problema ka na? Kailangan mo ba ng karamay? Nagpacheck up ka na ba?"

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon