I thought after that night ay magiging OK na kami ni Enrique, but no. Bumalik kami sa dati na nagtatalo pa rin. Mas lumala pa nga, eh. There was this one time na napikon siya sa akin at tumaas ang boses niya, but after that ay umalis rin siya at hindi na ako pinapansin. He didn't say sorry or even apologize to me.
There was this one time also that he asked me to come with him to buy things for Ixora, but I refused. Hindi sa ayaw kong bumili pero naisip ko kasi na bumili na lang online para hindi na lang kami mahirapan. What's the use of online shopping, credit cards, and e-wallets kung pahihirapan mo rin ang sarili mo kakalakad at kakapila?
But he misunderstood me. Iniisip niyang nag-iinarte ako at kinokontra siya samantalang ang gusto ko lang naman ay hindi na kami mahirapan pareho. Lalo na ako dahil napapagod akong maglakad dahil ang bigat ni Ixora. I wanted to explain my side, but he left me. He doesn't even give me a chance to explain and listen. I want what's best for my baby too. Pero iniisip niyang hindi importante sa akin ang effort niya.
The last time we had an argument, he kept saying that I was selfish and immature. I saw in his face how he held his anger. But I don't care. Bahala siya kung ano ang pinaniniwalaan niya sa akin. Napapagod na akong itama siya sa mga mali niyang akusasyon.
Since then, ay hindi ko na siya kinausap. Kapag nakita ko siya ay umiiwas na ako para wala ng usapan. Kapag pre-natal naman ay madaling araw pa lang tumatawag na ako ng taxi para umalis at nagpapalipas ng oras sa mga open coffee shop or anywhere. Pero nakakuha pa rin siya ng info kay doc Keisha kaya dumadating na lang siya bigla sa clinic para sunduin ako.
Pagkatapos noon ay hindi na kami nag-uusap at iniiwan na lang niya ako sa sasakyan kapag nakauwi na. Though I know that he is taking care of me in another way, pero ayaw ko pa rin siyang kausap. Kagaya ngayon, nasa sasakyan kami at kagagaling lang namin sa last prenatal ko at walang isa sa amin ang nagsasalita dahil tinakasan ko naman siya kanina.
Any moment from now ay pwede na akong manganak. Mababa na ang pwesto ni baby sa tiyan ko. Pwede this week at hindi na lalagpas next week. If there is no sign of labor, next week ay kailangan ng pilitin akong manganak. Either normal through induce or caesarean.
Napahinto kami sa traffic light na kasalukuyang pula ang ilaw. From outside, I saw a pregnant woman, but she was carrying a baby also. Sa tingin ko ay wala pang isang taon ang bata. May nakataling tela sa katawan ng nanay at doon nakalagay ang anak niya na mahimbing na natutulog habang ang nanay ay kumakatok sa mga bintana at nilalahad ang kamay. Para siyang nanghihingi nang kung anuman sa mga sasakyan. I think, nagpapalimos siya.
Napahawak ako sa tiyan ko. I don't know what happened to me, but fear covered me. Kinabahan ako bigla na hindi ko alam. Ayokong maranasan ng anak ko ang ganyan klase ng pamumuhay. Natakot ako na baka maging ganyan siya kagaya sa batang nasa loob ng tela ng nanay.
I know it's impossible. We came from a wealthy family. Me and her father are both rich. Kung sa material ay alam kung hindi mahuhuli sa luho ang anak ko. Hindi magugutuman at kaya kong ibili lahat ng pangangailangan. But what if mawala siya sa amin at matagpuan na maging ganyan na?
Bigla ko rin naisip kung mapapalaki ko ba siya ng maayos. Kung mapapabuti ba siya sa akin. Kung kaya ko ba talaga itong pinasok ko. Kung handa na ba talaga ako.
What if I mess? Paano kung hindi pa pala talaga ako handa? Nabigla lang din ako at alam ko na hindi ko inaasahan na mabubuo talaga. Though I am happy. I know that I am not ready. Physically, mentally.
Paano kung hindi pa pala sapat ang experienced ko sa mga pamangkin ko. My responsibility to my own child will be different from that of my nieces and nephews. Hindi ko sila responsibilidad dahil may sarili silang magulang, but Ixora is mine at dapat alam ko paano maging mabuting ina. My role to my nieces is to stand as a second parent. But all the knowledge, respect, etc. should come to their parents first. At iyon ang dapat kung gawin kay Ixora na ngayon pa lang ay hindi ko alam kung magagampanan ko ba.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
Aktuelle LiteraturWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...