THIRTY-SIX

1K 44 18
                                    

"Dengue?" sabay namin tanong ni Enrique sa doctor.

"'Di ba, malala 'yon? Anong mangyayari sa anak ko?"

Nangangatog ang mga kamay ko at pati na rin ang tuhod dala ng kaba at takot. Simula kanina ng kunin nila ang anak ko at pinaiwan kami rito sa labas ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko hindi ako makahinga habang naghihintay ng paglabas nila. Para akong hihimatayin, ang lakas ng tibok ng dibdib ko, nilalamig ako at nangingig.

Para akong mamatay kakahintay kanina. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Punong-puno ng negatibo ang isip. Natatakot akong lumabas sila at sabihing may hindi na magandang nangyari sa anak ko.

"Good thing na-notice niyo agad kaya naagapan," the doctor added.

I looked at Enrique na nakatingin sa akin kaya yumuko ako. Kung hindi pala siya pumasok para tingnan ang anak ko ay hindi namin siya maagapan at madadala agad dito. Panigurado, hinuhusgahan na niya ako ngayon sa isip niya.

"But she needs blood," the doctor added.

"Blood?" tanong ko.

"Yes. Though nalapatan na namin siya ng paunang lunas ay mabilis na bumaba ang platelet niya dahil baby pa siya. Kaya kailangan natin makahanap ng dugo na magma-match sa kanya para masalinan siya."

"Then take my blood now para masalin sa anak ko," agaw ko agad.

"Ano pong blood type niyo, maam?"

"I'm AB+."

"Your daughter is B+, ma'am."

"Means?"

"You can't be her donor."

Kumunot ang noo dahil sa sinabi niya. Anong pinagsasabi niyang hindi ako pwedeng maging donor? Anak ko 'yan tapos hindi ako pwedeng maging donor. Huwag niyang sabihin sa akin 'yan at baka masaktan ko siya.

"Are you saying that she is not my child?" May inis kong tanong.

"No, ma'am. What I am saying is hindi po kayo compatible ng anak mo. Your daughter is B+, which means ang tatanggapin niya lang na donor ay O-, O+, B-, B+. Minsan nangyayari po talaga 'yon na hindi compatible ang anak sa nanay dahil sa tatay siya compatible, o kaya ay hindi siya compatible sa tatay dahil sa nanay siya compatible. We can call one of your family members kung may compatible sa anak mo, pwedeng tiyuhin o tiyahin, even grandparents. Kung wala, we can ask the blood bank or anyone na may dugong B+. Strangers can be a donor too, as long as may blood type sa mga nabanggit ko kanina. Kung hindi po kayo ang match ng anak niyo, ibig sabihin lang po noon ay ang daddy ni baby ang ka-match niya. Hindi po kasi pwedeng wala sa inyong dalawa."

"I am B+," agaw ni Enrique kaya napatingin ako sa kanya. Damn! Nakalimutan kong nandito pala siya. Kanina pa kasi siya tahimik at hindi sumisingit sa usapan.

"And you are the...?" tanong ng doctor sa kanya.

"The father."

"Ow, I'm sorry, sir. Hindi po kasi kayo nagsasalita. That's what I mean, po, maam. Hindi kayo ni baby ang ka-match dahil si daddy ang ka-match niya." Then she looked at Enrique. "Let's go, sir."

"I will come."

"Just stay here." Enrique give me a warning look, kaya napahinto ako sa paghakbang.

"But I want to see my daughter."

"STAY. HERE." May diin niyang sabi.

Ayoko sanang maiwan dito, pero hindi ko rin magawang sumunod sa kanila. Ayokong makipag-away sa kanya kahit naiinis na ako at nag-aalala pa sa anak ko. Umupo na lang ako sa gilid habang tinitingnan silang paalis ng doctor at pumasok sila sa isang kwarto.

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon