Nakatayo ako sa harap ng mansion ni kuya Dylan. I tried to call him, but he did not answer. I wanted to borrow his car. Mas maganda kasi gamitin ang sasakyan niyang Tesla dahil sulit pangrampa. Full moon ngayon kaya alam kong nandito siya.
For the nth time, I tried to call him, but his phone was off. I have no choice but to go inside. Ayokong maburo dito sa labas at sayang ang oras.
This is the first time na makakapasok ako rito. Ayoko sanang pumasok dahil mahigpit ang bilin niya sa aming lahat na walang pwedeng pumunta rito, pero mas mahalaga ang tesla sa akin. Hindi naman siguro ako mapapatay sa loob pag pumasok ako. Wala naman sigurong taong lobo o bampira dito na lalapa sa akin.
No one is allowed to enter his mansion but him. Hindi ko alam kung ano ang meron sa loob, though we already saw the blueprint of this house, but we don't know what's really inside. Sa lahat ng bahay niya ay ito lang hindi pwedeng pasukan o pwedeng puntahan. Pero kailangan ko siya at ayaw niyang sumagot. Maybe this is the right time to go and see what's inside also.
He always came here every full moon, and no one knows what he's been doing here. Basta kapag full moon ay automatic iyon. Pwede ko ngang isipin na baka halimaw ang kapatid ko at nagta-transform tuwing full moon.
Ayoko sanang pumasok, pero bahala na. Papagalitan lang naman ako noon, and worst is sisigawan. Pero hindi naman siguro ako noon papatayin. Parang ang OA naman kung sasaktan niya ako dahil lang tumungtong ako rito.
Good thing that the door is open, kaya nagtuloy-tuloy lang ako.
"What the fuck!" Mangha kong sabi nang makita ang loob ng mansion. Napuno ng painting ang entrance na akala mo art exhibit. A woman painting holding a baby, mayroon din buntis. Para itong abstract, or optical illusion dahil walang mukha. Some of them are lines or shapes, shapes pero alam mo kung ano ang image kapag tinitigan mo.
Hindi lang painting ang nandito kundi mga litrato. Mga bata sa ampunan—I guess. Nagmukhang exhibit ang paligid o museum of art.
"Wow!" Amaze kong sabi nang makita ang litrato ni ate Maggie. Ang ganda niya diyan, parang buhay na buhay at hindi basta litrato lang. Ang alam ko ay naging sila ni kuya Dylan, pero hindi ko sure kung talagang minahal nila ang isa't-isa. But, damn, ang ganda niya talaga. May hawak siyang bulaklak at ang inosente ng mukha niya. Parang hindi nabaliw na nanunog ng bahay. Napaka-genuine ng smile niya at ang amo pa tingnan ng mukha. At base sa picture na ito ay parang teen-ager pa lang si ate Maggie dito dahil naka school uniform pa siya. Meron din naka-full naked siya, pero hindi naman kita ang maselang parte.
But one picture caught my attention. A picture of a woman. One of the most beautiful faces that I've ever seen, of course, maliban sa ate Dane ko at kay mommy and myself in the mirror—none other than ate Lileth. Her half-face is covered with hair. But it can't deny how beautiful she is in the picture. Ang ganda niya at bagay sa kanya ang pose niya. Napaka fierce at intimidating niya rito.
She's sitting naked. But her legs covered her private part. Nakaangat ang isa niyang tuhod while the other legs ay nakatupi to cover her private part. She hugs her one knees na nagsilbing takip sa dalawa niyang dibdib.
My God! What a beauty! What a masterpiece!
Lumapit ako sa painting or a photograph. I am not sure, dahil parang buhay na buhay ito na nakatingin sa akin. It is like she intimidates me using her looks. This is how ate Lileth looked the first time I met her with kuya Dave.
Wait—what?
Biglang nalito ang utak ko at napatampal ako sa sarili kong noo dahil sa naisip kong katangahan at kabobohan. And of course, with the realization about the picture.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...