"Kinilig ka?"
"Kilig mo, mukha mo."
"Talaga lang ha! Pagdating sa kuya ko lahat sa'yo sa kinikilig."
"Oo, pati pempem ko."
"Bibig nito."
"Alam mo, sana hindi ka na lang tumawag kasi panget ka kausap." Pero tumahimik lang siya sa kabilang linya. Minsan na nga lang tatawag itong bakla na ito aasarin pa ako. Sana pala hindi na lang niya ako tinawagan.
Kweninto ko kasi sa kanya ang nangyari kanina sa hospital at ang pagpunta namin sa mall. Kung gaano kadami ang binili ni Enrique na damit para sa akin. Siya ang namili ng maternity dress daw ang tawag doon. Sobrang luwag pero mukhang masarap naman suotin kapag nandito lang sa mansion. Kagaya nitong suot ko, comfy at maaliwalas at hindi naiipit ang tiyan ko. Saka lalaki pa itong tiyan ko, kaya OK na ito.
Mukhang alam din niya na ayaw ko sa cheap dahil ang mga binili niya ay galing sa mga sikat na store. Ang problema ko na lang ay kung paano ko itatapon ang mga ito kapag nanganak na ako. Juskwa, nasa limampu yata ito sa dami.
"Gusto ko ng umuwi, Daze."
"Eh' 'di umuwi ka. Wala namang pumipigil sa'yo."
"Kaso—"
"Kaso?"
"Wala. Saka mayaman pala kuya mo? Daming pera at panay padala sa akin."
"Mayaman nga, hopeless romantic naman. Daming pera wala naman lovelife."
"Grabe ka sa kapatid mo."
"Nagsasabi lang ng totoo."
"Sige na, at kailangan ko na patayin ang tawag. Ingat ka na lang."
"Ikaw din, at sana makauwi ka na."
"I will, soon. I love you."
"I love you, too."
Nilagay ko ang cellphone sa bulsa ng damit. Medyo nagugutom ako at hindi ko alam kung ano ang kakainin ko. Nagsawa na ako sa mga naka-stock dito sa ref ko.
Lumabas ako at tumungo sa kusina. Naghanap ako ng pwedeng kainin at napansin kong may bagong luto. The maid asked me if I wanted something. Sinabi kong nagugutom ako kaya pinaghain nila ako. I eat alone, hanggang sa natapos. When I'm done, I leave the dining area para bumalik sa kwarto.
Headed to my room ay napadaan ako sa forbidden room. Ito 'yong kwarto na bawal daw papasukan sabi ni Ervic. This room is exclusively for Enrique—and for his whore, obviously. Ang kapal nga ng mukha, eh. Kahit may asawa na kahit sa papel lang ay nagdadala pa rin ng babae rito. Hindi na nahiya sa mga katulong dito at mas lalong hindi nahihiya sa akin. Kahit asawa lang ako sa papel dapat irespeto pa rin niya ako.
Sabagay hindi ko rin siya masisi. Lalaki siya at may pangangailangan. Kailangan niyang magparaos ng libog niya. Pero sana hindi dito sa mansion dahil nandito ako. Sinasaktan na nga niya ang kalooban ko, hindi niya pa nirerespeto ang pagiging asawa ko.
Napansin kong nakaawang ang pintuan. Walang tao akong nakita sa paligid. Hindi ko naman napansin na may dumating, pero bakit nakabukas ako. Tinapat ko ang tainga ko sa pintuan at baka sakaling may tao sa loob o kaya may maririnig akong kakaiba, but no sign that someone is inside.
I am thinking kung anong meron sa loob. Kagaya kaya ito ng red room ni Gray ng fifty shade na ang laman ay puro sex toys? Forbidden room daw eh, sabi ni Ervic.
At dahil curious ako kung ano ang meron sa loob ng forbidden room ay dahan-dahan kong tinulak ang pintuan. Baka lang may makita akong pwedeng sunugin dito. Pero hindi sex toys ang tumambad sa akin kundi musical instrument.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...