FOURTEEN

923 33 3
                                    

Naawa ako sa pinagdaanan ng kuya at sa nakikita ko sa kanya. But it doesn't mean I will not go to the bar. The show must go on s'yempre, kahit pa nakikita kong nasasaktan ang kapatid ko. It's his choice, not mine, dahil ayaw niyang mag move-on.

Namatay na lang si ate Lelith, pero waley pa rin nangyari. Kaya ano pang aasahan niyang babalik sa kanya? Goodness gracious. Matigas kasi ulo, at gusto sinasaktan ang sarili.

I need to go to the bar to have fun, at baka mabaliw na ako kakaisip kay mylabs. Sa Brothers Code Club ko naisipan pumunta. Gusto ko sana sa Cupid kaso mas gusto ko magwala ngayon. Hindi ko magagawa 'yon sa Cupid dahil maraming epal doon na kilala ako. Haharangin lang ako roon at babakuran kaya sa ibang bar na lang ako magwawala.

Since suki na ako sa BCC ay sa VIP na ako nagpa-park. Ang linis ng VIP parking ngayon, kaya mabilis akong nakapag-park. Sabagay, iilan lang naman kaming may VIP parking. Kasi kahit ang mga may-ari ay hindi masyadong nagpa-park dito kung may vacant sa baba. Mas madali kasing makalabas doon.

Anyway, kumekembot-kembot akong naglakad papasok sa BCC when someone blocked me. "Bawal ka dito." Tinaasan ko ng kilay si kuya Jace na nakangisi habang nakadipa para harangan ako. "Kaya umuwi ka na."

"Kailan pa, at bakit?"

"Ngayon lang, dahil sa complain ni Enrique Locsin noong nakaraan na muntik ka na raw madroga dito."

"Ano?!" Gulat na may kasama kong inis na tanong. Dimwit!

Nawala bigla ang yabang ko dahil sa sinabi niya. Hayop na Enrique 'yon, ah, kung sabihin ko kayang siya ang nakainom at may nangyari sa amin. May pasumbong-sumbong pa siyang nalalaman, eh, siya naman itong nakatira sa akin at nakawasak ng kiffy ko.

"Mabuti na lang daw at nailigtas ka niya. So, sorry, my dear younger sister, bawal ka muna dito hangga't pina-iimbestigahan pa namin kung sinu-sino ang mga 'yon."

"Saan ako pupunta? Sa ibang bar?"

"Hindi, dahil uuwi ka na. Banned ka rin sa ibang bar sa pagkakaalam ko. Sa Cupid lang yata hindi, kaya doon ka na lang."

"Tsk."

Gusto kong magtantrums. But I know it can't help. Baka pagtawanan lang ako ni kuya Jace tapos ang ending uuwi rin akong luhaan. Saka ayoko sa Cupid dahil hindi ako makakapagwala doon.

"So go home, baby, and sleep. Dapat ang mga batang kagaya mo ay natutulog na sa ganitong oras."

"Kuya, I am twenty-three."

"Bata pa 'yon para sa baby girl naming lahat."

"I just want to have, kuya."

"You can have fun by watching movies."

"Kuya..."

I wrapped my arms around his waist and pouted. Hindi ko makukuha si kuya Jace sa patigasan dahil mas matigas pa ang ulo nito. Ang dapat sa kanya ay inuuto at nilalambing. Well, lahat naman sila. Hindi lang mga kaibigan ni ate kundi pati mga kuya ko. "Sige na kuya Jace, mabait ka naman, eh. Ikaw nga paborito ko sa mga friends ni ate eh, kasi mabait ka."

"Talaga?"

"Yup. Sila kuya Phoenix, kuya Blaze, at kuya Zeus, kasi masyadong pa-cool at masyadong serious, unlike you na easy lang at madaling kausap." He looked at me with a questioning me, kuya, nagkamali ako nang pagkakakilala sa'yo at hindi ka talaga mabait?" look. "Don't tell me, kuya, nagkamali ako nang pagkakakilala sa'yo at hindi ka talaga mabait?"

"Of course I am. Mabait talaga ako."

"Wew, sige nga papasukin mo nga kung talagang mabait ka. Maawa ka nga sa akin kung mabait ka. Kasi ang mga mababait ay mabilis maawa." I heard him take a deep breath, saka napapailing. "Sabi mo, kuya, baby girl mo ako kasi wala kang baby sister. Dapat ang mga baby sister pinapasaya. Sige na kuya, I just want to have fun lang naman, eh. Ang sad ko kasi lately. Alam mo na, women hormones, biglang nasa-sad kahit walang reason. Alangan naman magwala ako sa labas ng kalsada para sumaya. Ayaw mo ba na safe ako?"

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon