Naglalakad ang magandang ako papunta opisina ni mylabs Enrique para dalawin siya. Bitbit ko ang kape na lasang ewan mula sa coffee shop ni ate at ng mga kaibigan niya, na may franchise din ako, syempre.
'Kalinga ni Dylan.'
Kung hindi lang 'to pangalan ng mabait kong kuya ay hindi ko 'to iinumin. Ang tapang, kasing tapang niya nang ipaglaban niya ang ex niyang ayaw na sa kanya.
Pero infairness naman sa kape. May tama naman siya, literal na may tama. Dahil sa tapang ay tatamaan ka talaga na daig mo pa ang naka-droga sa lakas ng sipa. Bagay rin sa pangalan na 'kalinga ni Dylan' dahil masarap kumalinga ang aking kapatid.
"Hi, Magnolia, nandiyan ba si mylabs?" tanong ko sa sexytary ni mylabs na lamang pa rin ako ng height, pero lamang siya ng puwet dahil nagji-jiggle ang wetpaks niya.
"Hi, Ma'am, as usual, ano sa tingin mo ang sagot sa tanong mo?" sagot niya sa akin na as usual din ay binabara na naman ako. Pero mabait siya at mas gusto ko siya kaysa sa mga naunang secretay ni mylabs na halatang inaagawan ako.
"As usual, banned ako, pero as usual din..." Hindi ko tinapos ang sasabihin ko at ngumiti lang sa kanya.
I heard her sighed at yumuko na parang nawalan ng pag-asa. "As usual din, maam, walang makakapagal sa inyo." Ngumiti siya ng pilit na halatang disappointed.
"Don't worry, Magnolia. Kapag nawalan ka ng trabaho ay mas maganda pa rito ang ibibigay ko sa'yo. Hindi lang trabaho ang ibibigay ko, bibigyan din kita ng sariling negosyo na ikaw mismo ang amo."
"May choice ba akong pigilan ka, ma'am?"
"Wala. Kaya smile ka na lang, ganda pa naman ng pangalan mo, Magnolia, isang bulaklak na nabuhay na bago pa ang bees, and instead of nectar, pollen ang nakukuha sa'yo. Saka, dapat tayo ang magkakampi kasi pareho tayong bulaklak."
"Oo na lang po."
"Smile ka na." Pero imbes na ngumiti ay mas lalong lumungkot ang mukha niya. "Alam mo, Magnolia, sa'yo lang ako mabait kasi mukha kang mabait at inosente. Pero sige, dahil mukhang stress na stress ka na sa akin kaya dito na lang ako sa labas, at hindi na ako papasok."
"Tapos magpaparinig ka naman sa akin. Sasabihin mong may kapatid kang kayang gawin ang lahat, kahit pa mangtanggal ng empleyado lalo na pagdating sa'yo."
Honestly, I didn't mean those. But of course, para lang makita si Enrique Mylabs ay gagawin ko ang lahat.
"Ewan ko sa inyong mayayaman kung saan kaming mahihirap lulugar. Lagi na lang kayo ang nasusunod. Kapag ginusto niyo, gora lang kayo nang gora nang hindi iniisip ang nararamdaman namin."
I see the sadness on her face. Oh, the fuck, I care. I am not affected kasi hindi ko naman naranasan maghirap at hindi ko alam ang pakiramdam niya, pero nakakaawa siya. May puso pa rin naman ako, 'no!
"Papasukin mo ba ako, Magnolia?"
"Oo. Iyan ay kung makikita mo si boss sa loob."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Wala si amo sa loob, ma'am. Kasama iyong isang kliyente niyang ubod ng landi. Halata naman nag-iinvest lang dito para makita si boss lagi at matikman."
"'Yong mukhang pusit?"
"Hindi, 'yong mukhang alimasag."
"Alimasag? Ano 'yon?"
"Yaman-yaman mo hindi mo alam ang alimasag. Baka hindi ka rin nakakain noon."
"Hindi ko nga alam kung ano 'yon. Ano ba sa English 'yon?"
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...