FORTY-SIX

1.1K 50 8
                                    

"Done."

Inaayos ni Enrique ang sintas ng cowboy shoes ko. Isa ito sa mga binili namin kahapon sa mall. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinagsuot nito, pero ang sabi niya ay may pupuntahan daw kami.

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

"Huwag ka ng magtanong. Basta sumama ka na lang," he answered and smiled. "Bagay pala sa'yo naka-cowgirl—lalo na siguro posisyon. You're hot and sexy."

"Tss." I rolled my eyes, pero natawa lang siya. "Ipaalala ko lang na hindi ako ang first love mong may pitong anak na nangangabayo."

"You're hotter and sexier than anyone. At wala akong ibang nakikita at ibang tinutukoy kundi ikaw."

'OK, kilig na yurn, Daze?'

"And more thing...ibang cowgirl tinutukoy ko—posisyon iyon."

"Ano?"

"Wala, let's go."

Inabot niya ang kamay niya para alalayan ako. Kunwari inirapan ko siya pero inabot ko rin ang kamay ko sa kanya at magkahawak kami habang naglalakad palabas ng mansyon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nakasunod lang ako sa kanya.

Pero teka, ano nga 'yong sabi niya? Ibang cowgirl daw? May iba pa bang hitsura ang cowgirl? Nevermind, hindi naman ako mahilig sa kabayo, kaya hindi ko na iisipin kung ano 'yong ibang cowgirl posisyon na tinutukoy niya.

"She's here." Nakangiti niyang sabi at sa hindi kalayuan ay nakita ko si Hailey. Nakasuot siya ng simpleng white t-shirt at maong pants na nakasakay sa isang puting kabayo papunta sa amin.

Tanginang 'yan! Siya yata 'yong ibang cowgirl na tinutukoy nitong gagong 'to eh.

Aminin kong nakaka-insecure ang galing ni Hailey pati na rin ang hitsura niyang nakasakay sa kabayo. Ang perfect niyang tingnan habang gumagalaw ang katawan. Dinaig niya pa ang mga sikat na equestrian na nakikita ko sa TV. Kahit mga artista o modelong napadadaan sa NF ko na nakasakay sa kabayo ay walang binatbat lahat sa babaeng ito.

"Hi, prince. Hi, Daze," bati niya sa amin at parang walang kahirap-hirap sa kanya ang bumaba sa kabayo kahit naglalakad ang kabayo. Ang smooth ng galaw na parang bumaba lang sa hagdan. Mas lalo tuloy akong na-insecure sa kanya.

"Hi, princess." Nagbeso silang dalawa at saka hinawakan ni Enrique ang mukha ng kabayo. "Hey, dear pinchy."

"Kumusta ka, Daze?" tanong ni Hailey sa akin.

"Ayos lang, maganda pa rin kahit malapit ng mabaliw."

She gave me a smile na nakakabwesit dahil sa sobrang ganda.

Tangina, nakaka-insecure talaga ang ganda nitong babaeng 'to. Lahat ay perfect, mukha, katawan, kilos, pati pananalita. Ang swerte ni kuya Phoenix sa kanya.

Well, lahat naman ng mga asawa ng kaibigan ni ate at pati si ate syempre ay maganda, at may kanya-kanyang ipamagmamalaki, pero kung true goddess at perfect beauty ang hanap mo—itong si Hailey ang perfect definition. Parang dyosa na binagsak dito sa lupa. Mahihiya si Aphrodite at Venus sa ganda niya. The epitomy of true goddess beauty. Pwede ng i-kick-out ang dalawa sa trono nila. At kahit pito na ang anak nito ay dinaig pa mga dalaga. Walang-wala ang hitsura kong may isa pang anak kumpara sa kanya. No wonder kung bakit patay na patay ang asawa ko sa kanya kahit may mga anak siya.

"Where's the kid, anyway?" tanong ni Enrique pero nakatingin sa kabayo. Hindi man lang tumingin kay Hailey dahil mas inuna pang hawakan ang kabayo.

"Nasa mansion kasama si Phoenix. Siya muna sasakit ang ulo ngayon lalo na kay Eagle. Ang kulit ng batang 'yon, hindi naman anak ni Dylan, pero parang sila ang mag-ama."

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon