Buong maghapon magdamag na yata akong nakahilata. Hindi na ako halos tumatayo, kahit panay ang imbeta sa akin nina bakla at Celestine na gumala ay hindi ako sumama sa kanila. At heto nga ang gagang bakla, hindi nakatiis at pinuntahan na ako.
"Himala at ilang araw ka ng hindi gumagala. Hindi ka na rin pumupunta sa mansion para asarin si kuya. Hindi mo na ba mahal ang kuya ko?"
Pinagsasabi nitong bakla na 'to. Mabura na siya sa mundo, pero hindi mabubura ang pagmamahal ko kay my labs.
"I don't want to go out." My only answer dahil wala akong sa mood makipag-usap at makipagsagutan.
"Bakit?" He sat on the bed at tinabihan ako.
"Bakit? Kasi wala kang pakialam."
"Ah, ganoon, OK, bye. Gotta go."
"Bumalik ka nga ditong bakla ka."
I throw Ervic a pillow when he was about to leave my room. Masyadong sensitive ang putangina akala mo hindi lalaki. "Dinadagdagan mo lang itong sama ng pakiramdam ko, eh."
"'Di ba, sabi mo huwag kitang pakialaman? Eh, 'di, aalis na ako."
"Isang hakbang pa. Friendship over na tayo."
"Hindi mo rin ako kayang tiisin, 'no?"
"Malamang, ikaw lang naman ang nauuto ko. Balik ka na dito."
"Tss." He stepped forward, came closer to me, and sat back on my bed. "Ano ba nangyayari sa'yo?" Hinawakan niya ang noo ko at dumikit ng todo sa akin.
"Mamatay na yata na ako, baks. Lately, I felt tired every morning. Wala akong ganang lumabas o pumunta kung saan."
"Kulang ka lang sa ligo. Bumangon ka riyan at maligo ka."
"Palagay mo sa akin dugyot kagaya mo?"
"Aba!"
Hinawakan ko ang kamay niya at saka niyakap. "Bakla gusto ko kumain ng harees."
"Harees?" takang tanong niya habang ako may paawang mukha.
"Oo, harees, as in wheat."
"Siraulo ka ba o siraulo ka talaga? Saan ako maghahanap ng harees sa Pilipinas? Bumyahe kang middle east at doon ka magsawang kumain."
I feel sad at parang naiiyak na ako. Hindi ko alam kung bakit, pero ilang araw na rin akong nagki-crave ng harees.
"Spaghetti na lang," segunda niya.
"Harees nga, ang layo ng spaghetti sa harees. Wheat gusto ko tapos pasta ibibigay mo."
"Eh, 'di gumawa ka. Total ikaw naman kakain. Manood kang cooking show paano gawin."
"Ikaw na lang magluto, marunong ka naman, 'di ba?"
"Ako ba kakain? Kung sino may gustong kumain siya ang magluto."
"Panget mong kasama."
"Panget ka kasi mag crave. Anyway, kalinga ni Dylan na lang. Total naman ay paborito mo 'yon. Libre ko, ano?"
Inirapan ko lang siya dahil naiinis ako. Wheat nga gusto ko kung anu-ano ibibigay sa akin.
"Ayaw mo?" tanong niya. May paawa pa rin ang mukha ko at baka sakaling makumbinsi ko siya. Pero mukhang hindi na ako love ni bakla dahil tinitiis na niya ako. Pagkatapos ko siyang laplapin ng ilang araw, hindi niya ako mapagbigyan sa gusto ko. "Ayaw mo talaga?" ulit niya.
"Oo na, 'yon na lang." Medyo masama pa rin loob ko, but I don't have any choice.
"Good."
Tumayo siya at saka lumabas. I heard him call. Mukhang sa Coffee Code siya tumawag dahil narinig kong umorder siya ng dalawang kalinga ni Dylan. Hindi ko na lang siya inintindi at humiga na lang ako.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...