Dinala ako Enrique kay Doc Keisha since siya ang doctor ko. Kung ako ang tatanungin ay ayoko na sanang makalabas itong problema ko. But Enrique wants to know what happened to me and how I can handle the situation. Gusto niya akong maging OK at gumaling. I have no choice, kundi sumunod, not because I want it, but because I know he knows what's best—I think.
Kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos. Magkatabi kami ni Enrique sa kama niya at kahit sinabihan niya akong matulog dahil babantayan niya ako ay hindi ko pa rin magawang ipikit ang mata ko. When I closed my eyes, a lot of thought started to run through my mind. Natatakot akong matulog kaya ang ending ay dalawa kaming napuyat dahil walang nakatulog sa amin.
"Postpartum depression or postpartum psychosis is caused by giving birth. 'Yan ang pinagdadaanan mo ngayon, Daze. Hindi 'yan pag-iinarte, just like what others said. Hindi mo 'yan sinasadya at kusa na lang nangyayari. Even you don't want it, pero bigla-bigla ka na lang inaatake ng hindi mo alam ang dahilan at hindi ka aware," Doc Keisha explained.
"What was the reason why it happened?" Enrique asks. "Ano ang mga possibilities bakit siya tinamaan ng ganyan?" he added.
"Overthinking. Anxiety. Ang post-partum ay tumama sa mga bagong panganak, mga nakunan. It's called binat in urban, but in science it's a kind of depression. Nagsisimula ito buntis ka pa lang dahil sa sobrang pag-iisip ng negatibo, hanggang sa unti-unting nagiging anxiety, at nauuwi sa depresyon kapag hindi naagapan. Kapag kasi nakukunan ang isang babae ay iniisip na siya useless siya at hindi naging maingat. Sisihin ang ang sarili hanggang sa nagiging negatibo na ang nasa isip. At kapag nabuo na ang negatibo ay doon ka na magkakaroon ng post-partum."
"Pero hindi nakunan si Dandelion."
"Overthinking as a mother. Asking herself if she is worth enough to be called mom. Kung kaya niya ba talagang maging nanay. Kung kaya niya bang panindigan ang anak niya at mapapabuti ba ito sa kanya? That is one of the reasons kaya nagkakaroon ng postpartum ang isang ina. Others think that she's overreacting without any reason, but the truth is that she felt something strange and wanted to voice out. Pero dahil napangunahan na siya ay natatakot na siyang magsabi. Hanggang sa hindi na niya kayang i-handle ang isip niya, at hinahayaan na lang niya ang kung anumang tumatakbo nito, hanggang sa nagkakaroon na siya ng hallucination."
Napatingin sa akin si Enrique at hinawakan ang kamay ko. Hinaplos niya at paminsan-minsan ay pinipisil.
"It's in a woman's hormones, nasa babae na talaga 'yan. Hindi lang sa bagong panganak, kahit mga babaeng nasa menopausal stage ay nagkakaroon ng menopausal disorder, and one of her problems is the same as postpartum. Irritated, over-acting, overthinking, emotional. Kaya mahalaga ang papel ng asawa at mga tao sa paligid nila para ipaalam sa kanila na may halaga sila. Asawa at mga tao sa paligid nila ang dapat unang nakakaintindi sa kanila. Even those women who had their period may experience PMDD, also known as premenstrual dysphoric disorder, the same as postpartum a week or a few days before her period. Tapos nawawala rin after her period. Mostly nangyayari 'yan sa mga middle-aged woman. Same symptoms as postpartum. Sinama ko na sa eksplinasyon ko para ma-aware ka sa sakit ng mga kababaehan."
Napatingin ako kay Enrique na nakatitig sa akin tapos binalik ang tingin kay doc Keisha.
"So isa sa mga senyales niya ay irritated?" He asked. "Lahat ng mga sakit na sinasabi ay one of the symptoms ay pagiging iritable?"
"Yes. Tapos tatahimik dahil nag-iisip na pala ng negatibo. Maraming tumatakbo sa isip, pero hindi magawang ipaliwanag dahil takot sa judgment o iniisip nilang wala naman nakakaintindi sa kanila. If you ask her what's the problem, she easily gets mad and thinks, na lagi na lang siyang napapansin, hanggang sa madagdagan ng puro negatibo ang isip niya. Minsan, it's her way to get attention and wants to say that she is not OK, pero hindi lang natin naiintindihan kasi ayaw nilang magsabi."
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...