"Hi, Magnolia," I greeted her with a wide smile.
"Naks, ang ganda ng dandelion natin ngayon, ma'am, ha! Parang ikaw lang. Oh, dito muna ilagay 'yan sa table ko."
I bought dandelions flowers for Enrique. Lagi ko itong ginagawa at minsan ay may kasama pang cake at chocolate. Pero ngayon ay tinamad akong dumaan sa bilihan ng sweet kaya dandelion na lang.
"Hindi 'to para sayo, Magnolia, para ito sa mylabs ko."
"Alam ko, ang kaso pahihirapan mo lang akong damputin 'yan sa basurahan. Alam naman natin kung saan yan babagsak kapag binigay mo na 'yan sa amo ko. Kaya nagkusa na akong hingiin sa'yo."
Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. She's right, ilang beses na akong nagbibigay ng bulaklak kay mylabs, pero sa basurahan lang din ang bagsak. Pati mga pagkain, itong si Magnolia lang nakikinabang.
"Ano, ma'am, desisyon na. Sakto, oh, wala ng laman itong paso kong kasing ganda mo. Saka huwag ka mag-alala dahil dito sa side naman ng daanan ni boss ko iyan ilalagay. Pag labas niya ay makikita niya agad 'yan, at dahil dandelion 'yan ay alam na agad niyang ikaw ang may bigay niyan. At least wala na siyang itatapon. Wala na rin akong kukunin sa basurahan."I have no choice kundi iabot sa kanya ang bulaklak kahit masama ang loob ko. Tama kasi lahat ng sinabi niya. "Oh!"
"Buhay na buhay na naman ang paso ko."
"Wala pa ba amo mo?" tanong ko. Busy naman siyang ilagay ang bulaklak at hinaplos-haplos saka in-sprayhan.
"Nasa loob, ma'am. But I suggest na huwag ka ng papasok at lalo ka lang masasaktan."
"What do you mean?"
"Sasagot pa ba ako? Kaya nga kita inaaliw para huwag ka pumasok doon."
"Ay pasaway!" sigaw niya nang nagmamadali akong naglakad. "Hoy!"
Mabilis kong binuksan ang pintuan ng opisina ni Enrique. My heart aches when I see him with a woman—none other than Ruby. Nagbubutones siya ng pantalon saka inangat ang zipper, pero hindi pa nasasara ang butones ng polo. Si Ruby naman ay inayos ang strap ng damit pero nakaangat ang laylayan ng dress na mabilis inangat nang makita ako.
Tumingin sila sa akin, pero hindi ako pinansin. Tumingin si Ruby sa akin at saka binalik kay Enrique ang tingin.
"I'm sorry, maybe Magnolia wasn't there," hinging paumanhin ni Enrique.
"It's OK, we're done, by the way."
Para akong estatwa sa tabi, habang patuloy lang sila sa pag-aaayos sa sarili mga nila. Nang pareho na silang nakaayos ay humalik si Ruby sa pisngi niya. "Gotta go, baby, bye."
"Thank you, ingat ka."
"Thank you too. I had just had too much fun."
She winks at at saka dumaan sa harap ko at ngumiti para batiin ako. Pero hindi pa man siya nakakalabas ay nagsalita ako. "Alam ba ng fiancée mong inagaw mo sa kapatid mo ang mga ginagawa mo, Ruby?" Saka ako umikot para harapin siya. "Alam ba niya na nakikipag-sex ka sa ibang lalaki habang papalapit ang kasal niyo?"
"Maybe. Pero kung hindi, pwede kitang samahan para magsumbong."
Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito. Nakakainis at ang sarap tusukin ng isang milyong tinidor.
Ruby was an old friend of mine. Kaklase ko siya nang college ako, at naging close din. Pero bigla siyang lumayo sa amin at nalaman na lang namin na kung sinu-sinong lalaki na lang ang sinasamahan niya.
"But you know what, old friend? Better to mind your own business."
"I'm minding my own business; kaya nga ako nandito dahil kay Enrique ko, dahil isa siya sa mga business ko. Kaya if I were you, huwag ka na ulit lumapit sa kanya."
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
Fiksi UmumWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...