TWENTY-SIX

859 29 6
                                    

Tatlong araw na simula nang ikasal kami ni Enrique. Right after the wedding ay dito na ako dumiretso sa mansion. After the ceremony ay hindi na ako nakikipag-usap sa lahat. May mga lumapit sa amin to congratulate us, pero ngiting aso lang ang binigay ko. Sinasabi na lang nila ate Dane na wala ako sa mood dahil iritable ako sa pagbubuntis ako.

Nauna na rin ang mga gamit ko rito dahil pinadala agad ni ate Dane bago pa matapos ang reception para may magamit ako. Kinausap ako ni Enrique the night after the wedding, pero sinabi ko lang sa kanya na gusto ko nang magpahinga, and since then ay hindi na kami nag-uusap.

I live in another room next to Enrique and Ervic's room. And since the day I live here ay hindi kami masyadong nagkikita ni Enrique. Bukod sa hindi ako masyadong lumalabas ay iniiwasan ko rin siya. He assigned a servant for me, pero hindi ko rin kinakausap. Not unless I really need help.

I asked my parents na babalik na lang ako sa mansion, o kaya ay mag-isa na lang ako ulit sa condo ko, but they did not allow me, lalo na si kuya Dylan. Bored tuloy ako rito dahil wala akong magawa.

Kung bakit kasi hindi pa rin umuuwi ang bakla. Sana may kasama ako kahit paano. Hindi ako mabo-bored ng ganito ngayon. On the night of my wedding, he calls me and congratulates me. He even told me to enjoy my stay here. As if naman mag-eenjoy talaga ako rito kasama ang kuya niyang abnormal.

It's almost night. Nag-aagaw na ang dilim at ang liwanag. Wala sana akong balak lumabas ng kwarto dahil dinadalhan naman ako ng pagkain ng katulong, pero nagki-crave ako ng harees. Yawa talaga, hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang pagki-crave ko.

Kung nasa mansion lang sana ako may mauutusan ako. 'Yong mga katulong kasi rito walang alam sa Arabic food dahil more on Asian food lang ang niluluto, at kung hindi naman ay Italian, samantalang may lahing Turkish naman sana ang pamilya ni Enrique from his mother side.

Whatever. Mana sila sa amo nilang abnormal. Not the parents, kundi ang magkapatid.

I took my phone and watched a cooking vlog. Pinanood ko ang easiest way to cook harees. Ilang beses ko rin itong pinanood at baka sakaling makuha ko. Though hindi ako sigurado kung tama itong pagkakaintindi ko pero susubukan ko na lang.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Kapag ganitong oras ay wala ng tao sa kusina dahil tapos na silang magluto. Kadalasan ay nasa dining area na sila para ayusin ang lamesa. Alam ko 'yon dahil noon ay dito rin ako kumakain kasama ang magkapatid. Pero simula nang lumipat ako rito ay hindi ko pa nakakasabay si Enrique na kumain.

Hindi ko nga alam kung anong nasa isip ng mga katulong dito. Pero sabi ni Enrique na akala raw ng lahat na siya ang ama at pinasalo ko lang daw kay Ervic dahil nga raw may hindi pa rin kami pagkakaintindihan, at kaya umalis si Ervic ay dahil nagbago ang isip dahil ayaw ng saluhin ang pamangkin niya. Mas OK na raw ang ganoon kaysa isipin ng lahat na tinuhog ko silang magkapatid. Hindi niya lang ako madiretso na natuhog ng magkapatid. Mas OK na raw na akala ng lahat na siya talaga ang ama para wala ng usapan dahil kami naman ang kinasal. Which is—siya naman talaga bobo siya. Tanga-tanga siya! Dimwit!

Kaya hindi isyu rito na hindi kami magkasama sa iisang kwarto dahil alam ng lahat dito na hinahabol ko siya kaya nabuntis niya ako. Na ako lang ang may gusto na mabuntis ako, at pinikot ko lang siya.

Kung alam lang niya na siya talaga ang ama baka magwala siya sa galit. Pero wala naman akong pakialam sa kanila at sa opinyon nila. Mas lalong wala akong pakialam sa amo nila.

I took all the ingredients na nakita ko. Swerte dahil dahil nandito lahat ng kailangan ko. Sisimulan ko na sana ang pagluluto nang makarinig ako ng tawanan sa likod. From here ay may back door papunta sa kwadra kaya tiningnan ko kung sino ang nandoon.

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon