"Happy?"
Ngumiti ako saka muling sumipsip ng iced coffee. Hindi man kasing sarap ng kalinga ni Dylan itong iniinom ko ay napapangiti pa rin ako dahil kape ito. Siguro kaya rin ako napapraning dahil hindi na ako nakakapagkape. Simula kasi nang lumaki si Ixora sa tiyan ko ay iniwasan ko ang caffeinated drinks. Baka magka-diabetes siya at daig pa adik pag labas sa laki ng mata kung puro kape ang iniinom ko.
But I swear, very relaxing and refreshing talaga ang kape. Para akong adik na binigyan ng droga para kumalma. Something like a child na binigyan ng lollipop. I don't know; I felt alive and kicking after I sipped this fucking cold coffee drink.
"Thanks, Enrique."
"So, OK ka na?" I nodded and smiled at him. "Good. So, which one will we buy first? Dress, shoes, bag, un...dies?"
Muntik na akong mabilaukan sa huli niyang sinabi. Napalaki ang mata ko na nakatitig sa kanya habang siya ay may malapad na ngiti. "What? Something?"
"Bakit nasama ang undies sa bibilhin?"
"Ah, naisip ko lang. For sure matagal ka na rin walang bagong undies, kaya sinama ko na choices."
"Ang bastos mo."
Hinampas ko ang balikat niya at saka naunang maglakad. Ang bastos-bastos niyang mag-isip. Kahit totoo ang sinabi niya ay nakakahiya pa ring umamin na tama siyang puro luma na ang mga panty ko. Saka hindi niya dapat sinasabi 'yon. Ang bastos-bastos niya talaga. Saka kahit luma naman mga panty ko, malinis at maganda pa rin naman tingnan. Ang mahal kaya ng mga panty ko.
Napahinto ako at mabilis na lumingon sa kanya. Napatigil din siya at tumitig sa akin. Nakasunod pala siya sa akin.
"Why?" takang tanong niya habang natatawa.
Naisip ko lang, paano niya kaya nalaman na luma na mga panty ko? Binubosohan niya ba ako? Humaygad!
"Dandelion..."
"Bastos!"
I flipped my hair and walked faster na kulang na lang tumakbo.
"Hey!"
Nakasunod pa rin siya sa akin. Agad akong napatigil nang mahawaka niya ang kamay ko. "Hey, what's wrong?"
"Bastos ka kasi."
"Ako, bastos? Sinabi ko lang naman kung ano ang mga dapat mong bilhin."
"Eh bakit nasama ang undies?"
Pero tumawa lang siya nang nakakaakit, pero hindi ako naaakit.
"Anong masama sa undies? Everybody used undies to cover their private part, not only us. Matagal ka ng walang bagong gamit dahil hindi ka na nagsha-shopping. So, for sure, your undies were old too. Besides, I wanted to buy a new brief also dahil matagal na rin akong walang bagong brief kaya patas lang tayo."
"Ang bastos mo talaga. Pati brief mo dinadamay mo."
But he only laughed harder. Iiwan ko na sana siya nang bigla niyang hilahin ang kamay ko. "Fine, huwag ka na magalit. Gusto lang kitang patawanin pero mukhang hindi effective dahil napikon ka, at ako lang ang tumawa."
"Tawa mo, mukha mo."
"Oh!" He gasped, kaya napatingin rin ako sa tinitingnan niya. Nakatingin siya sa likod ko na kaya napalingon ako. Isang jewelry shop pala ang nakita niya.
"I think, nakatulong ang tantrums mo para makarating tayo rito."
"Bakit, anong meron diyan?" tanong ko.
"Tara sa loob at ito na lang muna una ang natin bibilhin." He pulled me papasok sa loob ng store ng hindi na ako pinasagot.
"Good afternoon, ma'am, good afternoon, sir," bati sa amin ng isang staff.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...