TWENTY-SEVEN

997 30 8
                                    

Limang buwan mahigit na ang tiyan ko, at simula nang gabing tinapon ko ang pinaghirapan ni Enrique ay hindi na kami nagpapansinan. Literal, and as if I care. Kahit habang buhay pa kaming hindi magpasinan ay hindi ko ikamamatay. Ewan lang sa pride niya kung hanggang saan siya dadalhin ng ego niya. Na iyong dating hinahabol siya ay iniiwasan na siya. Haha.

Katulong lang ang madalas nagtatanong sa akin na minsan sinasagot ko pero madalas hindi. Dahil una, alam kong inutusan lang sila ni Enrique at pangalawa ay wala akong pakialam sa kanilang lahat.

Hindi pa rin umuuwi si bakla. Dimwit! Ang yawa, masyadong na-enjoy ang kabaklaan kung nasaang impyerno man siya ngayon. Natira na yata ang yawa sa puwet, kaya ayaw na umuwi. Pagkatapos akong iwanan sa ere ay tuluyan na akong inabandona ng hayop.

Lumalabas pa rin ako kahit walang kasama. Lalo na kapag nagpapa-prenatal mag-isa. Syempre, dahil kaya ko pa rin naman ang mag-drive. Minsan tsismosa si doc Keisha at tinanong kung nasaan daw ang daddy ng baby ko, kaya ang madalas kong sagot sa kanya ay out of town. Safe answer, of course.

I also visited my parents nang hindi kasama si Enrique. Binibisita rin nila ako at tinatanong kung kumusta ako, pero sinasabi ko lang na OK na ako. Hindi naman sila nagtatanong sa sitwasyon namin at kung anong status namin, kaya hindi rin ako nagkukwento. Isa pa, wala rin akong balak sabihin ang totoo at ako na naman ang may kasalanan. Hindi rin ako sure kung alam na nilang si Enrique talaga ang ama ng baby o clueless pa rin sila. Bahala na si Wonderwoman sa lahat-lahat.

Bukas ang schedule ko ng prenatal ko. Bukas na rin malalaman kung anong gender niya.

Celestine suggested na mag gender reveal kami. Family and friends lang daw. Tapos siya lang nakakaalam at magrere-reveal. But I insisted that I don't want such drama. Gender reveal, for what? Ganoon din naman, malalaman ko rin kung anong gender ng anak ko. Papagurin niya pa kami pareho sa kalokohan niya. Dimwit!

"What are you doing here? It's getting late."

Himala at kinausap ako ng guapo kong asawa. In fairness, naman ng konti sa kanya ay kinakausap naman niya ako minsan kapag nagsasalubong na kami o 'yong tipong wala na siyang choice dahil may gusto siyang itanong. Ako lang talaga ang maarte.

"Hindi pa ako inaantok."

Nandito ako sa labas ng mansion. Nakaupo sa may hagdanan habang umiinom ng kape at tumitingin sa mga bituin. Gusto ko sana silang bilangin para antukin ako, kaso nakakapagod pala magbilang. Parang 'yong pagbibilang ko nang ilang taon kong hinabol si Enrique. Chariz!

"Paano ka aantukin? Umiinom ka ng kape. And you should stop drinking coffee."

"It's decaf."

"Even though."

"OK."

OK is like saying bye. Kaysa makipag-argumento ka pa at hahaba ang usapan ang isagot mo na lang ay OK para tapos ang usapan.

"When is your next check-up?"

"Bakit?"

"I'll go with you."

"Why?"

"It's because I want to."

"Why?"

"See, Dande..."

"OK." I answered and sipped coffee. Oh, 'di ba, effective? Dahil hindi niya natapos ang sasabihin niya. Ganoon lang kapag ayaw mo sa kausap mo.

"What?" Medyo may inis na sa boses niya.

"OK na agad ang sagot ko dahil alam ko na sasabihin mo—na pamangkin mo ito at gusto mong ma-sure na OK siya sa loob hanggang paglabas."

"Anak ko, ngayon pa lang sanayin mo na 'yang bibig mo at baka may makarinig sa'yo."

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon