Akala ko pagkatapos ng gabing iyon ay magbabago na si Enrique kay Ixora. But no, his relationship to my daughter didn't change. Kahit hindi niya ako kinakausap ay pumupunta pa rin siya sa kwarto ko to check on my daughter. Hinahalikan niya ang anak ko bago siya pumasok sa trabaho at pagkauwi. At kapag nasa bahay lang siya ay kinukuha niya ang anak ko at pinapasyal sa hacienda.
Kapag naman ayaw niyang pumasok sa kwarto ay pinapakuha niya sa katulong. Hindi naman ako makahindi dahil isang beses na ginawa ko 'yon ay siya mismo ang pumasok para kunin ang anak ko ng walang salitaan. Kapag tumatayo ako para sana sawayin siya ay tinititigan niya ako, and every time our eyes met, it couldn't deny how angry he was. Para bang sinusumbat niya sa akin ang mga kasalanan ko at wala akong karapatan na pigilan siya sa mga gagawin niya.
Every time he took my daughter ay nagiging aligaga ako. Iniisip ko na baka anong gawin niya sa anak ko. Baka dalhin niya kung saan para ipaampon o kaya baka saktan niya. Baka saktan niya ang anak ko dahil galit siya sa akin. Though Enrique is not that kind of person ay hindi pa rin maalis sa akin ang pag-aalala. Lalo na ngayon na iniisip niyang hindi niya kadugo si Ixora.
Iniisip ko kasi na baka pagbuntunan niya ng galit ang anak ko. Minsan ay palihim ko silang hinahanap at binabantayan. At tuwing dinadala niya ang anak ko pabalik sa akin ay chini-check ko agad kung may pasa ba o sugat ang anak ko. Kapag nakikita kong OK siya ay saka palang ako napapanatag.
Minsan naiisip kong sabihin na lang sa kanya na siya talaga ang tunay na ama. But every time I remember how he insults me ay nagbabago ang isip ko. Naisip kong wala siyang karapatan na malaman na anak niya ang anak ko. Bahala na kung anong mangyari at kung saan hahantong ang lahat ng ito.
I will stand on this fucking mess that I started. I hate this fucking life. Kung alam ko lang na magiging ganito kagulo itong pinasok ko ay sana noon pa tinigilan ko na lang siya. Hindi naman ako nagsisi na nagkaanak, pero ang pinagsisihan ko ay napasok ako sa sitwasyon na ito. I love Enrique; I love my daughter too. I love them both, pero gulong-gulo na ako.
Minsan nga naisip ko na lang na magpakamatay dahil pakiramdam ko walang nakakaintindi sa akin. Wala akong karamay, walang kakampi. Ang taong inakala kong hindi ako iiwan—ayon, nasa impyerno na yata. Mali talaga na pinagkatiwalaan ko ang bakla na 'yon. Mali na nagtiwala ako. Wala talagang pwedeng pagkatiwalaan kundi sarili lang.
Katatapos ko lang palitan ng diaper si Ixora. Uupo pa lang sana ako sa kama when I heard her cry, kaya tumayo ako. I took her and danced para patigilin siya, pero ayaw niya pa rin tumigil. Mas lumakas lang ang iyak niya. Kanina ko pa napapansin na wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak kapag gising.
"Shh! Mommy is here; stop crying na, baby." But she continued crying. "May pupu ba ulit ang baby?"
I put her back in the crib and checked her diaper. It's empty at hindi rin ito puno dahil kakapalit ko lang.
I took the bottle and heated the milk. Pero hindi niya tinanggap ang dede at umiyak lang siya nang umiyak. Galaw siya nang galaw habang umiiyak pa rin.
"Baby, please stop crying."
I took her again. Halos nalibot ko na ang buong kwarto, pero ayaw niya pa rin tumigil. She kept crying at halos namamaos na rin kakaiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya at paano siya patigilin.
"Ixora, stop, what's wrong with you?" Pero sinasagot lang niya ng iyak ang tanong ko at mas lalo pang lumakas.
I started to get irritated, kaya binaba ko ulit siya. First time niya kasing maging ganito at hindi ako sanay kaya naiinis na ako dahil iyak siya nang iyak. Ginawa ko na lahat sa kanya, pero ayaw niya pa rin tumigil.
Binalik ko siya sa crib at wala siyang ibang ginawa kundi maglumikot sa loob. Galaw siya ng galaw na halos naikot na ang buong crib.
"Stop crying!" Inalog ko ng malakas ang crib para patigilin siya. "I said stop crying!" Pero mas lumalakas lang ang iyak niya kahit anong gawin ko.
"Stop! You're annoying."
I covered my ears. Sumasakit ang ulo ko dahil sa iyak niya, and I heard voices too—na sumasabay sa iyak niya—and I hate it.
This fucking voice says that I am not good enough to be a mother, dahil hindi ko kayang patigilin ang ang anak ko. Saying that I am a useless mother. That I am not worthy to be called one. Na wala akong alam sa buhay na pinasok ko at wala akong kwenta.
The door suddenly opened and Enrique came in kasabay ng malakas kong sigaw.
"Stop!"
"Hey!" Enrique screamed also and walked faster towards us. "What's wrong with you?"
Umatras ako at umupo sa kama. I bit my lower lips, habang nakayuko. This fucking voice even whispers louder than earlier. Lumakas din ang iyak ni Ixora.
I covered my ears dahil sumasabay ang mga boses sa iyak ng anak ko. "Stop!" Hindi ko na alam kung para kanino ang sigaw kong iyon. Kung para sa anak ko o para sa boses na naririnig ko.
"Stop screaming!" Nangingibabaw ang boses ni Enrique, kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
"A-ayaw kasing tumigil, eh."
He took Ixora in the crib and carried her. Pinaghele niya ang anak ko habang masamang nakatingin sa akin. "For fuck's sake, she's only six months old, and you want her to understand you? Kahit mag megaphone ka pa riyan ay hindi ka niya maiintindihan."
"Ayaw niyang tumigil!" sigaw ko ulit dahil ang kaninang mga boses na bumubulong ay para ng pinagtatawanan ako.
"Stop screaming." May diin niyang sabi.
Pinaghele niya si Ixora habang nakatingin sa akin. But I noticed that he stopped and his forehead furrowed.
"B-bakit?" Takang tanong ko.
He did not answer and put my daughter back in her crib. He touched my daughter and looked at me.
"Bakit, anong meron? Anong meron sa anak ko, Enrique?" Kahit ako ay nagtaka din. Kinabahan ako bigla sa reaksyon ng mukha niya dahil nakakunot parin ang noo niya.
"Are you aware that she's hot and maybe she has a fever?" tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Huh?"
"Anong huh? I'm asking you if you are aware that she's hot?"
"I-I think."
"Anong, I think? Hindi ka observant sa anak mo?"
Hindi naman kasi ako sigurado kanina pero alam ko medyo mainit siya. Inisip kong baka kasi dahil sa init ng panahon kaya mainit din siya.
"A-ano kasi..."
"How careless you are." Kinuha niya pabalik si Ixora at saka naglakad palabas.
"Saan mo dadalhin ang anak ko?"
But instead of answering me, she ordered the maid. "Melai, take all Ixora's things and put them in the car. Hurry up." Utos niya sa katulong na hindi magawang sumagot dahil nagmamadaling pumasok sa kwarto namin.
"Enrique?" Dumiretso siya sa kwarto niya habang bitbit si Ixora at may kinuha.
Saan niya dadalhin ang anak ko? Anong gagawin niya? May masama ba siyang binabalak? Ipapaampon niya ba? Ipapamigay? Oh, God, bakit ayaw niyang sumagot?
"Enrique, saan mo dadalhin ang anak ko?" Naiiyak na ako habang nakasunod sa kanya.
"Melai!" Nagkadarapa ang katulong habang bitbit ang bag at nilapag sa likod ng sasakyan.
"Enrique?"
"Get inside the car, and we will bring her to the hospital."
"Huh?"
"Ano ba? Puro ka na lang, huh. Ang sabi ko sumakay ka."
Mabilis akong sumunod at umupo sa passenger seat. Pinatong niya sa akin ang anak ko na medyo tumahan na.
Nang makasakay si Enrique ay mabilis niyang pinatakbo ang sa sasakyan.
"Enrique, hindi na siya umiiyak. OK lang ba siya?" I am so damn worried. Para kasing hindi na gumagalaw ang anak ko. "Enrique." Umiiyak ako habang tinatawag siya.
"She's sleeping." His eyes are on the road. Kalmado lang siya habang ako nanginginig na. Iniisip ko agad kung ano ang mangyayari sa anak ko. Baka kung maapano siya habang nasa daan kami. Baka hindi na siya umabot sa ospital dahil sa kapabayaan ko.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...