Right after I delivered and heard my baby cry, I lost consciousness inside the delivery room. Nagising na lang ako na sa kwarto at nandito silang lahat. Doctor Keisha said that I am ok at normal lang iyon dahil may ganoon talagang cases. Nabigla rin siya bakit napaaga ako dahil wala namang sign na manganganak na ako nang magpunta kami sa kanya. Pero hindi naman daw iyong makakaapekto sa baby dahil sakto na siya sa buwan.
Nang magising ako ay wala ang baby ko. They said she's in the nursery. Hindi ko pa nakikita ang anak ko at kung ano ang hitsura niya. They talked and asked me, pero wala akong maintindihan. Naiinis lang akong marinig sila sa dami ng tanong nila sa akin.
Naririndi ako sa dami ng tanong nila. Naiinis ako at gusto ko na lang umalis para makapag-isa. I wanted to scream to make them stop, but I can't. Baka mamaya ako na naman ang masama.
"Do you need something?" I looked at Enrique, but I shook my head. Siya na lang naiwan dito dahil umuwi na silang lahat. Ang dami nilang binilin pero wala akong maintindihan kahit isa. Ang dami nilang sinabi sa akin na puro tango lang ang sagot ko.
Ipapakuha sana nila si baby kanina para makita ko, pero sinabi kong huwag na muna. I said that I wanted to sleep again at saka ko na titingnan si baby kapag OK na ako. Wala silang nagawa kundi hayaan akong matulog ulit at heto nga—nagising akong wala na sila at si Enrique na lang ang nandito.
"They will bring Ixora here to feed."
Hindi na ako sumagot when the door opened and a nurse came in.
"Good evening, po., time to feed the baby."
"Ow, here she is." I saw the excitement in Enrique's eyes. Kung kanina walang gana ang mukha niya ngayon ay parang ang saya-saya na niya. Lumapit siya sa maliit na trolley na tulak-tulak ng nurse at saka may kinuha. Saka ko lang napansin na ito na pala ang baby. He walks closer to me. He handed me the baby and put it in my arms.
I looked at my daughter's face. For the first time, I saw her. But I can't feel anything aside from emptiness and sadness. I don't know what is wrong with me, but—but I am not happy. I felt empty; I don't know.
What is wrong with me?
"Dandelion?" Enrique called me kaya napatingin ako sa kanya.
"Yeah?"
"Time to feed Ixora."
"I don't know what to do."
Enrique looked at the nurse. "Can you please help us?" He asks her, and the nurse walks towards us. Kumuha ito ng kumot at saka nilagay sa akin.
The nurse instructed me at oo lang ako nang oo. Later, I feel someone's mouth on my nipples. Inangat ng nurse ang kumot at nakita ko si Ixora na gumagalaw ang bibig. Tiningnan ko si Enrique na nag-iwas ng tingin.
Napapikit ako nang makaramdam ako ng pangingilo. Something inside my breast explodes. Hindi ko maipaliwanag. Masakit na nakakangilo. I don't know; all I feel is pain.
"Ok na po, maam. Kusa pong titigil si baby sa pagsipsip kapag busog na. Bago niyo po siya ihiga ay padighayin niyo po muna."
"Can you stay here until she finishes?" Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Baka hindi siya makadighay o hindi ko siya mapadighay. At kung tama na ba ang pagpapadede sa kanya," I said.
"Sige po."
The nurse stands beside me. Hindi rin umaalis si Enrique sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa mukha ng anak ko na patuloy pa rin sa pagsipsip. She looks so innocent and helpless. Hindi niya kayang dumedede kung walang alalay at ganoon din ako, hindi ko siya kayang padedehin mag-isa.
At ngayon pa lang ay natatakot na ako para sa seguridad niya. Natatakot ako na baka hindi ko siya maprotektahan. Na baka hindi ko magawa ang dapat ay para sa kanya. Na baka magkamali ako at may mangyari sa kanyang hindi maganda.
"Paano ko malalaman na ayaw na niyang dumedede?" tanong ko.
"Kapag po tumigil na siya, ma'am. Tapos pag nilayo niyo ang dede niyo at hindi na sumisipsip ibig sabihin ay busog na siya o kaya naman ay mas gusto niyang matulog. Minsan po kasi kahit nilalayo na ng mommy ang nipples niya ay sumisipsip pa rin ang baby at kapag binalik ng mommy ay gusto pa palang dumedede."
"I see."
"First niyo po ano?"
"Yeah."
"Masasanay rin po kayo. Sa una lang po masakit ang pagsipsip ng baby, pero later on ay masasanay rin kayo."
"She stops," I said. The nurse looked at her. She slowly pulled my nipple hanggang sa matanggal. Hindi na sumisipsip si Ixora kaya tinakpan ng nurse ang nipple ko.
"Itayo niyo po. Isandal niyo sa inyo tapos himasin niyo ang likod."
"I don't know how to do it." She helped me hanggang sa napasandal si baby sa akin. She's like a jelly, at natatakot akong baka dumulas siya sa kamay ko, o kaya ay baka mapahigpit ang hawak ko sa kanya at mabalian ko siya ng hindi sinasadya.
Ginawa ko na ito sa mga pamangkin ko, pero bakit parang kabado na ako ngayon. Parang takot na takot ako para sa kanya. Parang ayoko siyang hawakan.
"Haplusin niyo lang po ng dahan-dahan." The nurse took my hand at pinahaplos ang likod ni baby.
I follow what she said. I caress my daughter's back until I hear her burp.
"Done na po siya, ma'am. Babalikan ko na lang po siya mamaya."
"You can take her."
"Po?" takang tanong sa akin ng nars at saka tumingin kay Enrique.
"Pwede mo na siyang kunin."
"Ayaw niyo po bang makasama muna ang anak mo, ma'am, kasama ni sir?"
"I already see her. I carried her and fed her. She needs to sleep more." The nurse looked at Enrique. He nodded to her, giving his approval.
"Sige po."
"Pwede ba siyang mag formula milk?" tanong ko nang kunin siya sa akin at binalik sa trolley. Enrique looked at me na may pagtataka.
"Pwede naman po, pero advisable po talaga namin breastmilk. Mas healthy po kasi ang gatas ng ina kaysa sa formula milk. Yong formula po ay para lang sa mga working moms o 'yong may mga problema sa nipples or hindi naggagatas."
"I can't do it always. Basta. I want formula milk on her."
"Sige po, kung 'yon ang gusto niyo. I will inform your doctor para siya na po magsabi sa inyo kung ano ang dapat gawin at kung ano ang advisable na formula milk."
"Salamat."
"Ilalabas ko na po si baby," paalam niya at saka tinulak ang trolley at lumabas sa kwarto.
"What does that mean?" Enrique asked while frowning his forehead.
"Ang alin?"
"First, you did not let your daughter stay with you a little longer, and second, you want to feed her formula milk instead of yours?"
"Ano kasi..."
Tss! Ayoko lang naman mahirapan ang nars sa pabalik-balik dito. Isa pa, pag-uwi namin ay lagi ko naman makakasama si baby. Saka kaya ayaw ko siyang I breastmilk ay dahil madalas akong nagkakape. Sabi nila hindi rin daw 'yon healthy sa baby. Saka hindi naman laging formula milk, parang alternate lang. Itatanong ko pa lang naman sa doctor since marami akong kinakain o iniinom na ayaw kong madede niya.
"I have my reason, Enrique."
"What reason? Leaving her alone to have fun?"
"Please don't judge me. Kung gusto mo, ikaw magpadede."
"What?"
"I'm tired."
Tinalikuran ko siya at hindi na pinansin. Why should I waste my time explaining myself to him? Wala rin naman siyang paniniwalaan kundi ang side niya. What a waste of time arguing with a person who can't understand you.
I wiped my tears. Naiinis ako at the same naaawa ako sa sarili ko dahil walang nakakaintindi sa akin.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...