"Good Morning."
Kakagising ko lang at mukha agad ni Enrique ang bumungad sa akin. Naka-squat siya sa tabi ko kaya pantay na pantay ang mukha namin dahil nakatalagilid ako. Nakahawak siya sa noo ko para gisingin ako, at ang init ng palad niya.
"Good morning din," bati ko pabalik sa kanya.
Dahan-dahan akong bumangon. Tumayo naman siya para alalayan ako. Tuluyan nang bumuka ang mata ko at tumingin sa gilid niya. Napansin ko kasi ang isang trolley sa tabi na may mga pinggan. "Ano 'yan?"
Ngumiti siya sa akin at hinila ang trolley palapit. "Breakfast in bed," sagot niya. He put the trolley near me at saka inayos sa harapan ko ang tray.
"You don't need to do this."
"Well, it's already here, and I already did. Kaya wala ka ng choice kundi kumain dahil ako mismo ang nagluto nito para sayo."
'He prepared the food for me?'
May gatas, egg omelet, bacon, and fried rice.
"Ang dami naman nito."
"You need to eat more. Kailangan mo kumain ka ng marami para makabawi ka ng lakas."
"Ikaw, sabayan mo na ako."
"Nagkape na ako kanina. Kumain ka lang diyan at babantayan kita para alam kong kinain mo talaga."
Natakot yata na baka itapon ko ulit ang niluto niya.
"Where's Ixora?" tanong ko nang mag-umpisa ng kumain. Napansin ko kasi na wala ang crib niya dito sa loob.
"With the nanny. Pinapapalitan ko na at pinapaliguan para pagkatapos mong mag-ayos ay ready na siya at diretso na lang tayo sa pag-alis."
"Hmp?" Nasa bibig ko pa ang kutsara dahil nabigla ako sa sinabi niya.
"Why?" tanong niya at tinanggal sa bibig ko ang kutsara habang nakangiti.
My heart wants to explode in excitement. Kahit may laman ang tiyan ko ay parang nagwawala lahat ng laman loob ko sa ngiti niya.
"Anong aalis? Sinong aalis?" tanong ko pabalik kahit may laman pa ang bibig ko.
"Us. Aalis tayo pagkatapos mong kumain at mag-ayos."
"Huh? Bakit tayo..."
Hindi ko natapos ang tanong ko nang isubo niya sa akin ang kutsara na may lamang fried rice.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni doc Keisha kahapon? You should have fun. So, we will have fun. We're going to have fun." Nginuya ko muna ang nasa bibig ko at saka nilunok bago sumagot.
"Anong gagawin natin at saan tayo pupunta?"
"Secret. Just finish your food, then take a shower. I will wait for you outside at titingnan ko lang si Ixora."
"Teka, 'di ba, busy ka?"
"I canceled all my appointments this week. Whole week. I already told you yesterday."
"But, why?"
"Stop asking and just eat so we can leave early."
Pinunasan niya ang gilid ng bibig ko bago tumayo at iniwan ako.
Aminin ko na natutuwa ako sa pinapakita ni Enrique sa akin. Ang kaso, tama si doc Keisha na ang unang rason ng post-partum ay negative thoughts. Dahil nangingibabaw na naman ang negatibo sa akin ngayon. Iniisip kong hindi totoong concern sa akin si Enrique. Guilty lang siya dahil sa nangyari sa akin. Pero hindi ko siya dapat pagduduhan. Kailangan ko labanan ang isip ko. I know I can do it. Kakayanin ko ito para sa anak ko. I am Dandelion Daze at isa akong Dy. No one can beat me, not even this fucking postpartum.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...