FORTY-EIGHT

1K 38 13
                                    

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko habang naglalakad kaming maghawak kamay pabalik sa kubo.

"Gusto mo na ba umuwi?"

"Honestly, yes. Mukha naman kasing wala tayong ibang gagawin dito dahil bukod sa mga kahoy lang ang narito ay wala na kong ibang makita."

Don't get me wrong. I appreciate his effort and love what he did. Pero natatakot lang kasi ako dito dahil sobrang tahimik. I hope he did not misunderstand me.

"Alam kong natatakot ka kahit hindi mo sabihin. Huwag ka mag-alala dahil safe ang lugar na ito. Isa pa, pwede namang may gawin tayong iba rito."

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya, kaya napatigil din siya at napatingin sa akin. "Bakit?"

"Wala."

Humakbang na ako para unahan siya dahil pakiramdam ko namumula ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung pareho kami ng iniisip, o ako lang talaga ang may maruming isip.

"Hey, ang bilis mong maglakad. May problema ba?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin. "Wait." Huminto siya kaya napahinto rin ako dahil hinila niya ang kamay.

"Ano ba?!" Inis kong tanong pero ang totoo nahihiya ako sa sarili ko dahil sa naiisip ko. Hindi ko kasi alam kong tama ba ang nasa isip ko.

"Hey, kalma, ako lang 'to. Bakit ka ba nagmamadali?"

"Bakit ba? Gusto ko, eh." But he only gave me a smile.

"Dahil ba sa sinabi kong pwede namang may iba tayong gawin dito?"

"H-hindi, ah!"

"Bakit ka namumula?"

"Mainit kaya."

"Bagay naman sa'yo mag-blush. Patagal-tagal nang patagal paganda ka nang paganda lalo." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya at ang kaninang hiya ko ay biglang nawala. "Ayaw mo maniwala?"

"Dati na talaga akong maganda. Hindi mo lang pinapansin dahil mo akong inaaway."

"Nah, matagal ko nang nakikita ngayon ko lang sinabi."

"What?" Pero hindi pa man nakakasagot si Enrique ay biglang lumakas ang ihip ng hangin at nakita ko ang pagkunot ng noo niya kaya kinabahan ako bigla. "Something wrong, Enrique?" tanong ko.

"Parang uulan."

"Uulan?" Kahit ako ay nagtaka. Though bago kami umalis kanina ay hindi naman ganoon kainit, pero wala rin naman sign na uulan. "Paanong uulan?"

"Pakiramdam ko lang, turo ni daddy. Tara, bilisan na natin para makauwi na tayo at baka maabutan tayo ng ulan dito."

Mabilis ang naging hakbang namin, pero kasunod noon ay mas lalong lumakas ang ihip ng hangin. Dumilim rin bigla ang paligid.

"Akyat. Delikado kapag dito tayo naabutan dahil wala tayong dalang kahit ano."

Inalalayan niya akong makaakyat sa kabayo. Tumungo muna siya sa kubo at nagmamadaling isarado ito. Nang masigurong OK ang lahat ay saka siya sumampa at pinatakbo ang kabayo.

"Yah!"

Mabilis niyang pinatakbo ang kabayo. Unlike kanina na medyo, mabagal lang ngayon ay mabilis na siya. Pero hindi pa kami nakakalayo ay bumuhos bigla ang ulan na sinabayan pa ng kidlat.

"Ah!" Napasigaw ako nang biglang kumidlat. Humigpit naman ang yakap niya sa akin gamit ang isang kamay.

"Yah!" sigaw niya ulit.

"Enrique, bumalik na lang tayo."

"No, hindi pwede. Mas delikado kung doon tayo. Relax ka lang, at mabilis lang tayo. Hindi tayo pwedeng bumalik dahil wala tayong dalang kahit ano. Madilim doon at baka dagsain ng mga hayop at insekto."

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon