FORTY-ONE

1.4K 46 9
                                    

The door suddenly opened, and my family went in. Nakatingin sila sa akin habang napapailing at halata sa mukha nila ang disappointment.

"Look at her, 'yan ba ang hindi immature? Magpapakamatay at iiwanan ang anak? Ang selfish mo, Daze." It's ate Dane na napapailing.

"Tss, brat pa rin." -Kuya Dave.

"Mismo, at makasarili dahil walang ibang iniisip kundi ang sarili niya lang." -Kuya Dale.

"'Yan ba ang gusto mo, Dandelion? Sige gawin mo, do it." Pati si Mommy na mismong nanay ko ay wala ng pakialam sa akin.

"Useless, puro pasakit na lang ang binibigay mo." Naiinis na sabi ni daddy.

"Nakakapagod ka ng intindihin, Daze. Puro sarili mo na lang iniisip mo."

Dahil sa sinabi ni kuya Dylan ay mas lalong lumakas ang loob kong gawin ang gusto ko. Siya na nga lang kakampi ko tapos ngayon ay galit na rin siya sa akin. Kaya mas napatunayan kong wala ng nagmamahal at nakakaintindi sa akin.

"I'm sorry..." I said while crying.

"Do it!" sigaw ni daddy. "Kill yourself para wala ng pabigat sa pamilyang ito!"

"Ayoko na!"

Hihiwain ko na sana ang leeg ko nang biglang may humawak sa akin. "Dandelion!"

"Bitawan mo ako!"

"Stop!"

"Bitawan mo ako!"

Nag-agawan kami ni Enrique sa salamin. Nasa likod niya pa rin ang pamilya ko na pinagtatawanan ako, pero masamang nakatingin sa akin.

"Stop it!"

Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya nabitawan ko ang salamin. Pilit akong nanlalaban sa kanya at pilit kinukuha ang salamin, pero mas malakas siya sa akin.

"Bitawan mo ako! Gusto ko ng mamatay! Gusto na nila akong mamatay."

"What the hell are you saying?! Tumigil ka na!"

"I am useless! Let me die!"

"Stop, calm down, and let's talk!"

Halos nakayakap na siya sa akin, pero pilit akong kumakawala.

"I don't want to talk. I wanted to die. Let me die. I am worthless. I hate this life. I want to die. I want to die. No one wants me. No one can understand me. I am everyone's enemy. Gusto ko na mamatay."

Patuloy ang pagwawala ko. Naiinis na ako sa buhay ko at palagi na lang akong mali. Hindi naman ako kailangan ng lahat. Ayan nga ang pamilya ko at gusto na rin akong mamatay. Wala ng may gusto sa akin, kaya mas OK pang mawala na lang ako. Walang nakakaintindi sa akin at walang may gustong alamin ang totoo kong nararamdaman.

"Bitawan mo ako! Gusto ko nang mamatay!"

"Stop!"

Enrique pushed me. Napatigil ako sa pagwawala ng bigyan niya ako ng malakas na sampal. Napahawak ako sa pisngi at tumingin sa paligid. Wala akong ibang nakikitang ibang tao maliban sa aming dalawa lang.

"Dandelion, I'm sorry. I didn't mean to slap you." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi.

"W-where are they?"

"Who?" Inikot ko pa ulit ang paningin ko, pero kami lang talaga ni Enrique ang nandito. "Dandelion..."

"M-my family?"

Tumulo ang luha ko at hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako nasaktan sa pagsampal niya sa akin. Wala akong naramdamang sakit kundi gulat lang.

"No one was here. It's just you and me."

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon