FOUR

904 32 3
                                    

"Where are they?" Halos masubsob na ako kakamadali para maabutan si mylabs.

"Speed din 'tong best friend mo, Tine, 'no?" Ervic, leaning his back on the sofa, uttered these words.

'Feeling pogi yurn? Angas-angasan, para hindi mabulgar.'

"Of course, Dy yata 'yan kaibigan natin, Ervic."

Then both of them laughed.

"Tigilan niyo akong dalawa. Nasaan sila?" Pero imbes na sumagot ay tumawa lang ulit silang dalawa. Tawang mapang-asar na parang may nasaksihang na katangahan. Dimwit!

"Pakyu kayo," I said at saka umupo sa sofa.

"Na-realized mo na?" Celestine asked.

"Leche."

Ang tanga ko pala talaga pagdating kay Enrique. As in. Hindi lang basta natatanga kundi nabobobo pa. Paano pala sila magsasama ng babaeng iyon, eh, ayaw ni Enrique na pinupuntahan siya ng kung sinu-sino lang dito sa bahay nila.

"Habol kasi nang habol sa lalaki, kaya natatanga."

"Wow, Celestine, coming from you na hinabol ang asawa kahit ayaw na."

"Coming from you also, asawa ko. Hello! May mga anak kami, alangan namang ang habulin ko ay ang kuya mo. Malamang 'yong asawa ko ang hahabulin ko."

"Oh, 'di ikaw na may asawa."

"Nag-aaway kayo?"

"Hindi!"

Napaatras si Ervic dahil sabay kaming napasigaw ni Celestine.

"Highblood kayo, may mga regla kayo?"

"Huwag ka na magtanong, hanggang pangarap ka na lang na magkakaroon." Inis kong sabi.

"Inyo na iyang mga regla niyo. Gawin niyong dinuguan."

Ervic is Enrique's younger brother. He's the same as our age. And take note, he is gay, but a closet one. Hindi niya masabi sa kuya niyang bakla siya dahil ayaw niyang ma-dissapoint ito sa kanya.

At first, I thought he only tricked us at may gusto siya sa isa sa amin. But I am mistaken, because one time I saw him talking with a guy behind the campus. And he also admitted to me that the reason he friend us is because he likes Kuya Dylan. Well, kaya ko lang din naman siya kinaibigan ay dahil gusto kong mapalapit kay Enrique.

But that was before, dahil sa paglipas ng panahon ay lumalim na ang samahan namin tatlo. Kahit pa nasira kami minsan ni Celestine nang patulan niya si kuya ay alam kong na-miss rin namin ang isa't isa.

Hindi naman sa ayaw ko kay Celestine para sa kuya ko, pero parang ganoon na nga. I want someone that can hold my kuya. 'Yong si kuya ang napapasunod at hindi siya ang nasusunod, and sadly, alam kong hindi si Celestine iyon. Dahil kung kaya niya iyon—ako mismo magrereto sa kanya.

"Ervic..."

Sabay-sabay kaming napalingon kay Enrique na tinawag ang kapatid. Napakunot naman ang noo niya nang makita ako.

"Yes, kuya?"

"What are you doing here?" tanong niya sa akin imbes na sagutin si Ervic.

'Galit yurn?'

"Visiting your brother and you also, mylabs."

"Tss!" sagot niya lang at saka tumingin sa kapatid at may inabot na folder. "Ervic, double check these, and if everything is fine, forward it to Blaze Gonzales para ma-line up na sa printing press. Also forward it to Diana Dane Dy for the advertisement."

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon