TWENTY-EIGHT

1.1K 33 2
                                    

"Your husband is not here again?" Doctor Keisha asked nang makarating ako.

"Out of town."

Hindi ko alam kung naligaw na ba si Enrique o bumalik na lang sa kotse dahil iniwan ko. Hindi rin naman siya tumawag o baka hindi ko lang napansin. Ayokong malaman ni doc keisha na iniwan ko ang asawa kong guapo at baka sumipsip na naman ito kay kuya tapos ichismis ako. "As usual," dagdag ko.

"I see. Wala ka bang nararamdaman na kakaiba?" she asked habang kinukuhanan ako ng blood pressure.

"Nope. I'm all good."

"Walang masakit kahit saan?"

"Nothing."

"No pressure?"

"Nah. Wala na."

"Anong wala na?"

"I mean, tapos na paglilihi ko kaya kalmado na ako."

"So, nothing at all?"

"Clear, doc."

"Good. I just want to make sure that you are OK. Ayaw kong malagot sa kuya mo."

"All good, happy preggy."

Tapos na ang paglilihi ko at OK na ako. Hindi na mainit ang ulo ko at hindi na rin ako mabilis mapikon. Iyong pambabara ko kay Enrique ay kinatutuwa ko iyon at hindi iyon dahil galit ako kundi gusto ko lang siyang asarin. I think hindi na 'yon counted as pressure.

"Good. Blood pressure is normal. Lie down, and we will check your baby's gender."

Inalalayan niya akong mahiga sa hospital bed.

"OK."

"Excited?"

"A little bit."

Natatawa na lang ako dahil wala pa rin si Enrique. Siguro nga talaga bumalik na lang siya sa park. Sayang at hindi niya malalaman ang gender ng anak ko. Parang ang sarap mang-asar ulit at sasabihin ko sa kanya ang kabaliktaran tapos magugulat siya na iba ang lalabas. Iisipin niya pa na napalitan ang baby. Haha. Ang talino ko talaga yawa!

Inangat ni doc Keisha ang damit ko kaya lumantad ang bilog kong tiyan. Mag-uumpisa na sana siya nang biglang may kumatok at saka bumukas ang pintuan.

"Yes?" she asked her secretary na nakadungaw ang ulo.

"Doc, Mr. Enrique Locsin is here and wants to see his wife." Doc Keisha looked at me. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"Oh, nandito pala siya? Akala ko kasi tumuloy siya sa Batanggas," pagsisinungaling ko. "Sana sinabi niyang hindi pala siya tutuloy para pinasama ko na lang siya rito."

"Let him in." Utos niya sa secretary.

Ang tyaga ng gago. Akalain mong nakarating on time.

Ilang segundo lang at bumukas ulit ang pinto sabay pasok ni Enrique. Gusto kong tumawa dahil sa reaksyon niya. Namumula siya at hindi ko alam kung dahil sa inis o dahil sa init. Pero, in fairness, guapo pa rin siya.

"You're on time, Mr. Locsin. Come in!" tawag ni doc Keisha sa kanya.

He walks closer to us na kalmadong nakatingin sa akin.

"Akala ko ay tumuloy sa Batanggas." Inunahan ko na at baka kung ano pa ang masabi. Mabuko pa akong sinungaling. "'Di ba, may out of town ka sa business mo?"

"Hindi na ako tumuloy dahil ilang beses na kitang hindi nasamahan." Aba! at sinakyan niya ang kasinungalingan ko. At least pareho kaming sinungaling ngayon.

"I'll get you a chair, Locsin," agaw ni Doc.

"No need; I will stand beside my wife."

Ayie, kilig pempem ako. Pero s'yempre, hindi ako pahalata. Baka mamaya lumaki ulo niya at isipin na OK na ako sa kanya. 'Kalmahan lang natin ang kalandian natin this time, seylp.'

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon