THIRTY-TWO

933 31 3
                                    

We stayed for three days in the hospital, at sa pananatili namin ay hindi pa rin kami masyadong nag-uusap ni Enrique. Though he helped me with Ixora, he did not offer me other things, so I did not ask either. Hindi ko rin naman kailangan ang tulong niya, kaya bakit ko siya iintindihin? I can move without him; I can stand on my own.

Nasa sasakyan kami ni Enrique pauwi ng mansion galing ospital. Nasa likod ako kasama si Ixora. As usual, hindi kami nag-uusap at wala rin akong balak na kausapin siya. Ano siya dyamante para bigyan ng pansin? Mas gusto ko pa nga umuwi mag-isa kaysa kasama siya.

I just looked at my daughter who peacefully sleeps in my arms. Ang peaceful ng mukha niya at ang innocent niya. She's so cute and fluffy.

Napahinto kami sa stop light kung saan ang daming batang naglalaro sa gilid ng kalsada. Some of them knocked on the cars while asking something—money for sure. Hindi ko napigilan na yakapin ang anak ko habang nakatingin sa kanila. Natakot ako bigla sa nakikita ko. I don't want my daughter to be like them. At hindi ko rin hahayaan dahil lahat gagawin ko para sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang idea na iyon na magiging ganoon ang anak ko. Basta bigla na lang akong natakot at kinabahan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para bang something whispered that I can't be a good mom.

When we reached the mansion ay nauna akong bumaba at hindi na hinintay si Enrique. Dumiretso agad ako sa kwarto at nilapag sa crib si Ixora na binili ni Enrique para sa kanya. Pumasok rin si Enrique at saka nilagay ang mga gamit sa gilid. He came closer to us and stood opposite me.

Napaisip ako bigla habang nakatingin sa anak ko. Kung ako ang tatanungin ay gusto kong lumaki siya na buo ang pamilya niya. Gusto kong maranasan niyang maging masaya kasama kami. I don't want her na nakikitang hindi kami OK ng ama niya. O kung ano ang pagkakakilala nila sa isa't isa. Gusto kong habang lumalaki siya ay puro saya at peace lang nakikita niya. Para hindi maging toxic ang isip niya.

Nakadagdag pa sa isipin ko na hindi alam ni Enrique na anak niya si Ixora. Hindi ko alam paano sabihin sa kanya o kung sasabihin ko pa ba? Dati, ang sabi ko sa sarili kahit anong mangyari ay hindi malalaman ni Enrique na siya ang ama ni Ixora. Pero ngayon na nakita ko ang anak ko ay iba na pala. All I want is the best for her, everything for her.

Hindi ko na maisip ang sarili kong kaligayahan, at ang gusto ko na lang ay para sa kanya. Lahat ng makakabuti para sa kanya. I want her to be the happiest child alive.

"I informed Ervic that Ixora was born." Maya-maya ay sabi ni Enrique. Hindi ako sumagot at nakatingin lang ako sa anak ko habang patuloy na nag-iisip. "Hindi niya pa alam kailan siya babalik but he said he would talk to you."

"Wala naman akong pakialam sa kanya."

"He should have seen his daughter."

"Padalhan mo ng litrato kung gusto mo."

"Dandelion." May saway niyang banggit sa pangalan ko saka bumuntong hininga. "See, Dandelion, now that you already have a baby, pwede ba na maging OK tayo kahit sa mata ng lahat. Everyone here knows that I accidentally got you pregnant, but it doesn't mean na lagi na lang tayong mag-aaway."

Bakit, akala niya ba gusto kong makipag-away sa kanya? Siya lang naman itong walang ibang ginawa kundi awayin ako. Siya lang itong hindi ako pinakikinggan at ginagawang big deal ang mga ginagawa ko nang hindi ako tinanong kung ano ba talaga ang totoo kong nararamdaman.

"I don't want Ixora to see us like this," he added.

"Maghihiwalay rin naman tayo."

"What?" May pikon niyang tanong dahil sa sagot ko.

"This marriage is for the meantime. Maghihiwalay rin tayo."

"And who told you?"

"Ako, dahil alam natin pareho na doon din ang punta nito."

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon