Hindi muna ako umuwi sa mansion ng mga Locsin. Nanatili muna ako sa kwarto ko rito sa mansion namin para makapag-isip.
Niyakap ko ang unan habang umiiyak dahil sa nangyari kanina. Masama ang loob ko sa kanilang lahat. No one really understands me but Kuya Dylan. I am so grateful and thankful to have him. The only person who understands me. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko kanina. Pakiramdam ko ay napagtulungan ako ng buong pamilya. The family that I thought could understand me.
"Fuck!" Pigil kong sigaw habang nakasubsob ang mukha sa unan. Pinakawalan ko ang kanina pa gusto kong ilabas. Ang sama ng loob at hinanakit ko sa pamilya ko. Ang mga inakala kong maiintindihan ako na hinusgahan ako. Lalo na si ate Dane na akala ko ay makakaintindi sa akin dahil pareho kaming babae at pareho ng pinagdaanan. Pero mali ako, dahil isa siya sa mga humusga sa akin. Why? Dahil tinayuan siya ni kuya Wallace, kaya ang taas na agad ng tingin niya sa sarili niya?
"Daze?"
Pasimple kong pinunasan ang luha ko at hinarap si ate. "What do you want?"
"Are you OK?"
Sinara niya ang pinto at lumapit sa akin. "Bakit? Ano bang pakialam mo?"
"Daze?" Kunot noo niyang tanong at umupo sa tabi ko. "May problema ka ba?"
"Ang plastic mo," I said at umusog palayo sa kanya. "Kunwari ka pang concern sa akin, pero kanina ikaw unang humusga sa akin."
"No, you misunderstood what I said, Daze."
"Plastic."
"Daze..." Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.
"Tinawag mo pa nga akong immature, 'di ba? Tinawag mo akong immature dahil tinago ko kay Enrique si Ixora." I smirked.
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, Daze."
"Huwag mo nga akong hawakan." Umiwas ako nang aktong hawakan niya ako. "Umalis ka na rito at gusto ko mapag-isa."
"We need to talk, Daze. I think you're not OK."
Napaayos ako dahil sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo?" Pagmamaldita ko. Kailangan maging maldita ako kagaya ng dati. Hindi niya pwedeng mapansin na may problema nga ako. "Judgemental ka rin pala ngayon, 'no?"
"No, Daze. Hindi ikaw yan, somethings wrong with you."
"Wala ngang problema sa akin!"
Tumayo ako at kinuha ang bag ko saka lumabas, pero sinundan pa rin ako ni ate Dane hanggang sa makalabas kami ng kwarto.
"Daze!" She held my hand, pero natanggal ko ang kamay niya at natulak ko siya.
"Ano ba?!" ate Dane fell on the floor, sakto na dumating sina mommy, daddy, at kuya Dylan.
"Dane! / Diana!" sabay-sabay nilang sigaw. Lumapit agad si kuya Dylan kay ate at inalalayan siyang tumayo.
"What's happening here?" tanong ni daddy. Inalalayan naman ni kuya Dylan si ate Dane na tumayo.
"Dad, I think Daze is not OK."
"What do you mean?"
"Hindi normal ang kinikilos niya."
"Sinabi ng normal ako, eh!" Susugurin ko sana si ate Dane nang maharangan ako ni daddy.
"Stop, Dandelion!"
"Dandelion." Kahit si mommy ay lumapit sa akin at hinawakan ako. "Tell me what's going on here, anak. Anong nangyayari sa'yo at bakit parang galit na galit ka sa ate mo. Hindi ka naman dating ganyan."
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...