Mas lalong lumala ang nararamdaman kong kakaiba sa katawan dahil sa komprontasyon namin ni Enrique. Lalong hindi ako nakakatulog sa gabi at magdamag na lang akong nakatingin sa anak ko. Pagulo nang pagulo ang isip ko. Minsan nga foggy na ang utak ko at hindi ko na naiintindihan ang sinasabi ng kausap ko.
Minsan din ay napapaidlip ako habang napatong ang ulo sa crib, pero agad na natataranta kapag nararamdaman kong gumalaw ang crib. Tumitingin agad ako sa labas at iniisip na baka may nakapasok at gusto siyang kunin sa akin. Kahit wala akong nakikita ay natatakot na akong matulog ulit.
Lumalakas ang kabog ng dibdib ko at takot na takot ako na baka may mangyari sa kanya. Minsan nga pakiramdam ko hindi ako makahinga sa takot at pag-aalala. Kahit walang dahilan ay bigla ko na lang itong nararamdaman. Kahit tulog ako ay nagigising para lang makaramdaman ng takot.
Laging malakas at mabilis ang kabog ng dibdib ko. Lagi akong kinakabahan, laging takot at hindi ko alam kung bakit. Ang masaklap ay wala akong mapagsabihan, wala akong masumbungan. Hindi ko rin maasahan si Celestine dahil baka hindi niya ako maintindihan.
I am trying to call Ervic because he is the only person I can trust, but his phone was off. I need his help, dahil pakiramdam ko nababaliw na ako. Mababaliw na ako kakasip ng kung anu-ano. Lahat na ng hindi maganda ay naiisip ko at habang tumatagal ay lalong lumalala. Mas lalong hindi ko na naiintindihan ang sarili ko at hindi makapag-isip ng tama.
What if I'll leave? I have money; I have business. I can support my daughter's needs, and we don't need anyone with us. We don't need a provider because I can provide everything.
Yeah! I think that is the right thing to do. We need to leave here and stay away from everyone. Kailangan kami lang ng anak ko ang magkasama at wala ng iba. Mas mapoprotektahan ko siya kung kaming dalawa lang. Mas babantayan ko siya at mapo-fucos ko ang atensyon ko sa kanya.
Naging padalos-dalos ang desisyon ko at agad na niligpit ang gamit ng anak ko. I put all her things in the bag and pack everything that she needs. Nang masiguro kong maayos na ang gamit niya ay sinunod ko na rin ang gamit ko.
Matatapos na sana akong mag-ayos nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Enrique. Nakita ko ang pagtataka sa mata niya nang mapansin ang mga bag sa lapag, pero hindi ko siya pinansin at tinuloy ko lang ang ginagawa ko.
"What are you doing?"
"I'm leaving." Mabilis kong sagot nang hindi tumigil sa pag-eempake. Buo na ang desisyon ko, aalis na ako at wala akong pakialam kahit ayaw niya.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko habang nagliligpit. "What? What are you saying?"
"I said I'm leaving. Aalis na ako rito dahil hindi naman kami bahagi ng anak ko rito. No one wants us here." Kung anu-ano na lang ang naiisip ko. Kung anu-ano na lang ang dahilan ko. Kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig ko.
"What the hell are you saying? Are you out of your fucking mind?"
"Wala rito si Ervic, kaya aalis na kami dito ng anak ko dahil hindi naman importante ang anak ko rito."
"I don't know what's happening to you. But I won't allow you to leave."
"Walang kang magagawa."
"No one's leaving."
"You have no choice. Aalis kami ng anak ko sa ayaw at sa gusto mo."
"Did you speak to Ervic?"
"No, I can contact him. Ayaw niya akong makausap."
Sa totoo lang nasasaktan ako sa ginagawa ni Ervic sa akin. He is my best friend, sila ni Celestine, pero pareho silang wala sa tabi ko ngayon kailangan ko sila. I understand Celestine side dahil may pamilya siya pero si Ervic, sana nandito siya lalo na ngayon, pero wala siya sa tabi ko at iniwan na ako.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...